(Eto napo yung chapter 2 ng story sana magustuhan ninyo :D
____________________
CHAPTER 2
KINABUKASAN SA SCHOOL
ANGELO !!!
ANGELO !!!
Tinatawag pala ko ng bestfriend kong si MARCUS ...
"oy pre kamusta ? long time no see ha" bati sa akin ni marcus sabay tapik sa balikat ko
"okay lang pre ikaw kamusta?" sagot ko naman sakanya
"same okay lang din ako,nga pala iniinivite kita para sa exhibit next week,pwede kabang pumunta dun?" - Marcus
"Oo naman walang problema sakin yon teka kasama rin artworks ni Celine doon eh kaya sure na sure na makakapunta ako nextweek" nakangiti ko namang sagot sakanya
"Wow nice maganda nga yan tara pre may bagong bukas na fast food malapit dito sa school sabay na tayo kumain ng meryenda ililibre kita, marami din akong ikukwento sayo e" pagyayaya ni Marcus sa akin
"SURE" sagot ko
Simula Highschool ay magkaibigan na kami ni Marcus kami ang pinaka close sa aming magtotropa,parang kapatid narin ang turing ko sakanya dahil kapag may nagugustuhan kaming babae noon ay sinasabi ko sakanya at ganun rin siya.
SA FASTFOOD ....
Habang kumakain kami ay hindi ko narin napigilang ikwento sakanya ang nangyari sa sementeryo,dahil hindi ako matatahimik hangga't hindi ko sakanya nasasabi ang laman ng isip ko,siguro medyo wirdo pero hindi talaga ako mapanatag hangga't wala akong napagsasabihan.
"Marcus,may ikukwento sana ako sayo siguro mawiwirduhan ka o baka nga tawanan mo pa ako eh?" siryosong pagkakasabi ko sakanya
"Oh pre ano naman yan ? wag mo sabihing kababalaghan yan ha ?" natatawang sagot niya
"NO pre sayo ko nga unang masasabi to e at ayoko rin sabihin kay Celine baka pag awayan lanng namin" - angelo
Sinimulan ko ng ikwento sa kanya ang nangyari sa sementeryo kahapon at nakinig naman siya habang kumakain ng burger at biglang ...
"Pre baka naawa lang siya sayo kaya ka nilapitan?" biglang niyang reaksyon sa sinabi ko
"siguro nga Marcus,pero iba talaga pakiramdam ko e napagaan niya yung nararamdaman kong lungkot basta pare iba talaga eh parang may something sakanya" - sagot ko
"Nako pare iba nayan ha ? baka naman nainlove ka agad sa babae e hindi mo pa nga nakikilala" bigla niyang sagot
Natahimik ako at tinuloy nalang ang pagkain ko,nakatingin lang ako kay marcus at napapaisip sa sinabi niya.
Nakapag disisyon nako,baka makita ko ulit si kalila sa sementeryo,baka bibisitahin niya uli yung mga magulang niyang namatay makakausap ko na siya para makilala ko pa siya.Malalaman ko narin ang tungkol sakanya.
Hindi ko pa nauubos ang pagkain ko ay nagpaalam na ako sakanya nagtaka naman siya noon at kinausap ko.
"Pre aalis muna ko ha ? kapag nakita mo si Celine pakisabi sa kanya na may pupuntahan lang ako naiwan ko kasi yung cellphone ko sa bahay e pwede ba?" pakiusap ko kay marcus
"No problem pre mukhang importante naman yang pupuntahan mo e, o baka pupunta ka nanaman ng sementeryo?" patawang sabi niya
"Hindi pare school related to" siryosong sagot ko
"Joke lang Angelo,sige sasabihin ko kay celine teka hindi mo naba uubusin tong pagkain mo?sayang naman oh" sagot niya
"Hindi na pre,importante lang talaga e pasensya na kita nalang tayo sa school bukas ingat" nagmamadaling sagot ko
Hindi na ako nagpadalos dalos,agad na akong pumunta sa sementeryo at baka sakaling makita ko si Kalila at sa wakas makakausap ko na siya at malalaman ko na ang marami pang tungkol sakanya.