Chapter 9

6 0 0
                                    

"Ang tagal naman bumalik ng dalawa. Bibili lang ng ice cream niyan. Itext ko na kaya" Sabi ko habang hinihintay yung dalawa.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext yung dalawa.

To: Drake The little dragon & Freid Garcia

Hoy!!!! Ang tagal nyo naman! Nasan na kayo? yung ice cream ko!

Message Sent.

Habang hinihintay sila magreply at dumating lumapit sakin si Jessica.

"Well, look who's here. Ang babaeng malandi at ubod ng panget" Sabi niya sa mga alipores niya.

Inisnob ko lang siya. Dahil una, ayoko ng gulo, tahimik na buhay ko. Pangalawa hindi ko ibababa ang sarili ko para patulan siya.

"Malakas na loob mo ngayon ah! Bakit?! Ano ba pinagmamalaki mong malandi ka?!" Sigaw ni Jessica na nanggagalaiti sa galit. Sinabunutan  niya ako.

"Aray! Nasasaktan ako. Bitawan mo nga ako!" Nagpumiglas ako sa pagkakasabunut niya at nakawala. Tumayo ako at inayos ang sarili saka humarap sa kaniya.

Wala na akong pakialam kung marami ng tao ang nakatingin samin. Sumusobra na talaga siya.

"Ano ba problema mo?! Kung panget ako bakit sobra ka kung mainsecure? It means panget ka at ayaw mo ng may mas panget pa sayo ganun? Tsaka nanahimik ako dito. Hindi kita inaano kaya umayos ka. Punung punu nadin ako sa pangbubully mo at pananakit mo! Sa susunud na saktan mo ulit ako. Idedemanda kita! Hindi mo ba alam na pwede kitang ipakulong sa mga pangbubully mo dito sa school at itong pananabunut mo sakin malaking ebidensya. So ngayon, mamili ka Jessica Park, titigilan mo ako o ipapakulong kita?" Sumbat ko saka ngumisi.

Nakita kong nagulat siya pati ang mga alipores niya. Hindi rin siya makasagot dahil maraming tao ang nanunuod at pinagbubulungan siya.

"Jess!" May isang lalaking sumigaw at pag lapit niya, si Zack pala.

"Zack!" Lumapit si Jess na naiiyak na. Hindu siya niyakap ni Zack bagkus tinignan pa niya ito ng masama.

"Zack si Ania" Sisi niya.

"Sige lang Jessica, isisi mo pa sakin. Hindi ka ba nahihiya? Sa ganda ng itsura mo kabaliktaran yun ng ugali mo at worst maraming tao ang nanunuod sayo ngayon dito oh. " Tumingin ako kay Zack, "Pagsabihan mo yang GF mo. Tigilab niyo na ako pwede! Punung puno na ako! Wala akong ginagawa sa inyong dalawa. Kung pwede lang ito na sana huli natin paguusap." And tumalikod ako at umalis. Habang naglalakad ako, ang mga taong nanuod pinalakpakan ako at nag give way sakin.

"Ang galing mo Ania!" Bati nung isang students sakin.

Dirediretso lang ako sa paglalakd hanggang sa masalubong ko sina freid at drake na mukhang kanina pa kami pinapanuod ni Jessica na nagsasgutan.

"Magaling ang ginawa mo" Sabi ni Drake sabay hawak sa balikat ko.

Tinignan ko siya ng masama at inalis niya ang kamay niya  sabay taas nito na parang nahuli siya ng pulis.

"Ania" Mahinang tawag sakin ni Freid. Dumiretso lang ako at pumunta sa rooftop.

_________

"Ania?" Tawag sakin ni Freid nang buksan niya yung pinti sa rooftop.

Nasa may sulok ako at nagmumukmok. Nakita ako ni Freid at lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

"Bakit ganum freid? Nananahimik na ako pero patuloy pa din sila sa pananakit sakin. Akala ko kapag lumayo ako matatahimik na ako." Sabi ko habang nakayuko at umiiyak.

"Hayaan mo na sila."

"Gusto ko na siyang kalimutan."Mahina kong sabi. Tumingin ako sa reilings.

"Gusto mo talaga siya makalimutan?" Tanong na seryoso ni Freid. Tinignan ko siya at tumango. Huminga siya ng malalim sabay sabi ng "Then be my girlfriend"

"Ano?" Tanong kong gulat. "Ano sinasabi mo jan Freid" umiwas ako ng tingin.

"Seryoso ako Ania. Gusto kita and I'm willing to take all the risks para lang hindi ka na umiyak at masaktan. Sa twing makikita kitang umiiyak at nasasaktan, nasasaktan din ako." Sabi niya at tumingin sa langit.

"F-freid" Utal kong tawag sa kaniya. Hindi ko lam ang sasabihin ko. Bumibilis din tibok ng puso ko.

"But I'm not forcing you. I'm just suggesting. Its up to you. But Ania, can I ask you something?" Tumingin siya sakin. Nakita ko sa mata niya yung care.

"Ano yun?" Nahihiya kong sagot.

"Do you like me too? Not as a friend but as a guy or a person"

Hindi ako agad sumagot. Mabait si freid, lagi pa siyang nasatabi ko at lagi niya ako handang patawanin or icomfort when I'm down. And yung kanina sa room nung muntik na kami magkiss bumilis ang tibok ng puso ko. hindi rin ako nagdalawang isip unlike kay Zack noon. My feelings for Freid are far different from what i feel for Zack.

"Yes" I answered.

Ngumiti siya sakin. Yung ngiting may halong relief and happiness. Tumayo siya and nagstretch saka siya nagpamulsa.

"Thank you Ania"

"Huh? Bakit ka nagpapathankyou eh ako dapat ang magpa thankyou."

"Dahil sa sinabi mong gusto mo ako" Tas ngumiti siya ng abot hanggang tenga. "Sige punta lang ako sa baba"And naglakad na siya papunta mg pinto. Nang buksan na niya ito at papalabas na pinigilan ko siya.

"Payag na ako" Bigla kong sigaw at tumayo ako. Napatigil siya at humarap sakin na gulat. Maya't maya ay tumakbo siya papunta sakin at bigla akong niyakap.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon sa mga sinabi mo Ania" Bumitaw siya at humarap sakin "I promise to protect and make you happy. Promise ko din na no matter what happen I will stay beside you"

Namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Napangiti ako dahil nakita ko kung gaano siya kasaya.

Nagdikit ang mga noo namin at hinalikan niya ako sa noo. Ito na siguro ang pinakamasaya kong araw. Gusto ko si freid and he feels the same way for me.

Always here Beside YouWhere stories live. Discover now