JEMA
Masasabi kong masaya at kuntento ako sa buhay na meron ako.
May dalawa akong ate at isang kapatid. Hindi kami madalas mag away dahil ang turo sa amin ng aming mga magulang ay magkakapatid kami at wala nang magkakampihan sa panahon ng gipitan.
Namatay na ang isang ate ko kung kaya tatlo na lamang kami sa bahay. Ang mommy ko ay isang guro sa isang pampublikong paaralan na nagtuturo ng mga batang nasa Elementarya samantalang ang daddy ko naman ay isang police at kung saan saan nadidestino.
Maganda ang aking karanasan sa pagkabata dahil punong puno kaming magkakapatid sa pagmamahal ng aming mga magulang.
Hindi kami mayaman o mahirap, masasabi kong tama lang. Kumbaga, sapat lang ang lahat sa amin.
Isang araw ay ibinalita sa akin ni Daddy na lilipat na raw kami sa Quezon City para doon na manirahan pang habang buhay dahil doon na rin daw sya nadesitino at may naipundar na syang bahay at lupa doon.
Umaga ng Lunes ngayon at kasalukuyan akong nakikipag usap sa aking bagong professor sa Ateneo.
"Halika na Ms. Galanza, magpakilala ka na rin at sabihin mo ang dahilan bakit dito ka na nag aaral." paliwanag sa atin ng guro ko sa isang asignatura.
Ilang sandali pa ay pumasok kami sa isang silid at parang kumbento ito sa sobrang tahimik dahil sa pag dating namin. Tinanguan ako ng guro na tila ba sumenyas na sa aking magsimula na akong magpakilala.
Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa aking mga kamag aral.
May isang pares na mga mata akong natitigan at para bang napaka daming kwento ang nais na sabihin ng mga matang iyon, nagawa nitong pakalmahin ang sistema ko at alisin ang kabang nararamdaman ko.
"Hi I'm Jema Galanza, I came from Adamson University but my family decided to live here in Quezon City so I needed to transfer in Ateneo. Nice to meet you all." naka ngiting bati ko sa kanila-o sa kanya lang, sa babaeng natitigan ko.
"You may now take your seat Ms. Jema." pagpapa alala sa akin ng guro namin.
Bakante ang hilera ng mga upuan sa babaeng natitigan ko kaya nagpasya akong maglakas loob na doon na lamang umupo
"Hi, can I seat beside you?" pagpapa alam ko rito
Tumango naman ito bilang sagot.
"Thank you. Ako nga pala si Jema Galanza and you are?" pag uusisa ko dito at inilahad ang kamay ko sa kanya
tinitigan nya muna ito pero agad din nya itong inabot at nakipag kamay sa akin "Deanna Wong" tipid na sagot nito
Sa sandaling naglapat ang aming mga kamay ay nakaramdam ako ng kuryente sa aking sistema kung kaya't nauna na akong magbawi ng kamay.
Napansin kong napayuko sya sa ginawa ko kaya nakonsensya naman ako at agad na nilapit ko ang mukha ko sa kanya "Sorry. Nabigla lang ako." paliwanag ko
Matipid syang ngumiti at saka tinuon na lamang ang kanyang atensyon sa aming klase.
Isang oras na ang lumipas at tila ba hindi man lang sya gumagalaw.
"Okay class, I just want to remind each and every one of you na yang inuupuan nyo ngayon will be your permanent seats that's all. Class dismissed." pagpapa alala nya sa amin bago lumabas ng silid.
Lahat ay nagtatayuan na dahil lunch break syempre kasama ang mga barkada nila.
Napansin kong sa likod dumaan ang seatmeat ko kaya nagmamadali akong nagligpit ng gamit ko at saka sumunod.
Nagtataka ako dahil ang direksyon nya ay hindi sa Cafeteria bagkus ay sa CR?
Hinigit ko sya bago kami makapasok sa CR. "Uh? Hello! Jema nga pala baka nakalimutan mo. May kasama ka bang kumain? pwede bang sabay na lang tayo?" Dire diretsyo kong tanong
Bakas sa mukha nya ang pagka gulat sa mga narinig nya pero hindi ko iyon pinansin.
Umiling naman sya kaya napa tango na lang ako.
"So pwede ba ako nalang ang kasabay mo kumain?" tanong ko pa muli
"S-sigurado ka ba?" kinakabahang tanong nya kaya napakunot ang noo ko
"Bakit naman hindi? Bawal ba akong makisabay sayo?" tanong ko pa
Naging sunod sunod ang pag iling iling nya sa akin kaya ngumiti ako at agad syang hinatak papunta sa cafeteria
Ramdam ko ang panginginig ng kamay nya at pagpapawis nya ng malala.
Nang makakita ako ng upuan ay inalalayan ko syang umupo "Hey, you okay?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot bagkus, naka tingin sya na para bang gusto nyang lumayo sa mga tao at konti na lang ay iiyak na sya
Nabigla ako sa nakita ko sa kanyang mga mata kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at nayakap ko sya.
Sa hindi maipaliwanag na rason ay naramdaman ko ang pagbalik sa normal na tibok ng puso nya at nawala na rin ang panginginig nya
"Anong gusto mong kainin? Ililibre kita kasi ako naman ang nag aya." naka ngiti kong sabi aa kanya
"Uhm, ano, pwede ba akong sumama sayo bumili ng pagkain? Yung mga gamit natin safe naman dito." kinakabahang paalam nya
"Bakit hindi? basta ah! libre ko to." nasilayan ko ang ngiti nya sa unang pagkakataon nang matapos kong sabihin iyon
Niyakap nya ako at nagpasalamat pa dahil hindi ko raw sya tinanggihan.
Nang makabili na kami ng kakainin namin ay agad kaming bumalik sa pwesto namin at saka nagsimula nang kumain.
"Pwede bang magtanong, kung hindi mo naman mamasamain?" Bahagya akong ngumiti sa kanya
Dahan dahan naman syang tumango pagkatapos nya akong tignan ng mahigit sampung segundo.
"Bakit pupunta ka kanina sa banyo?" nagtataka kong tanong at saka kumagat sa sandwich na binili ko
Napansin kong natigilan sya sa tanong ko ngunit pinilit na ngumiti "Syempre magbabanyo ako." paliwanag nya
May parte sa akin na ayaw syang paniwalaan dahil para bang hindi iyon ang sinasabi ng kanyang mga mata.
Pero tumango na lang ako. "Pwede isa pa?" tanong ko ulit
Dahil hindi naman talaga sya palasalita ay tango na naman ang isinukli nya sa akin
"Bakit ano, wala kang kasabay kumain? I mean, ano kasi diba halos isang buwan na simula nung nagsimula yung klase dito tapos parang wala kang ka close, alam mo na?"Kahit papaano ay sinubukan ko namang pumili ng mga salitang gagamitin ko para hindi sya masaktan pero kahit na ganun ang sinabi ko, nang tignan nya ako ay ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya
"It's because, I know I'm different from them." Malungkot na saad nya na mas nakapagpatibay pa sa nararamdaman kong kilalanin pa sya ng mabuti.
BINABASA MO ANG
INDENTED (GaWong) EDITING
FanfictionDeanna Wong is suffering Clinically Depression, Post Traumatic Stress Disorder and Anxiety because of what she had experience from her dark past. She doesn't trust anyone but what if she meet Jema Galanza-who is very happy with her life. Would ever...