Vote
Comment
&
FollowIf you all want guys, Share nyo naman tong story na ito sa iba Please!! Hihihi!!!
««« ^_^ »»»Happy 600+ Reads HEHEHE!!
***
Kriiiinnnnggggg!!!!!
Haysstt!! Papasok na naman... Tinatamad ako, ayaw kong pumasok...
{A/N: Hoy ikalawang araw pa lang ng pasukan aabsent ka na kaagad hahaha Good luck...}
Wow!!! Naisingit talaga ni Author eh no?! Ooopppsss!! Wag ka nang magsasalita sasalpakan ko yan ng packing tape!! Ayan good gayrl Hahaha!!
Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals, lagi naman eh... Bumaba na ako at wala si mama sa baba.
"Saan kaya nagpunta yun?? Baka nag-grocery lang" tanong at sagot sa isip ko...
Nagluto na lang ako nang almusal na fried rice, bacon, egg, at di mawawala ang paborito kong almusal ang HOTDOG!!! [A/N: tskkk!!! ] may sinasabi ka author ha?! [A/N: ah wala wala hehehe °,°] Ayun naman pala eh manahimik ka na lang!! Hehehe sorry author triny ko lang maging masama hihihi...
Anyway railway palabas na ako ng bahay nang may makita akong magarang kotse...
"Woww!! Ang ganda naman nito!! Makakabili rin ako nito pag nagkapera Charot!!" sa isip ko or should i say imagination but someone break my own imagination...
"Hoy!!! Milles bunso, sumakay ka na sabay na tayo... Nag enroll rin ako dun sa pinapasukan mong eskwelahan hehehe!!" basag trip tong darius na to kung di lang kita kaibigan nasapok na kita hayy!!
"Makagulat ka naman kala mo walang bukas!! At tsaka bakit tagalog na tagalog ka magsalita ah?! diba galing kang States ha?! Hoyy!!" daing ko sa kaibigan ko na dati kong Inspirasyon... Ayyyttt!!!
"Pinag~iintirisan mo tong kotse ko eh tsaka dito naman ako pinanganak ah at tsaka pure filipino ako at anong nangyari sa mukha mo bakit ang daming tigyawat?! pwera lait ah baka damdamin mo..."
"Sumakay muna kaya ako nangangawit na ako dito oh tsaka nakatayo lang kaya ako dito ohh!!".
saad ko muna sa kanya kasi talagang nangangawit na ako...
"Sumakay ka na bilisan mo at magku kwento ka pa" chismiso lang ang peg pero kailangan ko talagang magkwento sa kanya simula nung umalis sya...
''Ayan! Please tell me now, What happened to your face??" ayan na sya seryoso na sya... kasi talaga nung bata ako ang kinis nang mukha ko maputi actually Androgynous nga mukha ko eh kaso...
"Simula kasi nung umalis ka lagi akong puyat iniisip ko kung kailan ka babalik at sa isang linggong pagluluksa ko sa pag alis mo... Hapon na nang magising ako kasi 5:00 ng umaga na ako nakatulog at pagkapasok ko sa banyo eto na nakita ko yung mukha kong puro tigyawat hanggang sa naging 17 na ko" mahaba kong paliwanag sa kanya...
"Bakit pagkagising mo puro may tigyawat ka na tinanong mo ba sa dermatologist??" tanong nya...
"Sabi ni Mama tsaka ni Papa sa pagkapuyat daw yon nakukuha at di ko na pinatingin sa doktor kasi safeguard lang naman yan kaso natuyo naman kaya tinigil ko na rin" sagot ko naman sa kanya...
"Bakit mayroon ka ring braces?! Tsaka bakit may salamin ka na rin at ang laki pa ah?!" daming tanong nito kaso sinagot ko na rin malayo pa naman yung school namin eh tsaka alam ko wala kaming first sub kaya hindi kami male late, advance ako mag isip eh hahaha!!
"Gusto ko lang ng may braces ako kaya nagpa braces na talaga ako hehehe... Dito sa mata ko, minsan malabo na rin paningin ko kaya nag pasukat na ako ng salamin sa mata pero sabi ng Opthalmologist sa akin pwede rin daw i lazer yung sa cornea ko para matunaw yung labo sa mata ko at para luminaw na rin kaso di ako pumayag kaya pinili ko pa rin yung salamin..." mahaba haba kong litanya sa mga tanong nya sa akin
[A/N: yung sa itaas po is gawa gawa ko lang po pero yung iba ay yung mga nalalaman ko hehehe!!]
"Ahh okay.." taray nito ang dami kong sinabi tapos ayan lang sasabihin nya Galing nyaa!!
Nakarating na kami sa parking lot ng school (A/N: wow sosyal na school to teh!!) at pumarada na kami ni Darius don sa may vacancy.
Pagka baba ni Darius...
"Aaaahhhhhhh!!!!" tili ng mga babae pagkababa nya pa lang yan ah, wow na wow!! Dami kagad fans hahaha..
Pagka baba ko...
"..........." tumahimik ang mundo charot!! nawala yung mga ngiti at tili nila at napalitan ng bulungan...
"Who is that fag?!!"
"Sino sya at bakit kasama sya ni fafa pogi?!!!"
Naglakad na ako o sabihin kong nauna na akong maglakad kay Darius kasi nakakahiya naman sa kanya kung sasabay ako sa kanya eh ang daming nagagalit sa akin nang dahil sa kanya gwapo nya daw kasi eh!! Hayyyy!!
"Hoyy bat di ka naman nang aantay ang bilis mo maglakad?!" mga tanong nya sa akin..
"Wala.. baka malate ka na sa klase, mauuna na ako" at naglakad na ako ng mabilis para di nya ako maabutan..
Nang makarating ako sa room pumunta kagad ako sa upuan sa may bandang bintana wala pa naman si maam eh kaya nakapasok kaagad ako...
Hayystt!!! Kaimbyerna!!
BINABASA MO ANG
Kagandahang Di Mo Inakala (BxB)
HumorSi Milles Ark Arcilla ang baklang nilalait nang lahat dahil sa kanyang mukhang puro tigidig pero ang di niya alam na may nakatakdang magpaganda sa kanya. Si Paul John Mercedes ang matalino, mayaman, mabait DAW, PERO Ano kaya ang papel sa buhay ni Mi...