Nagising ako sa katok sa pintuan ko. Bumangon ako, "Pasok" at kinusot ang mata ko.
"Ania, ok ka na ba iha?" Tanong ni Mama at pumasok sa room ko.
"Yes ma. I'm ok na. Just a little bit sleepy and my kontimg headache lang." I answered
She smiled gently at me and kissed my cheek, "Pag may kailangan ka, Me and your Papa are always here ok?"
"Yes Ma. Thankyou po" I smiled at her and hug her.
"Pero anak, astig talaga ginawa mo sa kuya mo. Ikaw pa lang ang babaeng nakasuntok sa kaniya" Biro ni Papa na umupo sa computer chair ko at tumawa.
Sinaway siya ni mama at tinapik sa hita, "Papa!"
"Bakit? Natatawa lang ako eh. Masama b? Nagmana ata sakin anak mo. Hahaha! Sa dami ba naman kasi ng babaeng nahuhumaling sa kuya mo, eh ngi isa sa mga yun wala siyang sineryoso." Sabi ni papa na nagcross arms pa.
"Pa! Meron kaya akong sineryoso!" Protesta ni Kuya.
"At sino naman yun aber?" Taas na kilay ni Papa.
"Si. Si Amber" Nahihiyang sagot ni kuya, "Pero iniwan niya ako" dugtong niya.
Natahimik kaming lahat. Naalala namin yung nakaraan, kung saan masaya sina kuya and amber her girlfriend amd soon to be fiancee kaso may nangyaring hindi inaasahan. Naaksidente si Ate amber on her way home galing sa Baguio nung nagvolunteer siya. That day kasi balak magpropose ni kuya. Kaya malaking heartbreak ang naranasan niya.
Tumayo si papa at tinapik niya sa balikat si kuya, "I know you loved her and walang makakapantay sa knya sa puso mo. But you need to move on, Mat. Its been 2years and alam natin, lalo na ikaw na gusto kang maging masaya ni Amber"
"Pa." Mahinang sagot ni kuya.
"Gusto ko ng Ice cream" Bigla kong sabi.
Napatingin silang tatlo sakin with a big question on their faces.
"Ice cream? ganitong kaaga?" Tanong ni Mama.
"Um. Oo? Ewan pero may nakapagsabi kasi sakin na pag nalulungkot ka kumain ka lang ng ice cream and mawawala na yun" Sagot ko na nahihiya.
Natawa sina Papa and Kuya at napangiti lang si mama.
"Tama si Ania. Marami ngayon ang comfort food nila ay Ice cream and bigla akong nagcrave." Sabi ni kuya Mat na hinimas himas yung tyan niya.
"Then we should buy" Sabi ni Mama sabay tayo niya, "Anong gusto mong flavor Ania?"
Napangiti ako, "I want a strawberry and mango ice cream"
"Ma ako gusto ko ng rockyroad." Sabat ni Kuya Mat na abot hanggang tenga ang ngiti.
"Osige. Ibibili tayo mg ice cream. At dahil wala kayong mga pasok ngayon, family day ito." Masayang sabi ni mama.
"Ma manuod na lang tayo ng movie habang kumakain ng ice cream." Suggest ko.
"Oo ma, pwede din yun, Movie marathon tayo!" sang ayon ni kuya.
"Hm magandang idea yan mga anak" sabi ni papa na nagcross arms.
"Kami na lang ni kuya ang bibili ng ice cream" sabi ko at tumayo sa kama ko.
"Osige. Kami naman ni Papa ng magaayos ng dvds and maghahnda na din kami ng iba pang pagkain" Sagot ni mama.
"Pa pambili" Sabi ni kuya sabay lapad ng palad niya sa harap ni papa na animo'y namamalimos.
"Sus! Yan na nga ba sinasabi ko eh!" Reklamo ni papa na napakamot sa ulo.
Tumawa kaming lahat at binigyan ni papa si kuya ng pambili ng ice cream at soft drinks. Pumunta naman ako sa cr para magtoothbrush at maghilamos saka ngpalit ng damit. Nag shorts at naka milky bunny tshirt ako.
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na kami ni kuya at naglakad papunta ng convenience store.
_____
Makalipas ang limang minutong paglalakad, narating na namin ang convenience store.
"Ania, ano masarap na brand ng ice cream? Magnolia o Selecta?" Tanong ni kuya habang namimili ng ice cream.
"Mas prefer ko yung Selecta kuya. Magnolia diko masyadong trip eh." Sagot ko habang tinitignan ang iba pang flavors ng ice cream.
"Osige. Ano kasi flavor? Strawberry, manga and rocky road diba?" Tanong niya at kinuha ang 250ml na ice cream.
"Gusto ni mama and papa yung halo halo. bilhin mo na din para madami" excited kong sabi.
kinuha ni kuya mat yung apat na flavors na pinili namin at binayaran sa counter. Habang si kuya nagbabayad, pumunta naman ako sa may mga chocolates. Ngcrave ako bigla sa chocolate.
"Hm. Ano kaya masarap? Meiji Almond, Macadamia, Cadbury or Toblerone?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ako mas gusto ko ang Meiji Almond" Sagot ng isang lalaki.
Napatingin ako sa sumagot and to my suprise, yung lalaking nakahoodie na gray ang sumagot.
"Ikaw?" Tanong ko sabay turo sa kaniya.
"Hi. Nagkita tayo ulit." Nakangiti niyang bati.
"Ah Hi. Oo nga eh." Pangiti ko din bati.
"What a coincidence" Sabi niya.
"Oo nga eh. Ah Thankyou nga pala sa panyo at sa payo mo." Nagpathankyou ako at ngumiti.
"Wala yun. Ano pala ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Ah bumili kami ni kuya ng ice creams and softdrinks." Sagot ko.
"Ah may handa ata?" Tanong niya ulit.
"Ah hindi. Wala kasing pasok ngayon kaya nagdecide si mama na family day ngayon. kaya ayun" Nakangiti kong sagot.
"Ah~" kinuha niya yung almond at inabot sakin. "Masarap yan. Para sakin" ngumit siya at nagpamulsa.
"Ah thankyou sige ito na lang bibilhin ko. tutal hindi ko pa to natikman" Sabi ko sabay kuha sa meiji almond.
"wala yun" nakangiti niyang tugon
"Ah matanong ko lang, ano pala pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"I'm Freid." Sagot niya sabay abot ng kamay.
"Hi Freid. I'm Ania" nakangiti kong bati at nakipagshake hands sa kaniya.
"Ania saan ka? Tapos na ako magbayad" Tawag sakin ni kuya.
"Ah wait lang!" Sigaw ko. "Ah sige freid babayaran ko na to. Thankyou ulit and nice meeting you. again" ngumiti ako at ngbayad na sa counter saka sinundan si kuya palabas ng convenience.
YOU ARE READING
Always here Beside You
Teen FictionSi Ania ay inlove kay Zack. Pero dahil sa isang incident nasaktan ang puso niya. At dahil sa pangyayari na yun, nakilala niya si Freid. So Freid ay ang lalaking nagparamdam kay Ania ng kaligayahan at laging nasa tabi niya sa tuwing nasasaktan siya...