Gift
I was very exhausted after the long drive. Not physically but mentally.
Hindi ko maalis sa isip ko ang nakakapanindig-balahibo niyang titig. Kung noon ay nanghihina na ako sa presensya niya ay mas lalo pa ngayong lumapat ang mga labi niya sakin.
I remembered the way he looked at me after that kiss. I didn't see the dominance from his eyes anymore..just lust and desire.
But what the hell Demy! Why did you let him do that?!
Bumaba ako kay Dyosa at tuluyan nang pumasok sa mausoleum ni Papa. Dito ako dumiretcho pagkatapos ng pagkikitang iyon.
Sa bawat hakbang ko palapit ay nakakaramdam ako ng kahihiyan. Nahihiya ako kay Papa dahil sa nangyari kanina. Pakiramdam ko kasi ay alam niya ang lahat ng kilos at kapalpakan ko...at kanina, sobrang pumalpak ako.
Ngunit natigil ako nang may nakitang babae na may dalang bulaklak doon. Nilapag niya ito sa ibabaw ng puntod ni Papa.
Agad akong pumasok sa loob ng mausoleum dahilan para magulat ang babae. Kunot-noo ko siyang tiningnan. I don't remember her and I'm sure she's not my aunt or something. Pero sa itsura niya ay nasisigurado kong galing din siya sa mayamang pamilya.
"Sino po kayo? Bakit niyo po dinadalaw si Papa?" Tanong ko nang mag-katinginan kaming dalawa.
Mas masigla lang ang itsura niya kay Mama pero tingin ko'y hindi nag-kakalayo ang edad nila.
"I-I'm just his friend. Napadaan lang ako, ija." Malungkot siyang ngumiti. Sa gilid ng kanyang mga mata ay may namumuong luha. "Pareho kayo ng mga mata ng Papa mo, ija." Dagdag niya pa.
"May I know your name po? Hindi ko po kasi kayo maalala. I'm really sorry." Sambit ko ngunit inilingan niya lang ako.
"Mauuna na ako, ija. Pasensya na sa abala."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya at makasakay sa isang mamahaling SUV na nag-aabang sa kanya. Nang makaalis ang kotse ay napabuntong-hininga ako at napatingin sa puntod ni Papa.
"Pa, hanggang dito ba naman may makikita ako? Wrong timing ba pag-bisita ko?" Nakanguso kong sinabi at muling bumuntong hininga.
"It doesn't matter now, does it? Pareho nalang din naman kaming namimiss ka. Hindi gaya noon na kami lang ni Mama ang nakakamiss sa'yo kapag umaalis ka."
Hinaplos ko ang ilang bulaklak na dala noong babae kanina. Makukulay iyon at maganda ang pagkaka-arrange.
"She's pretty though. Mas maganda nga lang si Mama." I smiled bitterly. "Papa.. I know you know what happened a while ago... I just want to say I'm sorry. Papa...What should I do?" Hirap na hirap kong bulong.
Nag-init ang gilid ng mga mata ko habang hinahaplos ang pangalan ni Papa. Sinusubukang kumuha ng lakas mula doon pero hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ako.
I sighed..
What if Carter's right? What if I'm feeling this because of trauma? Because of what I saw that night?
But why do I feel so strong every time I'm plotting on killing him? Every time I'm away from him, all I can think of is the best way to end him.
BINABASA MO ANG
Plotted to Love You
ActionShe's a drag racer and an underground fighter. Her life is all fun and games. She just do it for fun...never takes it seriously cause money is never the problem. After all she's the only daughter of the fiercest business tycoon, Anthonius Valejo. B...