______________________
CHAPTER 6
Nasa kotse na ako para pumunta na sa sementeryo para makita si kalila at makausap,naka uniform na ako pero napag disisyonan ko ng huwag pumasok sa school kahit maraming gagawin.Matinding pag aalala ang nararamdaman ko ngayon kay Kalila baka may masama ngang nangyari sa kanya.
Pinark ko na ang kotse ko at nakarating narin ako sa sementeryo,pasikat pa lamang ang araw noon at dama ang malamig na simoy ng hangin hindi pa ako nakakalayo noong naramdaman ko na may tao sa likod ko
"Anong ginagawa mo dito angelo ng ganito kaaga?"
Nagulat ako noong lingunin ko kung sino ang nasa likod, si CELINE nagtataka ako kung paano niya ako napuntahan sa sementeryo
"Huh?" gulat na tanong ko sakanya
"Si tita ba pinuntahan mo dito? ang aga naman tsaka tignan mo naka uniform kapa? maaga pa ang pasok mo diba?" siryosong tanong ni Celine sa akin
Kumabog lalo ang dibdib ko noong masulyapan ko si Kalila malapit sa amin nakatingin siya sa amin ni Celine at nagtataka.
"O ano angelo bakit hindi ka nakasagot tama ba ako?" tanong niya
"Ah e oo si mama pinuntahan ko rito,pinapapunta rin kasi ako ni anjo dito" palusot ko
"Huh?" Celine
"teka lang ha?pupuntahan ko lang puntod ni mama" pagmamadali ko
"sige hihintayin kita rito" - celine
Nasa puntod na ako ni mama noong nakita ko parin si Kalila sa malapit nakatingin lang siya sa akin at parang may gustong sabihin,nagkatitigan kami ng ilang minuto at bigla na akong tinawag ni Celine.Hindi ko malapitan si Kalila dahil nasa malapit lang din si Celine baka kung anong isipin niya kapag nakipag usap ako kay Kalila.
"Babe bilisan mo malelate na tayo" sigaw ni Celine
"wait eto na" sagot ko
May halong pagtataka noong lumapit ako kay celine hindi niya napansin si Kalila malapit sa amin, kung sabagay hindi naman maiisip ni celine na kakilala ko si Kalila kaya hindi na niya ito nilapitan pa at tinanong ang tungkol sa amin.Lumingon ulit ako sa likod para makita si Kalila nakatingin lamang siya sa aming dalawa ni Celine at siryoso ang pagkakatingin niya sa aming dalawa.
Noong makasakay na kami sa kotse ni Celine ay hindi parin nawala ang pag tataka ko kung bakit hindi napansin ni Celine si Kalila sa malapit,siguro iniisip niya na may iba itong sadya sa sementeryo o may dinadalaw lang? pero iba pa rin e hindi man lang niya naisip na baka magkikita kami dahil sa ganoong kaaga ay wala namang bumibisita roon.
"babe are you okay?" tanong ni Celine
"ahh Yes im okay babe" sagot ko
"kasi naman parang may masamang hangin ang dumapo sayo e" sagot niya
Pagkarating namin sa school ay naghiwalay na agad kami ni Celine dahil magkaiba kami ng classroom ....
"Babe see you later nalang ha?marami din kasi akong gagawin e" paalam ni Celine
"sige babe ako rin naman marami e,ill text you nalang" sagot ko
"Iloveyou" - Celine ... sabay halik sa pisngi ko
"Iloveyou too babe" sagot ko
(KALILA POV)
Hindi man lang niya ako pinansin siguro girlfriend niya yung kasama niya halata naman e tawagan pa lang nila "Babe" alam na girlfriend niya yung kasama niya.
Hayyy bakit nga ba ako nakakaramdam ng ganito? nagseselos ba ako o ambisyosa lang talaga ako,mapuntahan na nga lang sila mama at papa sa puntod nila dun ko nalang sasabihin mga gusto kong sabihin ngayon ...
"Hi ma at pa siguro nag sasawa na kayo na lagi akong nandito no?well ma namimiss ko kasi kayo lagi e kaya lagi ko kayo binibisita rito" - Kalila
Noon ay umalis na rin ako matapos kong kausapin si mama at papa nagpaalam narin ako sa kanila,maglalakad lakad namuna ako at mamamasyal saglit sa malapit na parke.