Drop 13
Unstoned feelings
- - - - - - - -
MATAPOS kong iwan si Mr.Fat guy director ay pumara agad ako ng taxi. Sinubukan kong tawagan muli 'yong numero. Fvck poor signal. Nagpadiretso nalang ako sa Central Hospital. Bakit nga ba natataranta ako ng bongga?
Sinubukan ko uling tumawag. "Hello? Hello? Hell-."
Ay bakit nad-dropped calls.Lesheng cell cite, inabot ko kay manong ang bayad at pilit nakikipag-away sa signal ng telepono.
"Hello? Hello? Sa waiting area ng lobby?"
Tinakbo ko ang pasilyo ng hospital. Then I saw him, sitting holding his phone.
"Why are you .." bungad nito. Bakit ako nandito? Bakit nga ba? Siguro kaya lang sya tumawag ay para magpasalamat, binigyan ko lang siguro ng ibang dahilan.
"I don't know." Sagot ko at umupo sa kabilang upuan leaving one vacant chair between us.
"Why'd you come here?"
Ganun ba 'yon. Di nya ine-expect. Bat nga ba?
"I don't know. I was ...worried." sagot ko. Tanging 'yon lang ang dahilan ko.
"Worried about what?, You don't even know me."
Amp.He let a slight light smile. I tried to relax and be the same me as he first saw me, remembering something.
"You're 6'1 , blood type 'O' ." sagot ko at tiningnan sya. He look a bit pale. "A litte anti-social, sad and distant, someone who's lost hope. Am I wrong?"
Napasandal sya sa kanyang kinauupuan.
"Six feet even." rinig kong sabi nito. Ano daw?
"What?"
"My height." Ahh. Yun pala. Medyo naging ease na ang pakiramdam ko.
"I was close."
"Anti-social is right." Napatawa naman ako sa sinabi 'nya, san ko ba nakuha 'yon kanina. Bilib na talaga ako sa sarili ko.
Pag-tingin ko ulit sa kanya. Nakangiti sya? Its priceless. Parang nagliwanag ang mukha nya.
"Did I just see a smile?" biro ko sa kanya. "So its possible." napangiti naman ako. Mula ng makilala ko sya eh di pa sya ngumingiti ng ganoon.
"No, I didn't." Sagot nya at nagstraight face ulit.How bad. T^T
"You did."
"I've never smiled." Pout si ako sa sagot nya.
"Liar." singit ko.
Nagkaroon kami ng kaunting pause and silence. Alam nyo 'yung pakiramdam na parang komportable kang katabi ang taong gusto mong makilala. Masaya at fulfilling, Oo, dito mismo ulit sa kinauupuan ko, nawala yung masamang alaala. Masarap at maluwag sa pakiramdam.
"I'm not good with people." basag nito sa katahimikan. "So I think..."
Is he thinking of ending this? Eh wala pa ngang start,ni friends nga hindi. Not good with people? Trying to cut some lining of at least an acquaintance. Aish. Di pede.
"Don't worry, that's my area of expertise." determinado at straight kong sagot. Naramdaman kong tumingin sya sa akin. I smiled.
- - - - - - - - - - -
Monday again.
Napag-alaman kong professor pala si Keifer James Navarro, sa Annex Building ng school namin. Why am I stupid at hindi ko sya nakikita dito. Grabe, medyo isinekreto ko dun sa tatlo yung mga nangyari. Saka ko nalang sila babalitaan.
BINABASA MO ANG
Kiss The Rain [SPG]
Romance[Rated R] An ongoing story. 17 year old high school student Rio (Rio Navarro) is always the center of attention due to her beauty. Yet, Rio has never cared about anyone but herself due to her traumatic past. Her friends and boyfriends exist only so...