C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 16

828 29 7
                                    

Warning...SSPG

Sun

There's a lump in my throat and I really feel like crying. Natatakot ako para kila Carter.. Natatakot para kay Mama. And I just can't deny that I'm worried sick for my life right now!

Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Rojo. O kung ano na ang inutos niya sa kanyang mga tauhan pero malakas ang kutob ko na hindi na siya mag-sasayang pa ng oras para sakin.

Kung talagang nahuli na sila ng mga pulis ay magiging pabigat lang ako sa kanya. It's very easy for him to catch and kill my friends specially because he got Kuya Felix beside him.

I just hope that Kuya Felix is still true to his words.

Sa pananalita niya noong huli kaming nag-usap ay naramdaman ko ang kagustuhan niyang makuha si Mama. Kahit ayoko, umaasa parin ako na sana protektahan niya si Mama. At baka kahit doon man lang ay mabawasan ang sama ng loob ko sa kanya.

Mabilis kong tinakbo ang distantsya ko patungo sa malaking painting ng pulang haring araw. Pahirapan kong kinuha ang baril ni Papa na naka-tape doon pati na rin ang silencer sa tabi nito.

Wala pa man ay hinihingal na ako sa kaba. Nararamdaman ko na rin ang namumuong pawis sa aking noo habang inaayos ang baril.

Nang matapos ay huminga ako ng malalim at isinukbit ito sa likurang bahagi ng aking lacey panty.

Huminga ako mg malalim bago tuluyang lumapit sa pinto. Marahan ko itong kinatok.

"Um.. Hello? Anybody there?" Tawag ko sa maarteng paraan.

Narinig ko ang ilang pag-kilos sa labas at ang bulungan. Ilang sandali pa ay kumatok akong muli.

"Anong kailangan mo miss?"

Nakagat ko ang labi ko nang marinig iyon mula sa labas! Nag-ayos ako ng tayo at muling nag-handa para sa pag-arte.

"I'm hungry.. Can you ask Philly to get me some food?" Pagkukunwari ko.

"Wala dito si Philly. Mag-tiis ka." Masungit na sinabi ng isa.

Napairap ako ngunit agad din akong bumalik sa drama.

"Please.."

"Please sige na.. Gutom na talaga ako.. Kaunti lang iyong dala niya kanina eh.. Please.."

Nakarinig ako ng ilang boses na tila nag-tatalo kung dapat bang buksan ang pinto o hindi.

"Mag-hintay ka pwede?! Pre tawagan mo nga si Philly, padalhin mo ng pagkain."

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig iyon. Kahit papaano ay nabawasan ang problema ko.

Ilang sandali pa akong nag-hintay para kay Philly. Panay lang ang lakad ko sa tapat ng pinto nang tuluyang bumukas ito.

Nagulat pa si Philly dahil naroon lang ako.

"D-Demy? Kanina ka pa ba nag-hihintay? Sorry natagalan ako ha? Mukang gutom ka na nga talaga.." Nag-aalala niyang sinabi habang pinapasok ang tray ng pagkain.

Plotted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon