Zack's POV
Nang gagalaiti ako sa selos at galit kanina nang makita ko si Ania at yung Freid. Ang totoo, gusto ko talaga si Ania simula pa nung middle school kami.
I know she likes me pero dahil kay jessica kaya siya nahihirapan. Alam ko din ang mga pangbubully ni Jess sa kaniya.
May dahilan ako kung bakit ko nagawa kay Ania yun. Yun lang ang nakikita kong paraan para tigilan ni Jess si Ania.
Flashback
"Jessica, pwede ba kitang makausap?" Sabi ko nang puntahan ko siya sa room nila.
"And why would I want to talk to you?" Malandi niyang sabi at pinaikot ikot ang buhok niya sa daliri niya.
"Dahil alam kong interesado ka sa sasabihin ko" Tinignan ko siya ng seryoso.
Tumayo siya at naging seryoso din ang mukha niya.
"Sumunod ka" sabi niya at pumunta kami sa likod ng school.
"Ano? Pumapayag ka na ba na maging tayo?" Sabi niya sabay hinawakan niya ng dahan dahan yubg dibdib ko.
"Nakakasiguro ba ako na titigilan mo na si Ania pag pumayag ako?" Seryoso kong tanong.
"Of course!" Sagot niya at hinawakan ang pisngi ko, "You know naman na ikaw lang ang gusto ko, Zack" Nangilabot ako nung sabihin niya ang pangalan ko. Nung sabihin niya kasi yun para siyang pusang nag pupurr.
Huminga ako ng malalim at sumagot ako.
"Pumapayag na ako basta tuparin mo ang pangako mo kung hindi magbabayad ka ng malaki sakin" Banta ko sa kaniya.
napangisi siya at natuwa. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi.
"Sure. See you later Zack"
End of Flashback
Yun ang totoong nangyari pati na rin yung sa Parking Lot. Hindi ko alam na nandun pala si Ania at Anj nung pinilit ako ni Jess na halikan siya.
_______
naglalakad ako sa hallway dahil kakatapos ko lang maglunch. Hindi na naglalunch sina Ania at Anj sa dati namin place. Madami na nagbago after ng incident na yun. Hindi ko naman sinasadya ang ginawa ko kay Ania.
Nakasalubong ko si Ania na nagmamadali.
"Ania" Gulat at mahina kong tawag.
nagulat din siya ng makita niya ako.
"Zack"
Pero alam kong iiwasan niya ako dahil pinagpatuloy niya ang paglalakad niya. Pero pinigilan ko siya at hinawakan sa braso niya.
"Ania, pwede ba tayong magusap?" Tanong ko. Humarap siya sakin.
"Ano pa ba dapat natin pag usapan Zack? Tsaka nagmamadali kasi ako eh" Sabi niya at umiwas siya ng tingin
"Gusto ko lang sana humingi ng sorry sa ginawa ko. Alam kong nasaktan kita." Hinawakn ko yung kamay niya na nasaktan ko noon. "alam ko din hindi mo na ako mapapatawad, pero totoo ang nararamdaman ko sayo noon"
Hindi siya umiimik at iniiwasan niya akong tignan.
"Sige na. Puntahan mo na sila baka kanina ka pa nila hinihintay" tumalikod na ako at umalis. Naramdaman kong umalis na din siya kaya tumigil ako at tinignan siya.
"Mas mabuti ng hindi mo alam ang totoo Ania" Bulong ko sa sarili ko at sumandal sa bintana ng hallway.
Author's note: Hello!! Alam kong magulo ang story. hahaha pero masaya ako kasi kahit papano may mga nagbabasa ng story ko. Open ako sa lahat ng suggestions niyo! :))) And alam kong nagulat kayo ng biglang magka pov si Zack. Hahaha para lang malinaw ang side niya. Akala niyo bad talaga siya no? Haha may story pala behind his acts. and dahil lang sa love niya talaga si Ania.
Ngayon na nabasa niyo ang POV ni Zack. Ano na tumatakbo sa isip niyo? Napapaisip din ba kayo kung sino ang dapat piliin ni Ania? Hhaha. Ako din eh.Haha.
Ania girl! Ang haba nemen ng Hair mo! Dalawang gwapo at mayaman na guys ang naiinlove sayo! Hahaha. Echos
Anyways, thankyou and keep supporting my story! :))
YOU ARE READING
Always here Beside You
Teen FictionSi Ania ay inlove kay Zack. Pero dahil sa isang incident nasaktan ang puso niya. At dahil sa pangyayari na yun, nakilala niya si Freid. So Freid ay ang lalaking nagparamdam kay Ania ng kaligayahan at laging nasa tabi niya sa tuwing nasasaktan siya...