"Spike"

10 1 0
                                    


Huling araw na ng palaro
Bawat galaw mo'y mata ko'y nakapako.
Sa tuwing hawak mo ang bola
ako'y parang nalulula

Habang tumatagaktak ng iyong pawis
Tambol ng puso ko'y sobrang bilis,
Nang nakita ko sa mukha mong nakaguhit ang pagkabigo
Gusto kung lumapit sayo, at sabihing wag kang susuko.

Ngunit nahihiya ako
Kaya binubulong ko nalang sa sarili ko
Nagdadasal ng tahimik
At inaalu ka sa loob ng aking isip.

Matapang kang tumayo
At mas hinusayan pa ang paglalaro
Sa madeterminasyon mong pagpalo
Ako'y napapalakpak at napatayo.

Paa ko'y nangangalay
Boses ko'y unti-unting nauubos
Nang narinig ko ang busina'y, nanumbalik ang aking malay
At puso ko'y nasiyahan ng lubos.

Nakatingin mula sa malayo
Habang ikaw ay nagtatalon sa tuwa at maluha-luha
At Yakap yakap mo ang iyong mga tagahanga
Napangiti ako ng malawak dahil sa tagumpay na iyong natamo.

Unti-unti kang lumalapit
Paghinga ko'y parang naipit.
Muntik na akong mautal sa pagbati
Animo'y may nakahanda pang talumpati.

Nakatitig lang sayo habang nakangiti
Sa isang iglap, nakakulong na ako sa iyong bisig
Nanlambot ang aking tuhod, marahil dahil iyon sa kilig
Samantalang nandyan ka, mahusay kong pinigilan ang impit na tili.

Nang ako'y nakawala mula sa 'yong yakap
Para akong tinangay ng hangin patungo sa ulap.
Nagningning ang mga mata
Animoy nakakita ng mga bituin sa umaga.

(11-18-18) to (11-21-18)

 Poetry (My Escape from Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon