KDMI 12: Paano na kaya

1.7K 49 6
                                    

Saint Suppapong Udomkaewkanjana as Darius

He's in Media

♥♥♥

Darius POV

Malapit na kami sa University kaya nag isip na ko ng mga paraan para masabi sa kanya kaso di ko ma explain kung bakit ako natatakot umamin sa kanya.

Ang dami talagang gumugulo sa utak ko ngayon. Siguro kaya hindi ko maamin kasi baka masira yung pagkakaibigan namin o baka i reject nya ako tapos lalong lalala yung sitwasyon baka humantong pa 'to sa ayun nga PAGKASIRA ng pagiging MAGKAIBIGAN namin pero ERASE ERASE!!!!

Bawal negative kailangan positive!!! Nakaisip na ako ng mga gagawin ko para maamin kay Milles na mahal ko sya not in a mouth way but in a NICE way...

"Sana naman Milles wag kang manhid para malaman MAHAL KITA dahil simula pagkabata mahal na kita, MAHAL na MAHAL" bulong sa hangin kong banggit buti na lang hindi narinig ni Milles at yung mokong lang nakaintindi ng mga nabanggit kong pahayag kanina tapos ngayon ang sama ng tingin sakin, inirapan ko na lang at may bumalik na naman na tanong sa isip ko.

Seryoso ba talaga yung pagmamahal nya kay Milles o trip trip lang nilang magkakaibigan katulad ng ginawa nila dati sa isang estudyanteng katulad din ni Milles na pinaasa ni Liam dati..???

Milles POV

Andito na kami sa may gate ng University papasok na kami.. pagkapasok namin may binulong si Darius sa akin..

"Mamayang 3 ng hapon pumunta ka sa Cafeteria, may pupuntahan tayo.. TANDAAN mo mamayang 3 ng hapon, sa Cafeteria okay..??"

Tumango na lang ako para maiparating sa kanyang pumapayag ako.. pagkaalis ni Darius ang sama ng tingin ni Paul kay Darius at nagtanong

"Anong sabi nung KUMAG na yon??" Tanong nito habang nakatingin pa rin kay Darius na naglalakad na papuntang room ng first sub nya.

"Tara na Paul malelate na tayo sa first sub natin.. pumunta ka na sa room nyo baka malate ka na rin" pagkasabi ko non tumakbo na ko sa first sub ko, totoo naman talaga na malelate na kami kasi nga diba nag debate pa sila.

Pagkadating ko sa room wala pa yung Prof. namin kaya pumunta na ako sa gitnang upuan nila Gil at Vince..

"Uyy teh anong ganap?? Naglaplapan ba kayo ni fafa Paul?? Nag anuhan na ba kayo yung... yung... basta alam mo na yun, oh ano nangyari ba lahat yun??? Ano sagot?????" bungad nila Vince at Gil sakin, huta!!! Ang dami na ngang tanong na kanina pa bumubuo sa utak ko dumagdag pa 'to... Kainis!!!!!

Buti na lang dumating na yung Prof namin kaya di ko nasagot yung tanong nila sa akin... Ayy nako tenkyu kay Prof dahil dyan PERFECT!!!!

♥♥♥

Dumating na ang alas tres ng hapon at papunta na ko sa Cafeteria... Pumasok na ko sa loob ng Cafeteria at mabilis kong nakita si Darius dahil nasa may bandang pinto lang sya kaya pumunta na ko sa inuupuan nya..

"Saan ba tayo pupunta Darius?? Tsaka kung may sasabihin ka dito na lang wag na sa kung saan"

"Basta tara na!!" Sabay hila sa akin.

Nandito na kami sa may comedy bar kung san nya gustong pumunta..

"Bakit sa Comedy Bar..?? Iinom ka ba??"

"Basta!! tara na pasok na tayo"

Puro 'to basta!!! Nakakaimbyerna ah!! pasalamat 'to kaibigan sya kundi NAKO!!!!

Nasa loob na kami at umorder sya nang isang bucket ng beer..

"Uyy di ako umiinom ah pero sige pagbibigyan kita.."

Pagkainom ko nung una, ang pakla nung lasa pero keribells yan!! Para 'to sa mga gumugulo sa utak ko hahaha

2 bote na lang yung natira namin nang biglang tumayo si Darius at pumunta sa harapan, may binulong sya sa mga nagbabanda sa harapan at may binulong rin sya sa Vocalist nung banda, tumango naman yung Vocalist at NAKO mukhang kakanta si Darius!!!

Tatayo na sana ako para papuntahin ulit sya sa pwesto namin kasi nakakahiya kaya ang daming tao eh hehe.. nang bigla syang magsalita...

"Para 'to sa mga na-inlove sa mga kaibigan nila!!"

Biglang tumingin sakin si Darius at parang may ipinapahiwatig yung mga titig nya sakin..

Pero sana wag yung naiisip ko ngayon.. hindi na pwede baka masira pagkakaibigan namin tsaka di ko na sya MAHAL..

Nagsimula na yung kanta...

Paano na kaya by Bugoy

Pano nga ba napasukan ang gusot na ito
Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sayo oh

Mula nang makilala ka umikot ang mundo
Hindi na kayang ilihim at itago ang nararamdamang ito ohohh

Pano na kaya di sinasadya
Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami rami ng kaibigan ko ikaw pa
Pano na kaya di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap ng umibig sa isang kaibigan
Di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya

Hanggang sa matapos yung kanta, sakin lang sya nakatingin.. wag naman sana Darius baka masaktan ka lang please...

Hindi na natin maibabalik ang dati kahit ibalik mo man ang nakaraan di mo naman maibabalik yung pagmamahal ko sayo...

♥♥♥

Vote na Guys hahaha comment nyo na lang yung mga gusto nyong sabihin HAHAHA 😂😂

12 | 1 | 18
Saturday

Kagandahang Di Mo Inakala (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon