"WHEN I MET YOU"
CHAPTER 1
_____________________________
Sumakay na ako sa kotse at biglang nag ring ang cellphone ko,kanina pa pala natawag sa akin si Celine hindi ko manlang nasagot at naka ilang missed calls at text na rin siya sa akin.
BEEEEEEP !!!
BEEEEEEP !!!
BEEEEEEP !!!
"Hello babe,bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko ? kanina pa ako tawag ng tawag sayo ah ? ano bang nangyare ?" nag aalalang tanong sa akin ni Celine noong sinagot ko na ang kanyang tawag
"No babe okay lang ako,pinuntahan ko kasi si mama e alam mo naman ayaw ni mama ang maingay kaya ayun hindi ko nasagot mga tawag at text mo pasensya kana babe" sagot ko sakanya
"Ummm so galing ka pala kay tita dapat sinabi mo sakin para nasamahan kita,teka okay ka lang ba babe ? para kasing ang tamlay ng boses mo e ? may problema ba ?" -celine
"No babe medyo masakit lang siguro ang ulo ko,pasensya kana talaga" sagot ko
"Okay babe uminum ka agad ng gamot pag uwi mo ha?sige babe may gagawin pa ako i'll call you later ha ?I loveyou babe" paglalambing ni celine sa akin
"Iloveyou too babe" - angelo
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong napaisip,naalala ko nanaman si Kalila ang babaeng nakilala ko kanina sa sementeryo ang kanyang maamong mukha at nagpagaan ng loob ko habang inaalala si mama .
"Haaaay ano bato,bakit ba kanina pa ako wala sa sarili kakaisip ko ba sayo ano bang meron sayo" pagtatanong ko sa aking isip
at biglang ....
KUYA ANGELO !! KUYA ANGELO !!
Nagulantang na lamang ako noong biglang tinawag ako ng kapatid kong si ANJO
"Kuya bumaba kana jan kakain na tayo bilis nagugutom na ako" pangungulit ni anjo sa akin
"Oo eto na hintayin moko ha bababa narin ako sabay na tayo kumain" sagot ko sakanya
Kami na lamang ni ANJO ang magkasama sa buhay simula noong iniwan kami ng aming mama,wala narin kaming papa dahil ito ay may pamilya ng iba.Si auntie luisa na lamang ang nag aalaga sa aming dalawa kasama narin ang pinsan naming si Mark na anak niya sa pagkadalaga.
Masaya naman kami kahit ganito na ang buhay namin ngayon,pinagpapasalamat ko na nariyan ang aking kapatid at auntie luisa pati ang pinsan kong si Mark.
Habang kami ay kumakain ng hapunan....
"Kuya okay ka lang ? kanina kapa nakatulala jan ah ? is there any problem ?" natatawang tanong ni anjo sa akin
"ABA ! nakukuha mo pang mag english ngayon ha! kumain kana nga lang jan " natatawang sagot ko naman sakanya
"Nako wag mo na lang pansinin yang kapatid mo angelo oo nga kumain kana jan anjo" nakangiti namang sagot ni auntie Luisa habang pinapanood kaming dalawa ni anjo.
Napansin rin pala ng aking kapatid na wala ako sa sarili kanina pa,inaamin ko na naiisip ko ang babaeng nakita ko kanina sa sementeryo ewan ko ba kung anong meron sakanya bakit ganito ang tama niya sa akin,alam ko na mali ito dahil may Girlfriend ako at isa pa roon ay hindi ko pa siya nakikilala.
Maging sa aking pagtulog ay hindi siya mawala wala sa aking isipan kaya bumaba agad ako para uminom ng gatas para makatulog.
"Angelo,bakit hindi kapa natutulog?diba may pasok kapa bukas?" biglang salita ni auntie
"Auntie,gising pa pala kayo hindi po kasi ako makatulog e" sagot ko sakanya habang hinahalo ang gatas
"Hinihintay ko kasi ang pinsan mo,hindi pa nauwi eh mag aalas onse na ng gabi,teka may problema kaba anak?" - auntie
"Wala po auntie,matutulog narin po ako pagkatapos ko rito" sagot ko uli sakanya
"osige angelo huwag kana magpuyat at baka magkasakit kapa,binilin sa akin ng mama nyo na huwag ko kayong papabayaan" nakangiting sagot ni auntie luisa sa akin
Naisip ko nanaman si mama at namimiss ko siya noon ay ngumiti na lamang ako kay tita noong matapos kong inumin ang gatas.
"sige po auntie matutulog napo ako,goodnight!" sabay yakap ko sakanya
"Goodnight din anak!" sagot naman niya sa akin