JEMA
tulala kaming lumabas ng pintong iyon matapos ang pag uusap namin ng kanyang mga doktor.
Tahimik lang kaming pareho pero ramdam ko ang lungkot na bumabalot sa pagitan naming dalawa.
"I'm sorry, Jema." rinig kong bulong nya sa akin, ramdam ko ang papalapit na pag daloy ng kanyang mga luha kung kayat minabuti kong yakapin na lang sya
"Deanns, not your fault okay? I may not know your story but I am certain that you're not at fault. Hey, cheer up! I am here, we are here." sinubukan kong ngumiti pero naramdaman ko pa rin ang pagdaloy ng mga luhang ngayon lang pumatak dahil sa kalungkutan.
Ni minsan hindi ako lumuha dahil malungkot ako at ito ang unang pagkakataon na umiyak ako dahil sobrang lungkot.
Pero dahil ayaw kong maramdaman nyang naaawa ako sa kanya ay bago pa iyon pumatak ay niyakap ko na sya.
Umuwi akong malungkot at agad na napuna iyon ng aking mga magulang.
"Anak, hija, halika. Usap tayo." naka ngiting bungad sa akin ni Mama at saka ako niyakap.
At sa kauna-unahang pagkakataon ay lumuha akong parang isang musmos na naagawan ng tsokolate.
"Ma-ma, ma, ang sakit dito oh." naging sunod sunod ang pagpalo ko sa aking dibdib na animo'y isa itong tambol.
Hinagod hagod lang ni Mama ang likod ko para kumalma ako at nang nagawa ko nga, dinala nya ako sa kung saan nakalibing ang aking ate.
Nagsindi kami ng kandila sa harap ng kanyang lapida at nag alay ng kaunting dasal
"Alam mo ba anak, noong namatay itong si ate mo, ang akala mo natutulog lang siya. Sabi mo nga noon nung kakain na tayo ay Ate, tayo ka na. Hindi ka po ba kakain? O baka po mas gusto mo matulog? Babalikan ka po namin mamaya nina Mama, ha? Mauuna na po kami. Pero noong huling gabi nya at nakita mo kaming humahagulgol, umiyak ka din at pilit syang ginigising. Eventually, nakatulog ka agad dahil sa pagod mo kakaiyak." Sandaling napatawa si Mama dahil sa mga kinukwento nya.
Napatingin naman ako sa imahe ng aking ate sa kanyang lapida.
Ganun ba ako kainosente para hindi malamang hindi tulog si ate at pang habang buhay ko nang hindi masisilayan ang mga ngiti at halakhak nya?
"Umaga at nagsimula na ang pamamaalam natin sa kanya, noong sandaling binuksan ang kanyang kabaong eh hinalikan mo pa sya sabi mo Ate, mahal ka po namin nina Mama at Papa. Sana ate gabayan mo po kami at wag mo kaming hahayaang maging malungkot. And right at that moment, nasaksihan ko ang mga luha sa mga mata ng ate mo. Tinupad naman nya hindi ba? Hindi nya tayo hinayaang malungkot pero anak, bakit? bakit ka umiiyak? bakit ka nasasaktan? May nagawa ba kaming mali? O nasabi? May hindi ka ba gusto?" naging sunod sunod ang pag tanong ni Mama at ganun din ang mga luha kong akala ko ubos na.
"Mama, natatandaan nyo naman po yung kaklase kong babae di ba?" pinunasan ni Mama ang pisngi ko kahit pa patuloy ang pag luha ko.
Ngumiti lamang ito at tumango na nagsasabing ituloy ko.
"Nagpunta po kami kanina sa mga doktor nya. Mama, ang bigat po sa loob ko yung mga nalaman ko." mabilis ang naging pag taas baba ng aking balikat- hudyat na mas lalo akong umiiyak pero kalmado lang si Mama at hinawakan lang ang aking mga kamay.
Flashback
"Deanna is basically our patient since she's 13 years old. She was diagnosed with Anxiety, Clinically Depression and Post traumatic Disorder" panimula ng psychiatrist nya.
BINABASA MO ANG
INDENTED (GaWong) EDITING
FanfictionDeanna Wong is suffering Clinically Depression, Post Traumatic Stress Disorder and Anxiety because of what she had experience from her dark past. She doesn't trust anyone but what if she meet Jema Galanza-who is very happy with her life. Would ever...