Chapter 6

18 0 0
                                    

"Kuya!!" Sigaw ko habang nagmamadaling ayusin ang mga gamit ko sa bag, "Bakit hindi ko ako ginising kanina! Late na tuloy ako! Aish!" Inis kong sabi at nagmamadaling bumaba ng hagdan. muntik pa akong madulas at malaglag sa hagdan sa kakamadali ko eh.

"Ma, Pa ali-" Natigilan ako ng makita kong may bisita. Humarap ito sakin saka ngumiti na abot hanggang tenga.

"Good Morning Ania!" Bati ni Freid at sinubo yung bread na may hotdog sa loob.

"Freid?! Ano ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong

"Sinusundo ka" Sabi niya at uminom ng juice.

"Nakita ko kasi siyang naghihintay sa labas kaninang namalengke ako kaya pinapasok ko na. Hindi ba't siya ang naghatid sayo dito nung may sakit ka?" Tanong ni mama na nilapag sa mesa yung ibang hotdogs.

"Oo nga eh paano kung masama siyang tao?" Tanong ko habang magcross arms.

"Ouch ha. Masamang tao pala tingin mo sakin" Sabi niya with matching hawak sa dibdib niya na akala mo sinaksak.

"Sige ho tito, tita. Aalis na po ako. Tutal masamang tao po ako" Sab niya sabay tayo. Napanganga ako sa sinabi niya. "Salamat po ulit sa pagkain" Sabi niya at nagbow.

Humarap siya sakin pero hindi nakangiti. Mababasa ko sa mukha niya na nasaktan siya at malungkot.

"Sige Ania. Kita na lang tayo sa school." Tas lumabas na ng bahay namin.

Ano yun? Ganun na lang? Parang binibiro ko lang siya nagtampo agad.

"Aroo. Lagot ka. Nagtampo at mukhang nasaktan si Freid" Paninisi ni kuya na nasa likod ko.

"Iha, hindi masamang tao si Freid. Nakikita ko sa mga mata niya na totoo at masayahin siyang bata." Sabi ni mama.

"Tsaka ania, ang dami niyang baon jokes at kwento." Sang ayon ni papa.

Tumakbo ako papalabas ng bahay para sundan si Freid. Nang makalabas ako sa gate nakita ko siyang nakaupo sa harap ng sasakyan niya at malalim ang iniisip.

"Freid?" Mahina kong tawag sa kaniya. Lumapit ako at tumabi sa kanya, "Sorry sa sinabi ko kanina. Nagbibiro lang ako eh. Hindi ko alam na masasaktan ka." Sabi ko

Hindi siya umiimik. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Uy? Freid? Bati na tayo please?"

Wala pa din. Hindi pa din niya ako pinapansin.

"Aish! Bakit ba kasi ang tanga tanga ko eh! Hindi ko iniisip yung mga sasabihin ko bago ako nagsalita." Sisi ko sa sarili ko.

"Ania, minsan ba sa buhay mo napaisip ka kung sino ka ba talaga at ano ang ginagawa mo dito sa mundo?" bigla niyang tanong.

Napaisip ako sa sinabi niya. Ano kaya ang tinutukoy niya. Tsaka napapano ba siya? Mukhng may malaki siyang dinadala.

"Wag mo na lang sagutin. Sasakit lang ulo mo. Promise!" Sabi niya sabay pat ng ulo ko. Tumayo siya at nagstretch. "Tara na. Baka malate pa tayo" humarap siya sakin at ngumiti.

Mas naguilty ako nung nakita ko siyang ngumiti.

"Freid. sorry talaga kan-"

"Wala yun Ania. Alam ko naman na nagbibiro ka lang" Sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. "Kaya ngiti na ok? Mas maganda ka kapag nakangiti ka" Sabi niya.

Ngumiti ako at ngumiti din siya.

"Mga lovebirds! late na kayo!" Sigaw ni kuya na nakasandal sa gate at nakacross arms saka nakangisi

"Kuya! Ka-kanina ka pa jan?" Tanong kong kinakabahan at nahihiya.

"Oo kanina ko pa pinapanuod ang drama niyo. Grabe daig niyo pa koreanovela eh! Sus!" Sabi niya saka nagkamot ng ulo.

Always here Beside YouWhere stories live. Discover now