Nakauwi na ako ng bahay, at dumiretso lang ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ng kwarto ay dumapa ako at bumuntong hininga. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at pag bukas ko ng cp, 26missed calls and 40texts messages galing kina Zack and Anj.
Inopen ko yung message ni Anj.
From: Anj
Ania! Nasan ka?! Bakit hindi mo sinasagot yung mga tawag ko. Nagaalala na ako sayo. Tawagan mo ako kapag nabasa mo ito o kapag nakauwi ka na.
Bumuntong hininga ulit ako at sunod kong tinignan ang text ni Zack.
From: Zack
Ania, nasan ka? bakit wala ka kanina? tinanong ko si Anj ang sabi niya may emergency ka daw pinuntahan. I tried calling you pero hindi ka sumasagot. Are you ok?"
After kong mabasa yung text ni Zack, sa sobrang inis ko, binato ko yung phone ko sa may pintuan saktong bumukas ito at tumama kay kuya ang cellphone ko.
"Aray!" Sigaw niya ng tumama ang phone sa mukha niya.
"Kuya sorry!" Sigaw ko sabay tayo
"Ania! Bakit mo ako binato ng cellphone sa mukha?!" Inis na tanong niya.
"Hindi ko alam na bubukas yung pinto nung binato ko yung phone ko" Sagot ko.
"aish!" Sabi niya
"Sorry talaga kuya. Teka kukuha ako ng yelo"
Bumaba ako para kumuha ng yelo at pagbalik ko nakita kong binabasa ni kuya yung mga message nila zack and anj sakin.
"Kuya!" Sigaw ko sabay kuha ng cp ko.
"Now I know kung bakit binato yung cp mo." sabi niya.
Nilagay ko yung yelo sa may bandang mata niya at hindi ko napansin na madiin ko pa lang nalagay yun.
"Aray! May galit ka ba sakin?!" Pasigaw niyang tanong.
"Ay sorry sorry."
Kinuha niya yung yelo at siya na ang naglagay nito sa mukha niya. Tumayo ako at pumunta sa closet para magpalit.
"Do you want to tell me or not? Ok lang naman kung ayaw mo sabihin. Im just worried and concerned Ania."
Bumuntong hininga ako pag labas ko ng cr. Umupo ako sa tabi niya.
Hinawakan nya ang ulo ko at nagbreak down na naman ako. Umiyak ako hanggang sa wala na ako maiyak. At kwinento ko sa kaniya ang lahat.
"Ang sakit kuya. Akala ko totoo siyang tao. Akala ko hindi siya manloloko and akala ko gusto niya ako. Hindi pala. sinungaling siya." Sabi ko habang umiiyak sa balikat ng kuya ko.
"Ganiyan talaga Ania, sometimes people are deceived by looks and by the way people treated you. Mas maganda minsan kung sa umpisa pa lang eh pinapakita na sayo yung totoo nilang pagkatao. Thats why we shouldnt give our trust that easily. Mabuti na lang at hindi naging kayo kung hindi mas doble ang sakit na mararamdaman mo."
"Tama ka nga kuya." mahina kong tugon.
"Pero may tanong ako."
"Mm?"
"Mahal mo ba si Zack?"
Napatingin ako kay kuya dahil sa tinanong niya. Maski ako hindi ko alam kung ano ba feelings ko kay Zack pero nung makita ko silang dalawa ni Jessica nasaktan ako.
"H-"
"Hin?"
"H-hindi ko alam kuya"
"Hm. Nung bang nakita mo silang dalawa bakit ka nasaktan kung hindi mo mahal si Zack?"
"I feel betrayed? Gusto ko si Zack pero hindi ko siya mahal. siguro."
"Hm. Then thats normal. But atleast ngayon maaga palang nalaman mo diba? And always remember Love is all about pain. There's no such thing as Happy Ending" Pangaral ni kuya.
Tumayo siya at humarap sakin. "Ano man mangyari Ania you need to be strong and lagi lang ako nandito pati narin sina mama and papa" He said and pat my head.
I nodded. Tumalikod na siya at papalabas na siya ng kwarto ko.
"Thank you Kuya Mat" I smiled at him and he smiled back.
"Hindi na muna kita sisingilin dito" Turo niya sa blackeye niya.
Natawa ako at bumaba na siya.
I closed the door at huminga ng malalim. Umupo ako sa desk ko at binuksan ang laptop ko. I plugged my earphones and started playing my favorite boy group's song. and started humming the lyrics.
"I need therapy, lalalala Therapy. I need therapy, lalalala Therapy"
I was playing the VIXX songs which is On and On. I am a starlight. Fan ako ng VIXX and other kpop group like B1A4, Super Junior, SNSD, Got7 and more.
Nag FB muna ako and naglike ng mga post especially sa group ng COKS. Its a kpop group. While I was listening and liking post may nagchat sakin.
Anj Hidalgo sent you a message.
ng makita kong si Anj yung nagchat kaagad ko itong inopen.
Huy! Ok ka na ba?
I replied to her saying:
Slight. Dahil sa VIXX kaya mejo ok na ako. Hehe.
after a second, nagreply si anj.
Haha! Sira ka.
Me: Anj thankyou kasi pinagtakpan mo ako kay Zack kanina.
Anj: Wala yun. Ano plano mo niyan? Tuloy ka pa ba bukas?
Me: Hindi na muna siguro. Hindi ko pa siya kayang harapin Anj.
Anj: Kung yan ang gusto mo. Sige. Sabihin ko na lang na masama pakiramdam mo.
Me: Salamat Anj. Sige matutulog na ako.
Anj: Text text na lang tayo.
Ang naglogged out na ako. I turned my laptop off and humiga na ako and nagtalukbong ng kumot.
I tried to close my eyes pero yung eksena kanina yung nakikita ko. Its like a nightmare.
Love is a Nightmare~
Narinig kong tumunog CP ko. At sakto pa talaga yung ringtone ko sa naisip ko. Love is a nightmare nga naman. I grabbed my phone chineck kung sino ang tumatawag.
Zack Calling...
Ano ba kailangan ng sinungaling na to? Binalibag ko ang phone ko at diko sinagot tawag niya. Nagkunwari na lang ako na hindi ko naririnig yung tawag niya. And tried to close my eyes. Inimagine ko na lang na kasama ko ang VIXX. And with that nakatulog ako.
Author's note: Anyeong guys! I know baguhan pa lang ako sa story writting but I hope magustuhan niyo yung story feel free to comment your feedbacks or suggestions. Hahaha. Yun lang Thankyou!
YOU ARE READING
Always here Beside You
Teen FictionSi Ania ay inlove kay Zack. Pero dahil sa isang incident nasaktan ang puso niya. At dahil sa pangyayari na yun, nakilala niya si Freid. So Freid ay ang lalaking nagparamdam kay Ania ng kaligayahan at laging nasa tabi niya sa tuwing nasasaktan siya...