"Zack?"
"Sino siya?" Tanong ni Freid na tinuturo si Zack na galit na papalapit samin.
"Ano to?!" Galit na tanong ni Zack na hinila at nilayo niya ako kay freid.
"Aray Zack nasasaktan ako!" Pagpupumiglas kong sabi.
"Excuse me, nasasaktan na si Ania kaya kung pwede bitawan mo na siya" Sabi ni Freid na hinawakan ang kamay ni Zack
Hinampas ni Zack ang kamay ni Freid at padabog na binitawan ang kamay ko. Hinimas ko ang parte ng kamay ko na masakit. Tinignan ni Zack ng masama si Freid ganun din siya pero maa inuna niya ako. Tinignan din niya ang kamay kong may pasa.
"Masakit ba?" Tanong ni Freid na nagaalala.
"Ano ka ba Zack?!" Suway ni Anj "Nasaktan tuloy si ania! Bago ka umasal ng ganiyan tignan mo muna sarili mo sa salamin!"
Napatingin si Zack kay Anj tapos sakin na para bang nagtataka kung ano ibig sabihin ni Anj.
"Anj!" Suway ko
"Bakit? Tama lang naman ginawa ko eh. Pangalawang beses na niyang ginawa sayo yan. Ang saktan ka!"
Yumuko lang ako at patuloy na minamasahe ang nananakit kon kamay.
Hinawakan ni Freid ang pisngi ko at itiningala ang mukha ko. Kinakausap niya ako sa mga mata. Maluha luha ako ng tignan ko siya sa mata at parang nahulaan niya, tinapik niya ako sa ulo at niyakap.
"Wag ka ng malungkot Ania. Nandito na ako para protektahan ka."
"Oy! Bitawan mo nga si Ania! Sino ka ba?!" Sigaw ni Zack.
Binitawan ako ni Freid at humarap siya kay Zack na hawak hawak ang kamay ko.
"Hindi hoy ang pangalan ko. I'm Freid. Boyfriend ni Ania" Pakilala niya. Nagulat na naman ako at napatingin sa kaniya. Tinignan ko siya ng masama at nakangiti lang siya. Tinignan ko din si Zack na halatang nagulat at nagtataka at tinignan din niya ako, naghihintay na itanggi ko pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya.
"So totoo nga. Kaya pala hindi mo ako sinagot dahil sa lalaking to. Haha! Wow." Galit at hindi makapaniwalang sagot ni Zack. Tumalikod siya at papalayo na sana samin nang bigla siyang humarap, "Hindi ko alam kung anong gayuma ang pinainom mo sa kaniya Ania at nagustuhan ka ng siraulo na yan. Ang panget mo lang" At umalis na siya. Iniwan ako nasaktang muli at sa kahihiyan.
Narinig kong nagtawanan ang iba kong classmate ang iba naman napa gasp sa sinabi ni Zack. Hindi ko na napigilan ang luha ko at umiyak na ako.
"Ania" Mahinang tugon sakin ni Anj na hinawakan ang balikat ko.
"Ania" tawag sakin ni Freid at niyakap ako. Nang yakapin niya ako nagbreakdown ako.
"Gusto ko ng umuwi." Tugon ko.
nagkatinginan sina Freid at Zack.
"Sigurado ka Ania?" Tanong ni Anj. Tumango lang ako, "Osige. Ihahatid na kita."
"No. Ako na lang. I have a car naman eh. I can take her home" Suggest ni Freid.
"Sure ka?" Tanong ni Anj at tumingin sakin. Tumango lang ako. Wala na talaga ako sa kundisyon para umangal pa at magsalita.
Tumango lang din si Anj at sinamahan kami ni Freid sa parking lot.
nang makarating kami sa parking lot, binuksan ni Freid yung pinto ng sasakyan niya at iniupo ako at sinuot sakin ang seatbelt. Iniabot naman ni Anj yung bag ko kay Freid at inilagay ito sa backseat.
"Text mo ako kapag nakauwi ka na ha?" Sabi ni Anj. Tumango lang ako at isinara na niya ang pinto ng kotse. Inistart na ni Freid ang engine at umalis na kami ng school.
_______
nakarating na kami sa bahay ko. pinatay na ni Freid yung engine ng sasakyan niya at lumabas na kmi ng kotse niya.
"Ok ka na dito?" Tanong niya at iniabot yung backpack ko.
Tumango ako at nag half weak smile.
"Sure ka? Wag ka ng magalala. Nandito lang ako" Sabi niya sabay hawak sa balikat ko.
"Thank you Freid. Nadamay ka pa tuloy sa gulo namin ni Zack kahit na ang ginawa mo lang ay ang tulungan at i cheer up ako." Sabi ko at hinawakan ng mhigpit yung hawakan ng bag ko. Pinipigilan kong hindi umiyak dahil baka mapansin nila mama.
"Asan pala cellphone mo?" Tanong niya at sabay labas ng cellphone niya.
Kinuha ko yung phone ko at binigay ito sa kanya.
kinuha niya ito at nagtype. Curious ako sa kung ano tinatype niya pero diko makita dahil matangkad siya sakin ng 5 inch.
"Ito number ko. Text mo ako kapag nalulungkot ka or kapag kailangan mo ng makakausap. anytime pwede ako" Sabi niya sabay balik ng cellphone ko.
Ngumiti lang ako at nagwave na skanya saka pumasok sa gate. hinintay ko siyang makasakay ng kotse niya at umalis.
nang makaalis na siya, may biglang nagsalita.
"Sino yun?"
"Ay kabayong mamamatay!" Gulat kong sabi.
tumingin ako kay papa na may hawak hawak na host at dinidiligan ang mga halaman.
"Papa naman eh!" Saway ko sa kanya, "wag ka ng gugulat pa. buti na lang wala akong sakit sa puso kundi inatake na ako." Sabi ko sabay hinga ng malalim at hinawakan ang dibdib ko.
"Sorry nak. Pero sino yung naghatid sayo? and bakit pala ang aga mo?" Tanong ni papa na pinatay ang host at iniligpit.
"Ah siya po si Freid. Classmate ko po and kaibigan. Masama po kasi pakiramdam ko kaya umuwi na ako." Sagot ko.
"Ah ganun ba. O halika ka na at pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga ka." sabi ni papa at kinuha niya yung bag ko at pumasok na kami.
YOU ARE READING
Always here Beside You
Teen FictionSi Ania ay inlove kay Zack. Pero dahil sa isang incident nasaktan ang puso niya. At dahil sa pangyayari na yun, nakilala niya si Freid. So Freid ay ang lalaking nagparamdam kay Ania ng kaligayahan at laging nasa tabi niya sa tuwing nasasaktan siya...