PROLOGUE

4.9K 105 7
                                    

PROLOGUE

'Sino ako? Nasaan ako? Bakit ako nandito? Bakit nangyayari sa akin ito?' tanong ko sa aking sarili. Pinikit ko ang aking mata at hinayaan na lang na saksakin habang may takip na sako sa aking mukha.

"Mahal, tinupad ko yung gusto mo na gawin ko ito kahit na gusto ko na lang itago itong abo mo. Mahal, tumupad ako sa usapan kaya dapat tumupad ka rin. Sabi mo tutuparin mo yung isang hiling ko. Mahal, ikaw ang hiling ko. Wala ako ibang hilingin kundi ikaw lang. Ikaw lang nagpapasaya sa akin. Please mahal, bumalik ka na."

Muli ako napadilat nang maalala ko ang isang tinig ng lalaki. Madalas ko ito mapanaginipan. Malabo ang kanyang mukha at tanging ang boses lamang niya ang malinaw sa akin. Tuwing naalala ko ang mga salitang binitiwan niya, nakakaramdam ako ng kalungkutan kasabay ng kagustuhang makita siya. Hindi ko man alam kung sino siya. Nais ko siya makilala.

"Tignan niyo po mga walang halong daya. Kusang gumagaling ang sugat niya kahit paulit-ulit na namin siyang sinasaksak," rinig kong sabi ng lalaki. Muli ako nakaramdam ng pagtusok ng isang matulis na bagay sa aking katawan.

"Tama na," sambit ko habang nanghihina dahil na din sa gutom at uhaw. Nanunuyo na ang lalamunan ko.

"Huh?! Anong sabi mo? Hindi namin marinig?" tanong sa akin ng isang lalaki sabay sasak sa hita ko. Napasigaw na lang ako sa sakit.

"Miss, sabihin mo na kung ano sikreto mo? Paano ka nagkaroon ng ganyang katawan? Bakit hindi ka namamatay? Anong nilalang ka? Sirena ka ba kaya ka palutang-lutang sa dagat?" sunod-sunod na tanong ng isa sa kanila.

"Hindi ko alam--Aaaaahhh!" tugon ko dahil kahit ako walang alam sa sarili ko. Kahit pangalan ko hindi ko matandaan. Muli ako napasigaw nang saksakin nanaman nila ako.

Sinubukan ko igalaw ang nakadena kong kamay at paa. Ayoko na sa lugar na ito. Gusto ko na makaalis.

"Umaamin ka na! Atin-atin lang naman ito," bulong sa akin ng isa kanila. Muli ko naramdaman ang pagbaon ng kutsilyo sa tiyan ko.

"TAMA NA!" sigaw ko at buong pwersa na nagpumiglas. Hindi ko alam kung ano nangyari pero narinig ko ang pagputol ng kadena kasabay ng malakas na pwersang pumapalibot sa akin. Inalis ko ang nakatakip sa mukha ko.

Doon ko lang nakita ang limang lalaking nanakit sa akin at paulit-ulit na pumapatay sa akin. Hinila palapit sa akin ang lalaking malapit sa akin saka kinagat sa leeg. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Kusa na lang gumalaw ang katawan ko at sinisip ang dugo niya. Maaring dala na din ito ng gutom at uhaw.

"Tulungan niyo ko!" tawag niya sa mga kasamahan niya. Tinignan ko naman sila ng masama.

"Bampira! Pare umalis na tayo dito. Patay tayo kapag nakaalis siya sa kama," sambit ng kasama niya. Agad nagtakbuhan ang mga ito. Hinayaan ko na lang sila at tuloy lang sa pagsipsip ng dugo hanggang sa maging buto't balat na lang ito.

Tinignan ko ang mga paa ko na nakadena pa rin sa kamang hinigigaan ko. Kamang pulang-pula na dahil sa dugo ko. Pagkahawak ko sa kadena, bigla ito nagyelo. Napansin ko ang kutsilyo sa sahig. Inisip ko na lumutang ito at lumapit sa akin na nagkatotoo naman. Nang makuha ko ito, ginamit ko iyon para basagin ang nagyeyelong kadena.

Pagkatanggal ng kadena, isinaksak ko ang kutsilyo sa dibdib ng lalaking kinagatan ko bago sundan ang mga kasama nito. Kinuha ko ang isang tshirt para suotin saka kumuha ng kutsilyo bago lumabas.

Paglabas ko sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Natanaw ko ang isang barko na papaalis. Tumakbo ako papunta doon bago pa ito tuluyang makaalis.

"Bilisan niyo. Nandyan na siya," sigaw ng isang lalaki.

Lumundag ako patungo sa barko para makasakay ako. Pagkababa ko mula sa ere, agad sila nagtakbuhan papasok. Hinabol ko ang isa sa kanila at hinagisan ng kutsilyo. Tumama ito sa likod niya na nagpadapa sa kanya. Hinugot ko ang kutsilyo at saka ko siya kinagat para sipsipin ang dugo niya. Nang matapos ako pinagsasaksak ko siya tulad ng ginawa niya sa akin.

Tumayo ako hinanap ang mga kasama niya. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may tumakip na sako sa akin mula ulo hanggang kalahati ng katawan ko saka ito tinali.

"Pare, ano gagawin natin dito?"

"Mas mabuting itapon natin siya sa dagat bago pa siya makawala. Hindi tao ang isang yan."

Naramdaman ko ang paglutang ko hanggang sa bumagsak na lang ako sa tubig.

Nagpumiglas ako hanggang sa natanggal ko ang tali. Inalis ko ang sako saka tumingin sa taas.

'Makikita ko din kayo. Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa akin. Walang karapatan mabuhay ang mga katulad niyo," sa isip ko habang unti-unting lumubog sa tubig.

*******

Author's note:

Good Evening! Tulad ng sinabi ko ipopost ko ito kapag naka-50k reads na yung book 1 or matapos ko yung isa sa mga on-going story ko. At dahil naging 50k reads nga yung book 1. Ito na po yung prologue. Enjoy! And Thank You sa mga nag-aabang at magbabasa. ^_^

Deathless Killer (Artificial Vampire 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon