"Huy! Tulala ka na naman jan" tapik sakin ni Anj.
"Huh? Ah. Wala may iniisip lang ako." Sagot ko na nagbuntong hininga at nagsalukbaba.
"Ano naman iniisip mo?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.
"Iniisip ko lang kung ano kaya feeling ng may boyfriend" matamlay kong sagot at pinapanuod ang mga couples sa school grounds.
"Ah. Ewan ko ba kasi sayo bakit mo tinanggihan si Zack. Eh mabait na, gwapo at mayaman pa." Pangungunsensya niya sakin.
Bumuntong hininga ulit ako, "Yun na nga eh. Mabait, gwapo at mayaman. Hindi kami bagay" Sagot ko.
"Teh! Hindi na uso ang ganiyan kadramahan. Duh? We're in 2014 era oh! Tsaka matagal ng may gusto yan si Zack sayo since middle school." Sabi niya nag roll eyes pa at kinain ang sandwich niya.
"I know. Pero pag naiisip ko yung idea na magiging kami or kami, what do I get? Bullies? Gwapo si Zack and madami nagkakagusto sa kaniya na magaganda and mayaman. Ka estado niya. Like Jessica." I said
"Psh. Si Jessica? Hindi siya magugustuhan ni Zack. Alam mo na ayaw ni Zack sa mga flirts. Kaya nga hindi niya pinapansin si Jessica eh. Kaya wag ka ngang nega. Kung magiging kayo ipagtatanggol ka niya." sagot ni Anj at humarap sakin.
"I'm not sure Anj. You know I'm a coward and not a risk taker. But I like him. I do. Its just that ..."
"Its just that what?" Sabat ng isang lalaki.
lumingon kaming dalawa ni Anj and to our suprise, no to my suprise si Zack pala.
"Ah huh?" I said.
"Ano ibig mong sabihin sa 'its just that'. Mukhang may pinaguusapan kayong malalim ah." sagot niya at umupo sa tabi ko.
"Ah kanina ka pa ba jan?" tanong ko na kinakabahan.
"Ah hindi naman. Kadarating ko lang dun sa part na 'its just that'" sagot niya and he shrugged.
"Ah ok." mahina kong sagot.
tinignan niya ako waiting for me to continue or to talk about it.
"What?" I asked
"Hm is there something bothering you?" he asked and makikita ko sa mukha niya na nagaalala siya.
"ah wala. iniisip ko lang kung nakuha ko ba yung quiz kanina sa lit." I lied.
"Sus! wag mo nang isipin yun! panigurado ikaw na naman ang top dun." Pagchicheer niya.
"Onga Ania. Masyado ka nagwoworry sa mga quizzes and exams. Loosen up a little bit." Sabat ni Anj.
"Tama si Anj. We should go out sometime. Hm maybe tomorrow since we don't have school." pagyayaya ni Zack.
"Game ako jan!" Pagsang ayon ni Anj. "Sige na anj sumama ka na. Minsan lang manlibre itong si Zack!" Biro ni anj.
Huminga ako ng malalim and "Osige na nga"
They both said yes and threw their hands in the air na akala mo nanalo. They even high fived to each other. Ganon ba ka big deal ang pagsama ko bukas?
"Oo big deal yun Ania. Madalang ka lang sumama samin pag nagyayaya kami lumabas." Sabi ni Anj.
"Nasabi ko ba ng malakas yun?" Tanong kong nagttaka.
"Oo. Kaya wag ka ng magdalawang isip. You said yes kaya wala ng bawian." Sagot ni Zack na nakasmile.
Naku. Ito na naman ang ngiti niyang nakakatunaw. Crush ko si Zack Montemayor since middle school and he feels the same way. I like him and he likes me too. Nagstart siyang manligaw nung last year na namin sa middle school. He even attend this kind of school para lang sakin. I want him to be my boyfriend kaya lang ayoko magkaroon ng mga kaaway. I mean I keep a low profile here at school. As long as na hindi nila ako masyadong kilala ok na ako. But I think malabong mangyari yun. Half of the students in school alam nilang may gusto sakin si Zack and now they're bullying me. Hindi ko lang masabi kay Zack. Si Jessica, siya ang pasimuno ng pangbubully sakin. She likes Zack. And wala siyanh gusto na hindi niya nakukuha. Kaya nung nalaman niya na Zack likes me she started making my life miserable.
"Huy! Tulala ka na naman" Sabi ni Anj ng magkaulirat ako.
"Ano ba kasi iniisip mo Ania?" Nagaalalang tanong ni Zack. "Kanina ka pa namin kinakausap at tinatanong ni Anj kung san mo gusto pumunta bukas pero nakatulala ka lang"
"Ah sorry guys. Wag niyo na lang ako intindihin. Kung san niyo gusto ok ako dun" Then I make a half weak smile.
"Are you sure?" Tanong ni Zack.
"Yup!" Masigla kong sagot.
Bell Ring.
"Naku. Oras na pala. Tara na baka malate pa tayo sa susunod na subject" Pagmamadali ni Anj.
Tumayo na kami at tinapon sa trash bin ang mga pinagkainan namin and then we rushed to our next subject. Me and Zack are in different sections. Section 2-A ako while him section 2-C. kaya we have different rooms.
"See you later guys!" Sigaw ni Zack bago pumasok ng classroom.
Kumaway lang kami ni Anj and dumiretso na sa classroom.
_______
Natapos na ang boring na last subject namin. Nagaayos ako ng gamit habang si Anj busy nakikipagflirt sa crush niyang si MJ. May gusto din itong si MJ kay Anj. Ayaw lang aminin. Paano ko nalaman? Accidentally ko siyang narinig na binabangit ang pangalan ni Anj habang tulog siya magisa dito sa classroom. PE namin yun, naiwan si MJ dito dahil ayaw gumising, may nakalimutan ako sa bag ko and saktong papaalis na ako narinig ko siya.
Umiling lang ako at ngumiti, at tapos na magusap sina Anj and Mj. Bakas sa mukha ni Mj yung saya and kilig ng makausap niya si Anj. Same with kay Anj.
"Ano tapos mo na kausapin crush mo?" Pangaasar ko at sinuot na ang backpack ko.
"Shh. Wag ka ngang maingay! Baka marinig ka niya!" Bawal niya sakin at papalabas na kami ng room.
"Baka marinig niya diba? Kasi alam ko umalis na siya. And malamang nasa may hagdan na yun" Sagot ko habang naglalakad kami.
"Hay. Ang bait at ang gwapo niya talaga" Pagdedaydream na sagot ni Anj.
"Bakit dimo pa aminin sa kaniya na gusto mo siya?" Tanong ko habang bumababa kami ng hagdan.
"Aaminin ko sa kanya tapos? Nganga ako. di pala niya ako gusto" Kumunot ang noo niya ng sabihin niya yun.
"Malay mo gusto ko din pala niya."Pagpaparinig ko.
"Psh. Hindi siguro. Ano naman magugustuhan niya sakin?" Tanong ni Anj na tinuro pa ang sarili niya.
nasa labas na kami ng building at papunta na sa parking lot kung san si Zack naghihintay samin
"Maganda ka Anj at hindi lang yun. Mabait ka pa at matalino. Kaya wag mo ngang idown ang sarili mo." sabi ko sabay tapik sa balikat niya.
"Tingin mo?" Pagdududa niya.
"Oo naman." Pangiti kong sagot. "O ayun na pala si Zack eh. Tara na."
Papalapit na sana kami ni Anj ng matigilan kami sa paglalakad nung makita kong hinalikan ni Zack si Jessica.
"Oh em gee! Totoo ba yung nakikita natin Ania?" Gulat na tanong ni Ania.
Hindi ko na sya sinagot pa at tumakbo ako papalayo sa parking lot. Iniwan ko din si Anj.
Tumatakbo lang ako, hindi ko lam san ako pupunta. Maggagabi na din. Naglalakad na lang ako hanggang sa may nakita akong isang park. Walang masyadong tao kaya umupo ako sa isang bench at dun umiyak.
makalipas ang ilang minuto ng pagiyak ko, may naramdaman akong may tumabi sakin sa bench. Pag tingin ko, isang lalaki na nakahoodie na color gray ang nakaupo. Inabot niya sakin yung panyo niya.
"Ah Thankyou" Sabi ko at kinuha ang panyo.
"Wala yun" Matipid niyang sagot.
Ngumiti lang ako at tinignan lang ang panyo niya na puno na ng sipon at luha.
"Gusto mo ng ice cream?" Tanong niya.
Nabigla ako sa tinanong niya at tinignan lang siya. Pagtingin ko nakaturo siya sa kung saan. Tinuturo niya pala yung ice cream truck sa bandang harap ng park.
"Huh? Ah eh"
"Kung nalulungkot ka kumain ka lang ng ice cream at mawawala lungkot mo" Sabi niya.
tinitignan ko lang siya. Wala ako masabi. Hindi ko siya kilala pero ang gaan ng loob ko sa kaniya. This time tinignan niya ako, at ngumiti.
YOU ARE READING
Always here Beside You
Teen FictionSi Ania ay inlove kay Zack. Pero dahil sa isang incident nasaktan ang puso niya. At dahil sa pangyayari na yun, nakilala niya si Freid. So Freid ay ang lalaking nagparamdam kay Ania ng kaligayahan at laging nasa tabi niya sa tuwing nasasaktan siya...