Chapter 8

9 0 0
                                    

School Festival ngayon at busy ang lahat ng students pati faculties. Pabonggahan din ng float at ng kanya kanyang room gimik ang mga sections.

Sa section namin, nagdecide silang gumawa ng cosplay cafe. Dahil karamihan sa classmates ko gamer at cosplayers. Dahil na rin siguro sa first section kami at walang gustong makihalubilo samin.

"Ania! Maganda ba?"Tanong ni Anj na umikot pa at binida ang costume niyang miku hatsune.

"Ang cute mo" Puri ko sa kaniya.

"Eh ako Ania? Gwapo ba?" Tanong ni Freid ng lumabas siya sa dressing room at nagpose. Ang kinocosplay ni Freid ngayon ay si Usui ng Kaichou wa Maid-sama.

"Hm. Bagay mo!" Sabi kong nakangiti.

"Magpalit ka na din bilis! Tignan natin kung bagay mo ba o hindi" Excited na sabi ni Anj at tinulak ako papasok ng Dressing room.

Nagpalit na ako pero hirap ako sa costume ko. Pano kasi traditional kimono ang suot ko ngayon. Hindi ko nga kilala kung sino ang character na may suot na ganito. Di kasi ako pala nuod ng anime. Madalang lang. Si Anj kasi ang nagpasuot sakin nito. Sabi niya mas bagay ko daw.

"Anj. Pahelp! Hindi ko lam pano ikabit to" Sabi ko. Pumasok si Anj at tinulungan ako.

Ilang minuto pa ay tapos na din ako sa pagpapalit. Lumabas na si Anj at sumunod na ako.

Pag labas ko, napansin kong natigilan ang mga classmates ko sa mga ginagawa nila. Pati si Freid napanganga lang si Anj naman tuwang tuwa. Bigla akong nahiya. Hindi kasi ako sanay sa mga ganun tingin.

"Um. Ano. Ah. May problema ba ? P-panget ba?" Nahihiya kong tanong.

Umiling lang si Freid at lumapit sakin si Anj.

"Ang ganda mo Ania!" Sigaw niya.

"Huh? Gusto ko makita itsura ko" Sabi ko. Ilang segundo lang nakarinig ako ng click sa camera at nakita kong kinuhanan ako ni Freid ng picture.

Lumapit siya sakin at pinakita ito.

"Ako ba to?" Gulat kong tanong. Mukha akong Princess nung sinaunang panahon sa Japan. Nakalugay at nakakulot ang buhok ko. Kaya pala inayusan ako ni Anj dahil ito pala ang balak niya.

"Ania ang ganda mo. Bagay mo suot mo. Mukha kang empress or princess ng japan" Sabi ng iba kong classmates.

Namula ang pisngi ko at magpathankyou ako.

"Ang ganda mo Ania" Bulong sakin ni Freid. Mas lalong namula ang pisngi ko.

Hinawakan niya mukha ko at itinapat sa mukha niya. Tinitignan niya ako. Ang mga mata niya nakakatunaw at nangungusap. Nararamdaman ko din ang hininga niya. Grabe bumibilis tibok ng puso ko.

dugun! dugun! dugun! dugun!

Mas lalo pang lumalapit mukha niya. Ang mga labi niya mukhang masarap halikan. Pumikit ako at hinintay ang mangyayari ng biglang.

"Uy!" Gulat samin ni Anj. Napamulat ako at lumayo kay Freid ganun din siya at nakaiwas ng tangin. "Kayong dalawa ano ginagawa niyo? May nililihim kayo no?" Pangaasar ni Anj.

"H-huh? Wala no!" Tanggi ko. "Diba Freid?" Tumingin ako sa kaniya para sumangayon.

"Ah? Ah. Oo. Pinapatignan niya kasi kung may muta ba siya." Palusot ni Freid.

"Wushu! Ayaw niyo lang aminin!" Pagpupumilit ni Anj.

"Wala namn talaga, ikaw nga tignan mo nga kung may muta ako. hindi ko kasi matanggal kunv meron dahil dito" Sabi ko sabay angat ng kamay ko nababalot ng kimono. Malaki kasi at mahaba ang sleeves ng kimono. May pagka mabigat pa dahil na rin siguro sa doble doble ang suot.

Always here Beside YouWhere stories live. Discover now