"Salamin"

13 1 0
                                    



Salamin, salamin, sabihin sa akin;
Ako ba'y maalindog o hindi kagandahan?
Alam kong di ka aamin
Ngunit batid ko na ang sagot sa aking katanungan.

Habang nakatingin sa aking repleksyon,
Puno ng pagka dismaya ang aking reaksyon.
Napapa-isip ng kung ano-ano
Kagaya ng; paano kung basagin ko nalang ito.

Lumaganap sa aking katawan
Buway na labis na kinaiinisan
Nagdagsaan ang tigyawat sa aking mukha
Dahilan kung bakit lalo akong nagmukhang dukha.

Lagi kung kinokompara ang aking sarili
Sa mukha ko noong sinasabi nilang nakakabighani
Nakakainis ang pakiramdam na ganito
Nakakawalang gana at nakakalito.

Habang naglalakad sa daan
Ang mukha ko ay laging tinatakpan
Dahil sa labis na katangahan
Muntik na akong madapa at masugatan.

Pagsapit ng kadiliman
Oras na naman para sa katotohanan
Binuksan ko ang kamera
At nakita ang aking mukha.

Ngumiti na parang tanga
At nang may napagtanto
Kamera ay binato
Luha ay nagbabadya sa mga mata.

Kinabukasan, pagkagising ko
Di man lang sumulyap sa repleksyon ko
Hanggang natapos ang araw
Nasiyahan ang aking kalooban, dahil may nakapagsabing ang ganda ko raw.

Simula noon salamin ay iniwasan
Lumaganap ang kagalakan.
Di ko pa man lubosang tanggap
Pipilitin kong magpanggap.

 Poetry (My Escape from Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon