(chapter IV po ng kwento sana magustuhan niya uli yung bagong chapter ng kuwento salamat :)
________________________
CHAPTER 4
Iniisip ko si Kalila habang nagdadrive ako pauwi sa amin,kaylan ko kaya uli siya makikita ? hindi naman pwede bukas dahil magiging busy ako sa school at isa pa nawawalan nako ng time kay celine.Hindi ko alam ang susunod kong gagawin para makita ko ulit si kalila.
Gabi na ng makauwi ako sa bahay,sinalubong naman ako ni auntie Luisa sa aming pintuan
"anak,kanina kapa hinihintay ni celine dito,bakit ngayon ka lang nakauwi?" tanong ni auntie luisa
"huh?oo nga pala naiwan ko ang cellphone ko" sagot ko
Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si celine sa aming sala,hinihintay niya nga talaga ako hindi rin ako nakapag paalam na pumunta ko kung saan at pinabilin ko na lamang sa kaibigan kong si Marcus na may pupuntahan akong importante.Nakita ko siyang tumingin sa akin at mukhang nag aalala
"ANGELO saan ka galing? bakit ngayon ka lang?" siryosong tanong niya sa akin
hindi ko naman nasagot ang tanong niya sa akin kaya nagsalita siya uli
"hindi ka man lang nagpaalam ? ay ! nag paalam ka nga pala kay marcus sinabi niya sa akin na may pupuntahan kang importante hindi ko kasi alam e kaya sorry" naiinis niyang sinabi sa akin
"BABE?" -angelo
"ano? mag eexplain ka saken ? alam ko naiwan mo ang cellphone mo kaya no need to explain na angelo! sige aalis na ako magpahinga kana jan " - naiinis parin niyang sabi sa akin
"babe wait please?" hinawakan ko ang braso niya pero pumiglas siya
"angelo,siguro pagod lang ako kakahintay sayo sige uuwi nako bye" - celine
Natahimik na lamang ako at hinayaan siyang umalis,hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinigilang umalis,nakatingin lang sa amin si auntie luisa at nagtaka sa mga nangyare.
Lumapit sa akin si auntie luisa at kinausap ako
"kapag okay na kayong dalawa saka kayo mag usap,halika angelo kumain kana muna" - alok sa akin ni auntie
"salamat po auntie" ngiti ko naman sakanya
Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sa akin na nagalit si Celine hindi tulad ng lagi kong ginagawa na sinusuyo ko siya para magkabati kami.Kumain na lamang ako dahil nagutom ako sa mga kuwentuhan namin ni Kalila.Eto iniisip ko nanaman siya ako kaya iniisip niya ngayon ?
Nawala ako sa pag iisip kay Kalila noong napansin ni auntie Luisa na nakangiti ako habang kumakain...
"anak mukhang masaya ka ah? nag away kayo ni celine pero ngiting ngiti kapa jan?" nagtatakang tanong ni auntie luisa sa akin
"wala po auntie may naalala lang" natawang sagot ko
"baka baliw na kaya ganyan" biglang sumingit ang kapatid kong si Anjo
"baliw na kung baliw! ah basta may naalala lang ako teka anjo kumain ka naba? - Angelo
"hindi pa nga kuya e gutom na nga ako e sasaby na ako sayo ha?" - Anjo
"sige sumabay kana sakin" - sagot ko
Nag sabay na kaming kumain ni Anjo at gutom na gutom talaga ako dahil hindi ako nakakain kanina noong magkausap kami ni Kalila sa sementeryo,ayaw ko kasi maistorbo kami kaya tiniis ko na lamang ang gutom.
Nagtataka sila kung bakit masaya ako kahit nag away kami ni Celine,hindi nila alam na ang dahilan nto ay si Kalila ang babaeng nakilala ko lamang kahapon.Wala na muna akong pakeelam sa away namin ni Celine ang mahalaga masaya ako ngayon dahil marami kaming napag usapan ni Kalila tungkol sa kanya at tungkol sa akin.
(KALILA POV)
Naglalakad ako sa park malapit sa bahay namin,malamig ang hangin at malapit narin kasi magpasko kaya siguro ganito ang simoy ng hangin.Eto nanaman bigla nanaman siyang sumagi sa isip ko si angelo,bakit ba kasi nakakaramdam ako ng pagkamiss sayo eto tuloy parang gusto uli kita makasama at makausap.Dalawang beses pa lang kita nakasama pero ganito na ang feelings ko sayo,siguro gusto ko lang ng bagong kaibigan kaya ganito ...
Pinanood ko na lamang ang mga tao sa park yung iba pauwi na,yung iba naman nagdedate kasama mga minamahal nila,marami rami pang mga tao noon dahil maliwanag ang buong park noon at marami pang mga nagtitinda ng mga pagkain at kung ano ano pa.
Naglalakad ako patawid dahil pauwi na ako ng bahay nang biglang may dumaan na malaking track sa kalsada .....
"Aaaaaaaaaaayyyyy !!!!! ." napasigaw ako at napaupo sa gilid ng kalsada
Noon ay dere deretso lang ang driver ng sasakyan hindi man lang inisip na may taong tatawid muntik na akong masagasaan at baka kung ano pang nangyari sakin ..
"Grabe yung driver na yun ah ! bulag ata hindi man lang napansin na tatawid ako ! eto namang mga tao dito parang wala lang muntik na nga akong masagaan eh kakainis ! HMF makauwi na nga lang !!!! arrrg " naiinis kong sabi habang papauwi na ng bahay