Chapter 5

3 0 0
                                    

(Chapter 5 po ng story pasensya na kung may mga maling grammar o words hahaha,salamat din sa mga nagbabasa kahit papano) :D

__________________________________

CHAPTER 5

(ANGELO POV)

Naglalakad kami ni Kalila sa park at sabay kaming kumakain ng ice cream pinagmamasdan namin ang mga masayang tao sa paligid at pinagmamasdan rin ang magandang tanawin

"Masarap pala tong keso flavor ng ice cream no?" - Kalila

"Oo naman eto nga favorite ko e lalo na kapag dirty ice cream" sagot ko

"Huh? dirty ice cream? edi madumi pala to uhhhhh" makulit niyang sinabi habang nakalabas pa ang dila at  nakapikit

"HAHAHA ano kaba? dirty ice cream lang ang tawag dito pero hindi to madumi ngayon mo lang ba natikman to parang bago sayo ha?" natatawa kong sagot sa kanya

"Ah oa lang talaga ko haha, akala ko kasi madumi talaga e hmmm oo e ngayon lang haha "-Kalila 

Ngumiti na lamang ako sakanya noon at kumain uli ng ice cream,ang saya nito kasama ko siya at pareho kaming masaya na nandito ngayon sa park.Niyaya niya ako bumili ng loombands sa mga nagtitinda sa may gilid ng park.

"Hmmm anong tawag jan?" tanong ko

"Loombands to angelo,uso kaya to ngayon mahilig nga ako dito e wait ! ate pabili nga po ng dalawa isang color red at isang color blue " - Kalila

Nakangiti naman ako sakanya noon habang pinapanood siya,sinuot niya sa akin ang color red na may kasamang white na loombands ..

"Nice! pano mo naman nalaman na red ang favorite color ko?" nakangiti kong tanong sakanya

"Hmmmmm hula ko lang?" nakangiti siya sa akin

"Haha galing mong manghuhula ah,edi sayo naman yang color blue?" tanong ko

"Oo Blue naman ang akin, hmmm simbolo to ng pagkakakilala natin etong mga lommbands " - Kalila

"Wow naman! sige itatago ko to Kalila" - Angelo

Tumango naman siya sa akin at nakangiti parin,nakakatuwa naman si Kalila hinulaan pa ang favorite color ko at isa pa binigyan niya ako ng remembrance kahit simple lang,itatago ko to para maalala ko siya palagi.

"Angelo,teka lang ha? pwede mo ba akong hintayin dito ? sandali lang ? may bibilhin lang sana ako" paalam ni Kalila sa akin

"Walang problema,sige hihintayin kita dito Kalila" nakangiti ko namang sagot sakanya

Nakatingin lamang ako sa loombands na binigay sa akin ni Kalila napapangiti pa rin ako dahil sa alam niya ang paborito kong kulay at palagi ko pa itong makikita sa aking braso kahit saan man ako pumunta.

Lumipas ang ilang minuto,lumingon lingon ako sa paligid dahil ilang minuto ko naring hinihintay si Kalila pero wala pa siya,nag aalala na ako at baka kung saan nagpunta.Pagtingin ko sa hindi kalayuan nakita ko narin ang likod ni Kalila naroon pala siya malapit sa kalsada at bumibili ng pagkain para sa aming dalawa,noon ay napangiti na ako at biglang nagulat noong makita kong humarap si Kalila.

"Huh !? KALILA !? " nagulat ako noong makita ko ang itsura niya WALANG MUKHA  ......

at bumilis ng bumilis ang pangyayari may paparating na mabilis na kotse papunta kay kalila at biglang .....

"ANGELOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO !!!!!" sigaw ni Kalila

at biglang lumabo ang aking paningin, naaninag ko pa ang pagbangga ng kotse kay kalila at hindi ko na nakita pa ang susunod na nangyari .....

"KALILAAAAAAAAAAAAAAAA !!!!!!!!!!!!!!! " sigaw ko

"KUYA?! KUYA !!!" gumising ka ! gumising ka !!" - Anjo

Nagising ako noong kinagat ni anjo ang daliri ko sa paa .....

"HUHHHH?" pag gising ko

"Kuya angelo naman ano bang nangyayari sayo,nagising kami bigla kang sumigaw , mukhang masama paniginip mo eh?" nag aalalang tanong ni Anjo sa akin

Hindi ako makapag salita noon nakatulala lamang ako at pawis na pawis na inaalala ang mga nangyari sa panaginip ...

"Kuya sumigaw ka ng Kalila kanina?sino yun?" tanong ni Anjo sa akin

"Wala anjo sige matulog kana" sabi ko sakanya

"Kuya anong matulog alas singko na ng umaga papasok narin ako" - Anjo

Umaga na pala noong magising ako,nag aalala ako kay Kalila na baka ano nang nangyari sa kanya,umaalingawngaw pa sa pandinig ko ang pagkakasigaw niya ng pangalan ko.Panaginip lang pala ang lahat,hindi totoo ang masasayang ginawa namin ni Kalila sa Park.

Kumain ako noon at nagbihis ng uniform para pumasok sa school,pero napag disisyonan ko ng huwag pumasok at pumunta na lamang sa sementeryo para magbakasaling makita ko si Kalila.

Sana nandoon siya ng ganon kaaga,sana makita ko si kalila para mawala ang pag aalala ko sa kanya.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon