Untitled

10 1 0
                                    


Hindi ako masyadong maganda
Lalong hindi ako yung tipong babaeng panrampa
Mahiyain akong tao
At marami ang buway sa katawan ko.

Malakas ako sa paningin ng iba
Ngunit ang totoo'y malapit na akong magiba
Laging ngumingiti kapag kasama ang pamilya
Palibhasay ayoko silang mag-alala.

Mabilis akong magtiwala
Madali rin itong masira
Galit ay 'di tinatanim
Sapagkat kapatawaran ko'y madaling maatim.

'Di ako perpektong tao
Marami ng kasinungalingang lumabas galing sa labi ko
Kasinungalingang naging panangga
sa mundong mapanlinlang at 'di uso ang pagpapakumbaba.

 Poetry (My Escape from Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon