NAKARAAN .

8 0 0
                                    

__________________________________

NAKARAAN ....

(KYLIE POV)

Masaya kami ni joshua sa aming relationship mahal na mahal ko siya at mahal na mahal niya rin ako,masasabi ko na bihira lang ang mga lalaking katulad niya iba kasi siya e lahat gagawin para sa mahal niya at hindi niya hahayaan na masira ito.

Marami ang naiinggit sa relasyon naming dalawa dahil sobrang sweet namin at lagi kaming masaya,hindi man nagkakaintindihan minsan ay nag kakaayos naman kami.

"O bakit hindi pa kayo magpakasal ni Joshua? total 3years narin naman kayo hahaha joke lang friend" Biro ng kaibigan kong si Steph

"Ano kaba bata pa kami no 1st year college pa lang kami tsaka ARAL muna no" sagot ko

"nakakainggit talaga kayo friend no?" - Steph

"haha bakit naman? kasi sweet siya ganon?" sagot ko

"kasi iba talaga siya friend as in push na push!" -Steph

"sira ka talaga friend tara na nga baka maiwan pa tayo ng sasakyan" sagot ko ulet

Natatawa na lamang ako sa mga biro ng mga kaibigan ko sa amin ni Joshua,lagi nilang sinasabi na magpakasal na raw kami,bata pa ako kaka 17 ko lang naman at siguro si Joshua ay 2 years ang tanda sa akin kaya inaasar na nila kami ng kung ano ano ...

Pag ka uwi ko sa bahay ay agad na tumambad sa akin ang aking kambal....

"alam mo masyado kang inlove jan sa boyfriend mo ano bayan katapusan naba ng mundo bukas at ganyan kayo ka sweet?" pagtataray ng kambal kong si Kalila

"ano bang pakialam mo kalila? masaya ako sa buhay  ko anuba ?" sagot ko

"masaya ka nga pano kung hindi naman talaga totoo yang mga sinasabi tsaka pinaparamdam niya sayo kylie?" - Kalila

"teka kalila ano bang problema mo ha? bakit ganyan ka makapgsalita sa kanya?" naiiritang sagot ko

"masyado ka kasing panatag e!hindi mo alam na baka niloloko ka lang ng joshua na yon!hindi maganda pakiramdam ko sa kanya kahit noong mga highschool pa lang tayo!" nagmamataas na sagot niya

"sabihin mo lang kalila naiingit ka lang sa akin kasi ako minamahal ng mga taong mahal ko e ikaw? WALA ni hindi ka nga pinansin ng crush mo e!" - Kylie

"kapal ng mukha mo magsalita ng ganyan kapatid kita!" bigla niya akong sinampal

Ginantihan ko rin siya ng sampal noong sinampal niya ako at nag away na kaming dalawa.Dumating si Lola Ella noong nag aaway kami at bigla niya kaming inawat

"Ano ba!hindi ba kayo titigil dalawa ha!" sigaw niya sa amin ni Kalila

"kayo na nga lang ang magkasama ngayon nag aaway pa kayong dalawa!ulila na kayo sa mga magulang niyo!ako na lamang ang nag aalaga sa inyo mag aaway pa kayo ha!tumigil kayong dalawa!puro kayo away!" sigaw ni lola ella

Nagkatinginan lamang kami ni Kalila noon at bigla siyang umalis ....

Kahit kelan talaga si Kalila lagi na lang kami nag aaway hindi niya bako Mahal? kapatid ko siya kambal kami pero bakit hindi siya masaya para sa akin ngayon?

Noong mga bata pa kami lagi kami nagkakasundo masaya kami kasama sina papa at mama pero noong simulang mawala sila sa amin nag ka ganito na kaming dalawa.

Sa lahat nga ng bagay magkatulad kami ni Kalila magkamukhang magkamukha kami nunal lamang ang naiiba sa amin, sa kanya ay banda sa ilalim ng kanyang mga mata at sa pisngi naman sa akin.Minsan nga ay nagkakamali ang mga kakilala namin sa amin maging ang mga kaibigan namin ay nalilito rin.

Mahal ko si Kalila pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganon na lamang ang galit niya kay Joshua.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon