C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 9

716 26 21
                                    

Cakes and *Cocaine

Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko hanggang sa tuluyang mawala ang tawag. Ngunit nang ibubulsa ko na ito ay bigla nanamang tumunog!

Unknown number calling...

Unknown number calling...

Unknown number calling...

Damn it! Hindi ko alam kung bakit hindi ko masagot! The thought of hearing his voice again gives me a lot of anxiety. At naiinis ako dahil doon!

Nang matapos ang pangatlo niyang tawag ay nilagay ko nalang sa silent mode ang phone ko tsaka sumakay kay Dyosa. Umuwi ako sa bahay at pinalipas ang buong mag-hapon sa sariling gym room doon.

I spent the first hour working out. Hindi sapat iyon kaya napili ko nalang mag-training ng boxing at Yaw-Yan. I was sweating hard when I decided to stop and rest.

Dinampot ko ang white towel ko sa nag-iisang couch doon at pinunasan ang pawisang leeg. Tinungga ko rin ang protein shake na nasa tumbler ko bago lumabas ng kwartong iyon.

Naabutan ko si Mama sa sala. Nakaupo siya sa kanyang wheelchair at nag-papahangin. Napangiti ako nang mapansing mas nag-karoon ng kulay ang kanyang pisngi hindi gaya ng mga nakaraang araw. Nilapitan ko siya at pinatakan ng halik ang kanyang noo bago ako umakyat sa aking kwarto.

Pag-pasok sa ko roon ay agad kong tiningnan ang aking cellphone na iniwan ko sa ibabaw ng tukador.

Ilang texts mula kay Hades, Carter at Cedrick ang binasa ko bago tumulak sa banyo. Hinanda ko ang bathtub dahil balak kong mag-babad doon ngayong gabi. Nag-lagay ako ng ilang essential bath oils at nag-sindi din ng scented candles sa paligid. Naglagay rin ako ng wine at wineglass sa tabi ng tub.

Nang maayos ang lahat ay tsaka ako pumasok sa bathtub. Sa kanang kamay ay hawak ko ang phone ko habang sa kaliwa naman ay may hawak akong wineglass. Sumandal ako at sumimsim ng wine habang tinitingnan ang ilang emails mula sa sekretarya ko sa VSL.

Nag-log in din ako sa ilang social media accounts at nag-scroll down lang sa newsfeed. Naka-dalawang baso na ako ng red wine nang tuluyang mag-sawa sa cellphone. Ilalapag ko na sana ito sa tabi ng wine nang bigla itong tumunog.

Nag-igting ang panga ko nang makita kung sino ang tumatawag.

Unknown number calling...

It's almost midnight! Ano naman kaya ang gusto ng lalaking ito sakin?!

Bumuntong hininga ako bago tinuko ang kaliwang siko sa tub at sinagot ang tawag.

Maybe I should thank the wine...medyo nawala ang pagiging kabado ko.

"I thought you said you were waiting for my call?"  Mapang-asar niyang bungad.

"Oh, Sorry. I was busy." I mocked him.

I heard him chuckle a bit. Hindi ko ramdam ang lamig kanina ero ngayong kausap ko siya at naririnig ko nang maigi ang boses niya ay para akong gininaw.

"Lies. You don't sound busy to me..just afraid."

Tumawa rin ako para asarin siya kunwari.

Plotted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon