C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 36

239 9 0
                                    

Warning: SSPG  : >

---

Confused

Bumalik sa kwarto ang gwapong pulis na 'yon pero ngayon ay may dala na siyang folder. Umupo siyang muli sa harap ko at binuklat iyon habang nakatingin sakin.

"This is just for sake of process.. we're gonna skip some parts kasi baka mabagot ka. Let me just get to know you better." Sambit niya at nilapit ang folder sakin.

"Ikukulong mo na ba ako pag-katapos?"

"Oo. Pero..sa puso ko, pwede ba?" Muling nag-dugtong ang kilay ko na naging dahilan ng kanyang pag-tawa. Inalis niya ulit ang kunot sa noo ko gamit ang kanyang daliri.

"Biro lang.. pero pwede mo rin pag-isipan."

Muli ko siyang inirapan.

"Demetria Ysabel Valejo. Kidnapping and serious illegal detention. So.. You're into kidnapping men? Old men to be exact. Tsk tsk. You gotta level up your taste. Don't worry, I'm willing to be your next victim." Nanunuya niyang sinabi ang huli.

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Why? Are you dealing with drug lords and traffickers?"

"No. So are you saying that's the reason why you kidnapped General Vincente?"

Shit.

"I want a lawyer." Mariin kong sinabi.

"Nope."

Nalaglag ang panga ko sa sagot niya.

"Karapatan ko 'yon mister! And it's against the law if you don't give me a lawyer."

"Labag rin sa batas ko ang hindi kita ma-solo. Your lawyer can wait, I can't."

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Parang wala yatang balak tumigil ang isang 'to sa pag-lalandi.

"You can't be serious." Pasinghap kong sinabi at umiling.

"Too early to say that." Bulong niya.

Nang hindi ko siya sagutin ay binasa niya ang iba pang laman ng dokumento sa harap ko. If proven guilty, I might be locked up for the rest of my life. Iyon lang ang tumatak sa isip ko.

"Now, we just need your prints and then we can go to the good part." Muli akong bumaling sa kanya.

"And what is that?"

"Locking you up. With me." Sagot niya at ngumisi.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Ang takot sa sistema ko kanina ay mas lalong lumala. Hindi ako pwedeng makulong! Red's eyes full of anger flashed on my mind and it made me tremble.

I don't want him mad.

I don't want him disappointed in me.

I don't want him to doubt me.

Even the angelic smile on the face of this man in front of me didn't lessen the fear inside me. Namalayan ko nalang ay nakatayo na siya sa gilid ko at hinahawakan ang kamay ko. He's guiding my fingers one by one on the ink pad then onto the paper where my finger prints are needed.

Inisip ko ang pwedeng gawin habang ganoon. Desperado na ako. Kailangan ko siyang patumbahin kahit pulis pa siya. I'm already a fugitive anyway, wala na ring mag-babago kung sasaktan ko ang isang 'to para makatakbo.

I was about to grab his hand to hurl him onto the floor. But that didn't happen when the door suddenly opened. Para akong binunutan ng napakalaking tinik nang makita si Luna.

Plotted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon