Nagmahal, minahal at binitawan

10 0 0
                                    


Araw ng mga puso
ngunit puso mo'y wala paring kibo.
ang dating nag aapoy na damdamin
ngayo'y natakpan na ng saloobing di maamin.

Sa matatamis mong dila ako'y napa-ibig ng kusa.
Naliyo, nahulog at sinalo ngunit binitawan nalang bigla.
Masakit ang lagapak sa lupa,
animoy pusong natapakan at ngayo'y lumuluha.

Nakakapagtaka kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Kung simula palang alam kong hahantong talaga tayo dito.
Umasa ako sa pag-ibig na walang hanggan,
Kaya ngayo'y pag-ibig na nabuo'y nasa bingit na ng katapusan.

 Poetry (My Escape from Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon