JEMA
Matapos ang insidenteng iyon ay hinila ni Ria si Deanna papunta sa kwarto ko.
Syempre sumunod naman ako. “Hoy Ria Lo, tinatakot mo si Boss D.” Inis na singhal ko rito.
Napatingin ako kay Deanna na naka yuko kaya hinila ko sya papunta sa kama ko at saka ako tumabi sa kanya. Ipinulupot ko ang isang kamay ko sa bewang niya.
“So Marga, when did you become so possessive and territorial?” nakangising tanong ni Ria sa akin na ikinapula ng pisngi ko at ng kay Deanna
Pinanlakihan ko sya ng mga mata para malaman nyang lalong hindi na komportable si Deanna sa pinag sasasabi nya.
“Oh— by the way hi, I'm Ria Lo. How about you? I mean please introduce your self and make your self at home.” nakangiting baling ni Ria kay Deanna
Nakita ko kung paano kabahan si Deanna kaya pinisil ko ang bewang nya at ngumiti
“I-I'm Deanna Wong.” tipid na sagot ni Deanna kaya para hindi na mang intriga si Ria ay nagsalita na ako
“So bakit naparito ka, Boss D?” nakangiti kong tanong sa kanya.
“Uhm— ano, a-aayain sana kita na ano, lumabas?” nag aalinlangan nyang sabi, tila hindi sya sigurado sa mga binitawan nyang salita.
Nabigla kaming pareho nang lumapit sa amin si Ria at niyakap si Deanna “We're here for you, you can all trust us here.” bakas sa boses nito ang lungkot kaya nabigla talaga ako
DEANNA
Nang sandali akong yakapin ng kaibigan nya ay napakaraming alaala ang pumasok sa aking isipan.
Disyembre na ngayon at napadpad ako sa kwarto ng aking mga magulang.
Naglalaro akong mag isa doon nang humangin ng napakalakas at nalaglag ang isang sobre na naka lagay sa gilid ng kama
Hinangin ito sa ilalim ng kama kung kaya agad ko itong kinuha.
Binaliktad ko ang sobre at nabasa ko ang mga nakasulat doon
Liham para sa aking magiging anak.
Isinulat Disyembre 30, 1989
Dahil talaga gusto kong mabasa ang laman ng sobreng iyon ay agad ko itong binuksan. May isang CD pa itong kalakip.
BINABASA MO ANG
INDENTED (GaWong) EDITING
FanfictionDeanna Wong is suffering Clinically Depression, Post Traumatic Stress Disorder and Anxiety because of what she had experience from her dark past. She doesn't trust anyone but what if she meet Jema Galanza-who is very happy with her life. Would ever...