Chapter 4

15 0 0
                                    

Ilang weeks na ang nakakalipas magmula nung nakita ko si Zack na hinalikan si jessica. Ilang araw ko na din hindi masyadong pinapansin si Zack. Hindi na rin ako naglalunch sa may school grounds at lagi lang ako sa room o sa library. Alam kong napapansin na ni Zack na umiiwas ako. He tried to talk to me pero hindi ko siya kinakausap. Masakit pa din yung nangyari. Nagmukha akong tanga at nasaktan  pa.

kasalukuyan akong nasa loob ng classroom namin at nagbabasa lang habang nakaearphone. Ganito talaga ako kapag nagbabasa. Mas gusto kong isolated ako sa iba para walng istorbo. Sakto naman nasa dulo ako ng row nakaupo sa tabi pa ng bintana. Ang ganda ng pwesto ko no? mgaling ata ako sa bunutan.

Habang nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ko, biglang may nagtanggal ng earphones ko.

Tinignan ko kung sino ang bwiset na nangistorbo sakin, pero ang bumungad sakin ay isang gwapong mukha na nakanhiti abot hanggang tenga.

"Ano ginagawa mo dito?!" Gulat kong tanong.

"Hi!" Bati niya.

Napansin kong nagbubulungan ang mga classmate ko, nagtataka at tinatanong kung sino siya.

"Anong ginagawa mo dito freid? Tsaka paano ka nakapasok? Bawal ang outsider dito kung walang permit at kung ganiyan ang suot mo" Sabi ko habang tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Nakatattered pants siya, converse na red at polo na checkered na red at sa loob grey na tshirt. Nakasalamin siyang malaki at nakacap pa.

"Hehe" Sagot niya lang.

"Anong hehe ka jan. Sagutin mo ako paano ka nakapasok at ano ginagawa mo dito." tanong ko sabay cross arms ko.

"Dinadalaw ka. Masama ba yun?" Bigla siyang nagpout. Muntik ko ng kurutin ang pisngi niya dahil anh cute niya nung makapout siya. pero pinigil ko lang sarili ko.

"Ania sino siya?" Tanong isa kong classmate na babae na halatang kinikilig at nagagwapuhan sa kanya.

"Ah siya ba. Siya si-" hindi ko natapos ang sasabihin dahil,

"Hi! i'm Freid Garcia. Boyfriend ako ni Ania" Bati at pakilala niya with matching tayo at bow.

"Ano?!" Sabay sabay namin tanong sa kanya. Napatingin silang lahat sakin.

Hinila ko si freid kaya napatumba siya at napaupo. "Ano ba pinagsasabi mo?" Bulong ko sa kanya.

"Bakit? masama ba? gusto ko kita at napagalaman ko na single ka." bulong niya sakin.

"Wag kayong maniwala sa kanya. Hindi totoong boyfriend ko siya" Paliwanag ko sa mga classmates ko.

"Loves naman eh! bakit mo ba dinedeny?" nagpout na naman siya. Naku! Ano ba nangyayari sa kaniya at para siyang bata. Kanina pa pout ng pout kaya nakakagigil. Ang gwapo na ang cute pa. Leche!

"Hoy Freid tigilan mo na nga yan! Hindi maganda yan." Naiinis kong suway.

"Galit ka na? Sorry na oh" Paglalambing niya sakin.

"Teka nga, ano ba kasi ginagawa mo dito?" Tanong ko sabay nagpameywang ako.

"Dito na din ako magaaral kasama mo!" Nakangiti niyang sagot.

"Totoo?!"

"Talaga?!"

Sabay sabay naming tanong.

"Yup!" Masayang sagot niya "And ang mas masaya, classmate kita" Sabi niya sabay turo sakin.

"Ano?!"

"Yup. Kaya magkakasama na tayo. Hindi ka ba masaya?"Tanong niya

"Masaya ako syempre kaya lang-" Hindi ko na naman natapos yung sinasabi ko dahil nagulat ako sa sunod niyang ginawa maski mga classmates ko nagulat

Niyakap niya ako, "Namiss kita." Bulong niya sakin.

Nagfreeze ako sa sinabi niya as in hindi ako makagalaw ng dahil dun. Sobra din ang kaba sa dibdib ko. Bakit kaya ako kinakabahan? Dahil ba sa niyakap niya ako o dahil sa namiss niya ako. Siya pa lang ang kauna unahang lalaking nagsabi sakin ng ganun kaya hindi ko alam ang irerespond ko.

"Ania!" Narinig kong may tumawag sakin ng magkaulirat ako. Animo'y ang tumawag ay galit na galit.

Inalis ko ang pagkakayakap ni Freid sakin. at tinignan kung sino ang tumawag sakin.

"Zack?"

Always here Beside YouWhere stories live. Discover now