________________________
CHAPTER 3
Pagdating sa sementeryo ay kumakabog ng ang dibdib ko dahil kinakabahan ako sa mga mangyayari isa pa doon ay baka hindi ko makita si Kalila na baka hindi niya pupuntahan ang kaniyang mga magulang para dalawin.
Tumingin tingin ako sa paligid habang papalakad papunta sa puntod ng aking mama , tahimik ang paligid noon at dahan dahang naglalag lagan ang mga dahon sa mga puno.Nakakabingi ang katahimikan,noong papalapit na ako sa puntod ni mama ay naramdaman ko na parang may nakatingin,naisip ko na baka may tao sa paligid at may nakatingin sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip lumingon sa likuran laking gulat ko na lamang ng biglang makita ko ang babaeng nakilala ko kahapon lamang,ang babaeng nagpagaan ng loob ko habang inaalala ang aking mama,si Kalila nga ang babaeng ito.Nakangiti siya sa akin at ginantihan ko rin siya ng ngiti.
"KA... KALILA?" nauutal kong sabi sakanya
"O bakit parang nakakita ka ng multo,wag mo sabihin na kahit nasa sementeryo ka e multo agad ang tingin mo sakin?" natatawang sagot niya
"NO nagulat lang ako" sagot ko na may halong kaba
"o kamusta ? angelo diba ?" nakangiti niyang tanong sa akin
"oo tama ka tsaka okay lang din ako" nahihiyang sagot ko
"bakit nandito ka?" sabay naming tanong sa isa't isa
Sabay kaming nagtanong at natahimik sandali,nakakahiya nagsabay pa kami sa pagtatanong kaya nilakasan ko na lamang ang loob ko at tinanong ko siya ulit
"nagkasabay pa tayo kalila,nandito ako kase ano e" - angelo
Napatigil ako sandali .....
"hmmm teka anong kase ano?" nakangiti naman nyang sinabi
"kasi may nakalimutan akong sabihin kay mama kaya nandito ako ngayon" palusot ko namang sagot kay kalila kahit ang totoo ay nagbabakasali akong makita siya at makausap
"e ikaw bakit ka nandito ? wag mo sabihin na ganon din ang dahilan mo?" tanong ko naman sakanya
"hmmm hindi ah gusto ko lang kasi tumambay dito alam mo naman tahimik at maganda ang paligid dito hindi mo pa maiisip na sementeryo ang lugar nato " - Kalila
"oo nga e napakaganda dito,siya nga pala pasensya na kahapon ah?" - angelo
"saan?" - Kalila
"yung nakita mokong umiiyak" - angelo
"Nako wala yun no,lahat naman ng tao naiyak e kahit lalaki kapa,kaya no need to say pasensya" ngumiti naman siya sa akin
Nakatingin lamang ako sakanya,sa mukha niyang masaya at mukhang walang problema napakasarap niyang kausap nakakawala ng problema at pagod may magic ata siya e nagagawa niyang pawalain ang mga problemang nararamdaman ko.
"Kalila,pwede mo ba akong samahan ngayon dito ? wala kasi akong makausap e" sabi ko sakanya
"Sure walang problema wala rin naman akong gagawin e" sagot niya
Naglakad lakad kami sa sementeryo at nag usap,nagkakatinginan kapag may pagkakataon at nagtatawanan.Sinamantala ko narin ang pagkakataon para matanong ang marami pang bagay tungkol sakanya.
"Totoo ngang maganda dito ano ? hindi mo nga masasabing sementeryo dahil sa ganda ng paligid" - angelo
"Oo nga e,kaya alam mo pag may problema ako pumupunta ako dito nawawala kasi"- kalila
"hmmmm oo nga nakakawala nga ng problema kapag nandito" sabay tingin sa malayo
Napansin ko narin ang tinatago niyang kagandahan lalo na kapag ngumingiti siya,kakaiba talaga siya sa mga babaeng nakilala ko at parang siya lamang ang nakilala ko na may ganung katangian.
"Kalila,ilan taon kanaba ?" tanong ko
"18 na ako,halata ba? o mukhang matanda?" sabay tawa niya
"ano kaba hindi no mukha ka ngang 17 e" pabiro ko naman sakanya
"wow isang taon lang ang binaba ha ? ganon !? " - Kalila
"biro lang ano kaba" natatawa ko namang sinabi sakanya
Nagulat na lamang ako noong nagbiro ako sakanya,mukhang napapanatag na ata ako kasama siya parang hindi ako nahihiya,siguro sa tagal narin naming mag usap at napakabilis ng oras hapon na pala at kaylangan na rin naming maghiwalay.
"Angelo, hapon na ah? hindi ka paba uuwi ?" tanong niya sa akin
"Oo nga e,ikaw hindi ka paba uuwi ?" tanong ko
"sige mauna kana may dadaanan pa ako e,ingat ka and salamat sa time mo" - kalila
"o?gusto mo hatid na kita?" alok ko sakanya
"hindi salamat nalang angelo" sagot ni kalila
Hindi na ako nagpumilit noon kaya nagpasya na akong umuwi,noong palabas na ako ng entrance ng sementeryo ay bigla ko naisip na bumalik hihingiin ko sana ang cellphone number niya para makapag usap kami sa text o kaya sa tawag.
Pero nang bumalik ako sa huli naming tagpuan ni Kalila ay wala na siya,hindi ko man lang siya napansin sa daan siguro nagmamadali na siya o importante ang kanyang pupuntahan kaya nawala na lamang siya bigla.
