C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 12

720 26 13
                                    

Last fight

I didn't know how I survived that moment. Kahit natapos na ang pag-uusap namin ay may guwang pa rin sa tiyan ko. I can't forget the way he stared at me. His touch is still giving my skin a numbing kind of feeling. And his kiss...

Curse that kiss!!!

Ang tanging pinagpapasalamat ko lang ay nakalabas kami ng buhay doon. And also the promise that he gave me.

He will let me work with him, meaning I'll get to know whatever he's hiding.

But I don't know why after leaving that room, I can't imagine myself working with him or even just being with him again. Getting out of that room felt like I was freed from something that could incarcerate me for life.

"Thank you." Pormal kong sinabi sa barakong lalaking tinatawag nilang Uno nang ihatid kami nito sa entrada ng bahay kung nasaan naka-parada na ang aming sasakyan.

Nilapitan agad ako nila Glenn at binantayan habang pinag-bubuksan ako ng pinto ni Hades.

Nang makasakay ako ay tsaka lang sila tumungo sa kabilang kotse.

"I can't believe you, Demy! Bakit mo ginawa 'yon?"

Napaiwas ako ng tingin nang pagalitan agad ako ni Hades pagkasakay niya.

Mabilis niyang pinaharurot ang kotse paalis kahit pa si Enigma ang dapat na mauna.

"I had to." Simple kong sinabi habang sinusuot ang seatbelt.

"You had to?! Narinig mo ba ang gusto sa'yo ng gagong 'yon? At pumayag ka naman!"

"Hades, sa tingin mo ba kung hindi ako pumayag makakalabas tayo ng buhay doon? Sa ilang beses na nakausap ko siya, hindi na ako nagulat sa gusto niyang mangyari ngayon."

Napailing si Hades.

"And you didn't tell me about that? Hindi lang pala masahol sa hayop ang lalaking 'yon!"

"I know what I'm doing, Hades. Please calm down." Nakagat ko ang labi ko.

"Do you really know, Demy?"

Muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina kaya naman ay napasandal ako sa upuan at tumingin na lang sa labas. A part of me says yes...but there's a tiny part of me that bends it. It's just a small part but it's too powerful and it complicates everything in my mind.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ako nakasagot. Bago ko naiwaglit iyon sa aking isipan.

"I will never let him win. I will never let him get what he wants." Mariin kong sinabi habang nakatanaw sa labas.

"Just make it fast. Dahil sa oras na mag-kamali ang lalaking 'yon, hindi na kita hihintayin Demy, ako na mismo ang tatapos sa kanya." Seryosong sinabi ni Hades.

Kumibot naman ang labi ko dahil sa pigil na ngisi.

"Why are so mad? Was it about the kiss? I just did it for a show. I didn't even feel anything at all." I said the last words halfheartedly.

"W-What? Hindi ah. Hindi ko lang nagustuhan ang sinabi ng gagong 'yon. Kung narito si Enigma, ganito rin ang sinabi niya sa'yo."

Plotted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon