JEMA
Nagdaan pa ang ilang araw simula nang maramdaman ko ang mga linya sa pulso ni Deanna at patuloy pa rin ako sa pagsunod sunod sa kanya.
Alam ko namang naiinis siya dahil katulad nga ng sinabi ko eh para syang may allergy sa mga tao.
Oras na ng pagkain ngayon pero nasa banyo na naman si Deanna kung kaya minabuti kong sumunod sa kanya.
Narinig ko ang mumunting hikbi nya dahil isang hindi makapal na pinto lang ang pagitan namin.
Kinatok ko siya at sumandal doon
“Uhm— Deanna. Nandito lang ako para makinig kung may gusto kang sabihin. You know I'm a good ear.” kahit hindi nya nakikita ay ngumiti ako
Wala man akong narinig na sagot ay masaya ako dahil naririnig ko ang pagpunas nya ng kanyang mga luha.
Sa totoo lang, sa tuwing titignan ko ang mga mata nya ay para akong nalulunod.
Walang emosyon ang mukha nya palagi ngunit may hindi ako malaman sa mga mata nya, napakaraming sinasabi nun pero ni isa ay wala akong maintindihan.
Kaya din siguro mas gusto ko syang alagaan. Mas gusto ko syang yakapin at halikan sa noo pero alam kong hindi pa iyon ang tamang panahon.
Hindi man nya sabihin ay alam kong napakalagki ng rason nya para iwasan lahat ng tao.
Nabigla ako ng naitulak ako. Bumukas na pala ang pinto.
“S-sorry.” naka yuko nyang sabi habang ang dalawang kamay nya ay magkahawak. Napangiti tuloy ako.
“Okay lang. Kain tayo gusto mo?” pag aaya ko.
Varsity kasi ng basketball team si Luigi kaya kahit gustuhin nyang samahan si Deanna palagi ay hindi naman nya magawa.
Nangako naman ako sa kanya na babantayan ko ang bestfriend nya eh.
“J-Jessica? H-hindi ka ba ano, na-hihiya sa tuwing alam mo na?” nanatili itong nakayuko kaya umayos ako ng tayo at saka inangat ang mukha nya
Sandaling nagtama ang mga mata namin na naging dahilan ng pag tibok ng puso ko. Abnormal!
Agad syang nag iwas dahil nahihiya siguro sya, at nararamdaman ko ang panginginig nya nang hawakan ko sya pero bagkus na bitawan sya ay hinigpitan ko ang kapit ko sa mga kamay nya
“Bakit? bakit naman ako mahihiyang kasama ka? Hello, kasama ko lang naman ang Valedictorian nung highschool at Dean's lister ngayon. Possible candidate for Magna Cum Laude. So bakit ako mahihiya, hmm?” naka ngiting tanong ko sa kanya.
“A-ano kasi J-Jessica, pinag bubulungan kasi n-ila tayo.” at muli na naman syang tumungo.
Hindi ko napigil kaya nahalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo
“Wala akong pake. Hayaan mo lahat ng bubuyog. Maganda daw kasi ang kasama ko kaya ganyan! Hahahaha halika na?” biniro ko sya ng kaunti kaya medyo ngumiti na siya
Konti pa Deanna, masilayan ko sana ang totoong ngiti na meron ka.
Nakayakap ako sa kanyang bewang habang bumibili kami ng pagkain at sa tuwing may mga nagbubulungan ay nililingon ko lang ang mga ito at tataasan ng kilay para magsitigil.
BINABASA MO ANG
INDENTED (GaWong) EDITING
FanfictionDeanna Wong is suffering Clinically Depression, Post Traumatic Stress Disorder and Anxiety because of what she had experience from her dark past. She doesn't trust anyone but what if she meet Jema Galanza-who is very happy with her life. Would ever...