"Umid"

8 0 0
                                    

(11-21-18)

Pariho lang tayo ng mundong ginagalawan
Ngunit habang nakikita kita kasama siya
Para akong nasa kailaliman ng karagatan
Nalulunod at sakit na nararamdaman ay di na kaya.

Ilang pulgada lang ang layo
Ngunit parang magkaiba ang mundo
Nasa langit ka habang nagpapakasaya
Habang ako'y nasa baba at nagdudusa.

Kahit kaila'y, di kita masisisi
Sa aking dinadalamhati
Dahil kasalanan ko naman
Kung bakit puso ko'y nasusugatan.

Nararamdaman ko'y di masabi
Dahil sa tingin ko'y di naman ito importante
Masaya ka sa kanya
At yun ang mahalaga.

 Poetry (My Escape from Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon