𝑬𝑵𝑱𝑶𝒀 𝑹𝑬𝑨𝑫𝑰𝑵𝑮! 𝒉𝒊𝒉𝒊 😄
♥︎~~♡︎~~♥︎
Milles POV
Ngayong araw na ang pagbabalik ko sa eskwelahang pinapasukan ko, may halong pagka excite at kaba ang nararamdaman ko dahil nga ito na ang bagong simula na pangarap ko nung sa mga panahong nilalait ako ng mga tao dito sa eskwelahang 'to.
Makikita natin kung ano magiging reaksyon nila pag nalaman nilang ang nilalait nila ay gumanda, ay taray! gumanda talaga hahaha pero masasabi ko na nag glow up talaga ang itsura ko at bumalik yung mukha kong maganda, *laughs*.
Malapit na ko sa school ng makita ko si Paul na nandoon sa lugawan na pinapuntahan nya. Naglakad ako papunta rin doon sa di malaman na dahilan at nang makapunta roon ay umupo sa bangkuang nasa sulok para di nya ako makita.
'teka! bat ba ko nagtatago e nagbago naman na yung mukha ko diba' saad ko sa aking isip.
Kaya nagpanggap ako na parang customer lang na nandoon, pero sa di inaasahan na may tumawag sakin.
"Milles?!" Nung marinig ko yun ay nataranta ako at nagtago, di ko man lang nakita yung tumawag sakin.
"Uy Milles!" sa pagkakataong ito ay may kalabit na, pagkaangat ko ng tingin ko ay di ako makapaniwala sa nakita ko.
"P--Paul..!!" Teka pano nya ko nakilala?!?!?!!!
"Oh bat parang gulat na gulat ka? Haha. Ikaw ah di ka man lang nag sabi na aalis ka papuntang Thailand, nakakatampo ka naman eh hmp!" bakit parang sa kanya normal lang yung nakikita nya sakin!? pero teka pano nya nalaman na pumunta akong Thailand?! Baka siguro dun sa babaeng yun na nakabanggaan doon at sinasabi nyang MY LOVES nya daw 'tong si Paul, pero tanong pa rin natin.
"Teka, pano mo nalaman na pumunta ako ng Thailand..?"
"Ah sa kapitbahay mo, and she tell me that you are in a trip in Thailand and oh your face glow up! Aw, i will miss the old Milles." pinagloloko ba ako ng hayup na'to, sabagay di nya pala alam na narinig ko LAHAT ng mga panloloko nya.
(Bat di mo muna kasi pinagpaliwanag te! Malay mo di pala totoo yung sinasabi nya hahaha) Che! Wag ka makialam dito author baka makrompal kita ng mga bente.Tumango tango na lang ako sa sinagot nyang iyon nang bigla ako nitong hatakin papunta dun sa harapan para umorder.
"Anong gusto mong kainin? tutal maaga pa naman eh may 45 minutes pa naman bago magsimula yung class natin eh. Bilisan na lang nating kumain, wag ka mag alala libre ko yan hehe" syempre nagtitimpi pa lang ako sa ginagawa ng manlolokong to pero libre naman kaya pinatulan ko na rin.
'tignan na lang natin *evil laugh*'
"Sige libre mo ah, lugaw nga po dalawa ay hindi apat mo na order tapos bawat isang tasa may maraming laman tsaka itlog tsaka softdrinks na din thank you!" pagkasabi ko nun tumalikod agad ako para di nya makita yung hiya ko. Ay teka! Bat ba ko mahihiya eh sya na nga 'tong nanloko.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA that's cute tho" Milles wag kang marupok!
PAK!
BINABASA MO ANG
Kagandahang Di Mo Inakala (BxB)
MizahSi Milles Ark Arcilla ang baklang nilalait nang lahat dahil sa kanyang mukhang puro tigidig pero ang di niya alam na may nakatakdang magpaganda sa kanya. Si Paul John Mercedes ang matalino, mayaman, mabait DAW, PERO Ano kaya ang papel sa buhay ni Mi...