C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 14

726 22 31
                                    

Hopeless

Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging tulog ko. Nagising nalang ako dahil sa naramdamang ngalay sa kaliwang kamay. Hindi ko ito maigalaw maigi. Ngunit bigla akong napabalikwas nang tuluyang makita ang paligid.

Bumangon ako ngunit agad tumigil dahil sa naramdamang sakit sa kaliwang palapulsuhan.

And when I looked at my left hand, I gasped because it was cuffed up on the side of the bed that I slept on last night!!

Nilibot ng paningin ko ang buong kwarto at napag-tantong narito ako ulit sa teritoryo ng kalaban ko! Damn it!

Marahas kong hinila ang kamay ko ngunit napainda lang ako sa sakit. Hirap na hirap akong bumangon at umupo sa gilid ng kama. Napahilot pa ako sa sentido ko dahil sa kaunting hilo na naramdaman.

Tiningnan ko ang sarili ko at nakahinga ng maluwag nang makitang kumpleto pa rin ang suot ko. Tanging heels lang ang nawala sakin.

Pero kahit ganoon ay parang bagyo pa ring bumugso ang kaba sa dibdib ko!

Kuya Felix!

Where is he?! Ayos lang kaya siya?! Hindi kaya nahabol kami ng mga tauhan ng Rojo na iyon at nahuli kaming dalawa?! Shit! I hope he's fine. May edad na siya kaya kung ganoon nga ang nangyari ay siguradong wala siyang laban sa mga ito.

Kinagat ko ang labi ko habang pinapakalma ang sarili. What the hell shoud I do?! Think Demy! Damn it!

Ilang sandali matapos i-check ang paligid ay nakuha ng atensyon ko ang bag kong nasa ibabaw ng tukador. Hindi ito gaano kalayo ngunit alam kong hindi ko rin ito maaabot ng madali.

But I left my cellphone there! I can use it! I have to get it no matter how hard it is!

Sinubukan kong tumayo para abutin iyon kaya lang ay walang pag-asa dahil sa kamay kong naka-posas! Halos mamula na ang palapulsuhan ko dahil sa ginawa ko.

Nakita ko ang heels kong nasa sahig at agad kong pinulot ang isa. Ang takong nito ang ginamit kong pang-abot sa aking bag.

"Agh damn it!" Mahina kong singhal dahil sa inis.

Hirap na hirap kong pinilit na maabot ang handle nito at nang sa wakas ay naihulog ko ito! Ngayon ay umupo ako sa sahig at bahagyang dumapa upang gamitin ang paa para maiusog ito palapit.

Ilang beses kong sinubukang gawin iyon at halos mapuno na ako ng pag-asa dahil kahit paunti-unti ay nailalapit ko ito sakin!

Maisasabit ko na sana ang paa ko sa unang strap ng bag ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto! Napabalikwas ako at sinubukang bumalik agad sa pwesto kahit pa parang tinatambol na ang dibdib ko sa kaba.

Ngunit para akong nabunutan ng tinik nang makita kung sino ang pumasok. Nag-aalala kong tiningnan si Kuya Felix at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. I sighed in relief when I saw that he's fine.

"Kuya Felix thank God! A-Anong nangyari?! Sinaktan ka ba nila?? Paano ka nakatakas??" Sunod-sunod kong sinabi kahit pa hinihingal.

He just stared at me blankly.

Ilang sandali pa ay nilingon niya ang backpack kong nasa sahig na.

Plotted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon