"Haraya"

10 2 1
                                    

12/26/18

Habang nakapikit ang aking mga mata
Gamit ang iyong malumanay na boses
Akoy tinawag mo ng ilang beses
at sa pagmulat ko'y ikaw agad ang aking nakita.

Nakaupo habang tinitingnan ang 'yong galaw
Ika'y naghahain para sa ating agahan
Nang makarinig ka ng hiyaw
Mangkok ay daglian mong binitawan.

Bitbit mo si Amaya
Sinasayaw upang tumahan na
Lumapit ako sayo
At niyakap ang hita mo.

Tumigil ka sa pagsayaw at ako'y dinungaw
Ngiti ay nakasilay sa iyong labi
Lantang diwa ko'y tila nasinagan na ng araw
Kahit mahirap ang posisyon ang importe'y komportable ako sa iyong tabi.

Pagsapit ng gabi
Pagod na ngiti ay nakaguhit sa 'yong labi
Marahil ika'y napagod
Sa araw-araw na pagkayod.

Dumulog kami sayo
Kinuha ang bitbit mo
Niyakap ka ni ina ng mahigpit
At sa braso mo ako'y nakakapit.

Ako'y naka ngiti
Habang nakatingin sa inyo kamahalan
Naglalambingan at nagpapahalagahan.
Sana ganito nalang palagi.

nagising ako sa isang iglap
napatingin sa alapaap
Ngumiti ng mapait
Kahit kailan hindi ko ito makakamit.

Lumaki ako ng walang ina sa tabi
Mag-isa ang aking ama sa pagkayod
Upang may maitabi
At iniinda ang pagod.

Gusto kung maramdaman
Kung ano ang pakiramdam
Na may inang kasama
Sa hirap at ginhawa.

Yung may magtatahan sayo,
Magpapagaan ng loob mo
Mag-aalaga hanggang sa pagtanda
Makakasama habang buhay pa.

Marahil kapag nangyari 'yon
Hindi ako nahihirapan ngayon
Hindi ako mauuhaw sa pagmamahal ng isang magulang,
At kailanma'y di ko iisipin na ako'y nagkulang.

Kayo ang aking insperasyon,
dahilan kung bakit matatag ako ngayon.
Mahal na mahal ko po kayo
Sana masaya kayo sa kinalalagyan niyo.

 Poetry (My Escape from Reality)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon