C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 18

1.3K 31 27
                                    

Out

Nag-kulong ako sa kwarto matapos kumain. Hindi ko alam kung paano nakayanan ang kanina pero pakiramdam ko naman ay gusto niya akong mabusog kaya hinayaan niya akong bumalik sa pwesto ko para kumain.

Habang nakahilata sa malaking kama ay iniisip kong maigi ang mga sinabi niya kanina..

He said he wants me to train using guns. But why? Imposible namang gawin niya akong bodyguard niya. I mean, he has a lot of good men already.

But he mentioned battlefield..so are we gonna fight? But who are we going to fight? He's a druglord, that's all I know about him.

Well maybe just like me, marami pa ang may galit sa kanya at gusto siyang patayin! Tapos ngayon, gagamitin niya ako para ipanglaban sa kanila? Siguro iyon na nga! Alam niya ang kakayanan ko kaya gagamitin niya iyon! Ugh! Damn him!

But okay.. Atleast if we're together, I don't need to find him anymore. Pwedeng-pwede ko siyang traydurin at gawan ng masama. All I have to do is get my shits together and kill him.

Ngunit nang bumalik sa alaala ko ang nangyari noong binalak ko siyang patayin ay bigla akong pinanghinaan ng loob.

Muli kong sinilip ang dibdib ko at niyakap ang sarili...

I got a lot of red spots there...kiss marks to be exact.

At hindi man lang sinabi iyon ni Rojo kanina habang kumakain kami! Nalaman ko nalang nang makabalik ako sa kwarto at makita ang sarili sa salamin ng banyo!

That's the reason why I locked the door too. Nakakahiya! Damn it!

Ngunit ilang sandali lang ay may kumatok na sa pinto.

Napabalikwas ako sa kama at mabilisang dinampot ang comforter at ibinalot iyon sakin.

"Sino yan?!"

"Who else little girl? Open the door."

"Bakit?! Anong kailangan mo?!"

"You, of course."

My face heated with the way he said the last words! Pakiramdam ko ay iba ang ibig niyang sabihin doon!

Matalim kong tiningnan ang pinto na tila ba nakikita niya iyon.

"Ayoko!" Sigaw ko.

"You know you're "NOs" can't stop me, right?"

Napairap ako sa kayabangan niya.

"But a locked door may. I want to spend this day alone, Rojo. I want to think. So if you don't mind---"

Napatalon ako nang biglang bumukas ang pinto! Ni hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko!

Mabilisan kong binalot ang sarili sa comforter at inis siyang tiningnan. I don't care if he's already in his formal wear and his hair a little bit damp making it hotter. I don't care if his manly scent was attacking my nose as he walked towards me. I don't care if he looks so torridly handsome! I don't care if he looks like a greek god!

And I don't care if the way he was holding a pair of heels and a yellow dress didn't lessen his hotness.

No! I don't care at all!

"Ano pang kailangan mong pag-isipan, hmm?" Napakurap-kurap ako nang nasa harap ko na siya at bahagyang nakaupo sa gilid ng kama upang pantayan ang mga tingin namin.

Hindi ako nakaimik sandali. Nag-sisimula nanamang umepekto ang mga mata niyang dinadala ako sa ibang mundo.

"Why do I have to tell you? You're not my boss." Inis kong sinabi at inirapan siya.

Plotted to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon