(Etong story nato eh matagal ko na talagang gusto isulat dito sa wattpad at sana magustuhan niyo kase di naman talaga ko writter e hahaha salamat sa mga makakabasa)
WHEN I MET YOU ..
_____________________
Marahan kong inilapag ang mga bulaklak sa puntod ni mama noong mga oras na iyon,mukhang nakikisama ang panahon sa aking pagdadalamhati sa pagkawala ng aking pinaka mamahal na ina dahil malamig ang simoy ng hangin at makulimlim ang langit.Hindi ko narin napigilan ang dahan dahang pagtulo ng luha sa aking mga mata at biglang ....
"Ganyan din ang nararamdaman ko ngayon kaya naiintindihan kita at hindi ka nag iisa" isang simpleng babaeng nakatingin sa akin habang pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata.
Nakatingin lamang ako sakanya at hindi makapagsalita,gusto ko mang tanungin kung sino siya pero hindi ko nagawa dahil patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata.
Lumapit siya sa akin at tumabi malapit sa aking kinauupuan at bigla siyang nagsalita ..
"alam mo?mahirap talagang mawalan ng magulang no?siguro sayo mama mo lang ang nawala pero ako pareho sila,nauna lang si mama ng ilang taon at sumunod narin si papa ng ilang taon lng ang pagitan"
Bakas sa mukha niya noon ang kalungkutan at pinipigilang umiyak,hindi parin ako nagsasalita ng mga oras na iyon pinagmamasdan ko lamang ang kanyang mukha at hindi ko rin napansin na nawala na ang mga luha sa aking mga mata.Nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob para magsalita pero nagsalita siya muli at nagpakilala.
"By the way ako nga pala si KALILA,siguro kanina kapa nagtataka kasi bigla nalang ako umeksena sa pagdadrama mo jan,napansin kasi kita e ikaw sino ka naman?pwede ko bang malaman?"
Nakangiting sabi ni Kalila sa akin,sinagot ko siya
"ANGELO"
"SO ikaw si Angelo?bagay sa itsura mo mukha kang mabait,o siya kaylangan ko ng umalis pinuntahan ko lang kasi ang mama at papa ko dito e,kaya mo yan!at sana magkita tayong muli"
Biglang bumagal ang mga oras noong papalayo na siya sa akin at nawala na sa aking paningin..
"Sandali lang" mahinang sabi ko pero mukhang hindi na niya ko narinig dahil malayo na siya ....