(KALILA POV)
Nababaliw na nga talaga ang kambal ko na si KYLIE sa boyfriend niyang JOSHUA na yon kung alam lang niya kung ano ang kalokohan ang ginagawa ng lalaki na yon sa kambal ko.Isa pa,kelangan ko humanap pa ng ebidensya na niloloko lang siya ng Joshua na yon,hindi sapat na nakita ko lamang siya na may kahalikan na babae sa may kalayuang Mall sa amin.
Kung hindi naman pinaglalapit ng pagkakataon .....
Lumipas ang ilang linggo,pauwi na ako galing sa school noong makita ko nanaman si Joshua ang boyfriend ng kapatid kong si Kylie sa isang park na malapit sa school ....
Maya maya pa ....
Nakita nanaman ng dalawang mata ko ang pagtataksil niya sa kapatid kong si Kylie,katagpuan nanaman ang babaeng nakita ko na kasama niya din noong mga nagdaang araw at ang babaeng kahalikan niya ..
"Ang kapal talaga ng pagmumukha mo para lokohin ang kapatid ko,talino mo Joshua taga ibang school pa talaga para hindi ka mahuli ni Kylie humanda ka sakin ngayon sisiguraduhin ko na matatapos na ang pangloloko mo kay kylie!"
Hindi na ako nagpadalos dalos kaya agad kong pinicturan ang pagtataksil nila kay Kylie hindi ko lang basta pinicturan at vinideohan ko pa para siguradong hindi ako sasabit.
"Matatapos na ang pangloloko mo kay KYLIE!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng mga oras na iyon kaya agad akong patakbong lumapit sakanilang dalawa.Nagulat silang dalawa noong galit na galit akong lumapit sakanila
HOYYYYY JOSHUA !! MANLOLOKO KA !!!
MANLOLOKO KA !!!!
ONG sabi na eh ! mahuhuli tayo dito Joshua lets go na argg !! - medyong inis na sinabi ng babae
alam pala niya na may Girlfriend si Joshua pero nakipagrelasyon parin siya dito,napakasama talaga .Nagulat ako noong may mga sigawan sa paligid at noong may sumigaw ng pangalan ko ...
KALILAAAAAAAAAAAAAA !!!!!
KALILAAAAAAAAAAAAAA !!!!!
Narinig ko nalamang din ang malakas na pag busina ng sasakyan papalapit sa akin ......
BEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPP !!!!
BEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPP !!!
BOOOOOOOOMMMM ...
isang malakas na pag sabog at pag sigaw ng mga tao sa paligid ..
Anong nangyayare?bakit ganito ang nararamdaman ko hindi ako makagalaw ang puti ng paligid wala akong makita ... KYLIE tulungan moko ! tulungan moko ...
Pagkatapos ng liwanag na nakikita ko sa paligid ay biglang nabalutan na ito ng dilim ....