Chapter 7

6 0 0
                                    

CHAPTER 7 NA PO NG STORY SANA MAGUSTUHAN NINYO HAHA SENSYA NA KUNG MAY MALI MANG WORDS JAN . SALAMAT !!! :)

_________________________________________

CHAPTER 7

(ANGELO POV)

Natapos na rin ang klase na puro si kalila ang nasa isip ko,itetext ko nga pala si celine baka kung ano nanaman ang isipin niya kapag hindi ako kaagad nakapagtext sakanya

"Babe uwian na namin,kayo ba?" text ko sakanya

Lumipas ang ilang minuto ay nagreplay narin siya sa akin ...

"babe mukhang gagabihin ako e kaya,mauna kana lang muna umuwi ha?" - Celine

"sige babe iloveyou" -angelo

"Iloveyou too" -celine

Naisipan ko na agad na puntahan si kalila sa sementeryo baka nandoon siya at nagpapahangin o namamasyal.

Noong nasa byahe na ako at papunta sa sementeryo ay nadaanan ko ang isang park na malapit doon nagulat ako noong makita ko si Kalila na nakaupo sa hindi kalayuan.Agad akong naghanap ng mapaparkingan ...

At agad na rin akong bumaba para mahabol ko si Kalila ...

"Si kalila nga yung nakikita ko!" -angelo

Agad ko siyang tinawag noon at agad naman siyang lumingon sa akin at ngumiti

"ANGELO" - Kalila

"Kalila kamusta kana? okay ka lang ba? wala bang masamang nangyari sayo ha?" agad akong napahawak sa kanyang mga pisngi

"teka angelo okay lang ako , ano kaba ang oa mo naman oh hahaha" nakangiti naman niyang sagot sa akin

"ahh ! pasensya kana hindi ko napigilan" sabay hiya kong sagot

Nagtitinginan ang mga tao ng mga pangyayaring iyon wala na akong pakialam sa mga sasabihin nila basta ang mahalaga ay nalaman ko na okay si Kalila at walang nangyaring masama sa kanya hayy buti naman makakahinga na ako ng maluwag.

Nag aalala ako sakanya buong araw at ang akala ko ay totoo na ang mga nangyari sa panaginip ko.

Noon ay agad kaming pumunta sa malapit na restaurant para makapag usap pa...

(SA RESTAURANT)

"Angelo,doon tayo sa bandang taas maganda ang view doon" yaya ni Kalila

 "sige" ngiting sagot ko 

Umorder na kami noon ni Kalila at nagtataka ako noong nakatingin na parang naguguluhan ang waiter sa amin ...

"Sir wala na po ba kayong hihintayin" tanong ng waiter

"hmmm wala na e" sagot ko

Umalis na noon ang waiter na parang naguguluhan parin at nagtataka,bakit ano bang mayroon sa mga mukha namin ni Kalila at ganoon na lamang ang reaksyon niya.Natatawa na lamang kami noon ni Kalila at nag usap na lamang.Hindi ko na pinansin kung ano man ang nasa isip ng waiter na iyon basta ay masaya kami ni Kalila ngayong gabi ...

"Ang ganda ng mga ilaw doon o" nakangiti si kalila sa akin

"Oo nga e maganda nga napakaganda parang ikaw" sagot ko naman

"BOLERO haha baka magselos pa girlfriend mo ano kaba" -Kalila

Tumahimik na lamang ako noong mabangit ni kalila si Celine,natahimik na lamang kaming dalawa noon at parang may anghel na dumaan.

Bumilis pa ang mga oras hanggang nag umpisa na akong magpaalam kay kalila

"Kalila sige uuwi na ako madami pa akong kaylangan gawin e naghihintay na rin si auntie sa akin ikaw rin hahatid na kita ha?" alok ko

"Nako wag na okay lang malapit lang kami dito angelo" pag pupumilit niya

"Hmm osige na nga teka muntik ko ng makalimutan pahingi naman ako ng cellphone number mo o" - Angelo

"ay! wrong timing ka naman angelo kung kelan pinapaayos ko yung phone ko saka muna man hiningi number ko sorry ha ? dont worry pagka ayos ng phone ko ibibigay ko ang number ko agad agad" sagot niya

Wala akong nagawa noon kaya umuwi na lamang ako at nag paalam sakanya

"sige,kalila dito na ako ayaw mo rin naman magpahatid e ingat ka ha?" - Angelo

"oo malapit lang din kami dito opo BOSS mag iingat ako" - Kalila

"BOSS talaga? sige alis na ako"  - Angelo

Umalis ako na may pagtataka kung bakit ganoon na lamang ang mga nangyayari nag umpisa narin noon ang pag iisip ko na may kakaiba sa kanya parang may mga katanungang pumapasok sa isip ko tungkol sa kanya ....

(ANO KAYA ANG MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA PAGKATAO NI KALILA ? ABANGAN :)

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon