"Freid san ba tayo pupunta?" Tanong ko na inaantok.
"Basta. Malalaman mo din pag dating natin" Sagot niya na nakangiti abot tenga.
4am dumating si Freid sa bahay namin. Nagising ang lahat sa doorbell niya. Hindi ko din alam kung bakit agad pumayag sina mama na sumama ako kay freid. Nang matapos kausapin ni Freid sina mama, pumasok siya sa kwarto ko at ginising ako. Pinaghilamos niya ako at pinagdala ng damit. Pinagsuot din niya ako ng dress. Floral pa! Tapos na niyan ang summer ha!
"Sige lang Ania, matulog ka muna. Gigisingin na lang kita pag nandun na tayo" Sabi ni Freid.
Tumango lang ako dahil antok pa din talaga ako. Pumikit ako at natulog.
******
"Ania nandito na tayo." Ginising ako ni Freid.
"Huh?" Dumilat ako at inayos ang sarili ko.
May kinakalukot su Freid sa may bandang backseat niya. Ako naman akmang papalabas na ng kotse niya ng pigilan niya ako.
"Wait! Bago ka lumabas suot mo muna to" Sabi niya sabay pakita ng handkerchief.
"Huh? Bakit pa? Nasan ba tayo?" titingin na sana ako sa gilid pero pinigilan ulit ako ni freid.
"Wag!" Tas nagpout siya sabay nagplead. "Suot mo muna to"
tinignan ko siya ng masama at bumuntong hininga
"Sige na nga"
Sinuot niya sakin ang blindfold at nagsimula kaming maglakad. Habang naglalakad kami bigla na lang kaming tumigil at naramdaman kong umalis sa tabi ko si Freid.
"Freid?" Nagaalala kong tawag. "Freid? Nasan ka? Uy!"
"Pwede mo nang tanggalin" Sabi niya.
Tinanggal ko yung blindfold and nasuprise ako sa nakita ko.
"F-freid" Nauutal kong sabi.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niyang nakangiti na abot hanggang tenga.
Tumango ako at maiyak iyak sa tuwa. Dinala niya ako sa may tabing dagat at naglatag siya ng isang malaking kumot na puno ng pagkain at may bulaklak pa. Saktong pasikat pa lang ang araw.
"Ang ganda dito freid." Sabi ko na namamangha.
"Hehe. Sabi ko na magugustuhan mo eh." Pinuntahan niya ako at inalalayan umupo.
"May suprise pa ako" Sabi niya nung makaupo na kami. Tumayo siya at may kinuha sa trunk ng sasakyan niya. Isang gitara.
Bumalik siya at umupo sa harap ko saka niya tinono yung gitara niya.
♪Wondrin' where you are tonight Maybe you're that distant star
How I want you right here by my side
Now I see your face above Could you take me where you are Unafraid no matter what may come
Waiting for the hour of those many nights
When you wake up in the storm
Trees will all be standing tall
I come to you, you'll never be alone
When your hopes fall apart Night is cold, day is dark I give my heart,
it's right where you belong
Right where you belong
And we'll meet across the sky
So together we will fly
You're so near to me, you'll never be afar Wanting every hour of those many nights
When you wake up in the storm
Trees will all be standing tall
I come to you, you'll never be alone
When your hopes fall apart
Night is cold, day is dark I give my heart, it's right where you belong
Right where you belong
Right where you belong
Loving every hour of those many nights
When you wake up in the storm
Trees will all be standing tall
I come to you, you'll never be alone
When your hopes fall apart
Night is cold, day is dark I give my heart, it's right where you belong
Right where you belong
Right where you belong♪
"Nagustuhan mo ba?" Nahihiyang tanong ni freid nang matapos siyang kumanta.
"Mm. Ang galing mo kumanta." Ngumiti ako, "Freid salamat ha." Sabay hawak ko sa kamay niya.
Ngumiti siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at hinalikan ito.
"Mahal kita Ania, at gagawin ko ang wag ka lang masaktan at umiyak. Lagi lang ako nandidito sa tabi mo"
_______
A/N: Hello guys!! Tapos na midterms nmin! kaya here is the update :D but magiging busy ulit coz of thesis and Oral Defense. Good Luck to me xD Hahaha
YOU ARE READING
Always here Beside You
Teen FictionSi Ania ay inlove kay Zack. Pero dahil sa isang incident nasaktan ang puso niya. At dahil sa pangyayari na yun, nakilala niya si Freid. So Freid ay ang lalaking nagparamdam kay Ania ng kaligayahan at laging nasa tabi niya sa tuwing nasasaktan siya...