22

6.3K 132 2
                                    

DEANNA

Mahal ko siya, mahal niya ako pero alam kong hindi kami pwede.

Napaka kumplikado ng buhay ko at napakaayos ng buhay niya, hindi pwedeng pati buhay nya madamay sa buhay na meron ako.

Masaya sya bago ako dumating at ayoko nang tanggalin ang kasiyahan niya dahil sa akin.

Sa mga oras na tinanong nya ako kung pwede ko ba siyang pagkatiwalaan sa sarili ko ay gusto kong sumigaw ng oo ngunit iba ang isinigaw ng aking bibig.

Tama na ako ang naghihirap. Ayokong madamay pa ang iba. Lalo na ang mga mahal ko.

Matagal ko nang tinanggap na kailangan mabuhay ako mag isa, malayo sa lahat ng tao. Dahil kung hindi, pati sila masasaktan.

Ang bituing hinahangaan at tinitingala ng mahal ko ay isang basura pala.

Wala na syang dapat pang malaman tungkol sa akin. May mga bagay talaga sigurong mas magandang iwanan sa kung anong ayos nito bago ka pa dumating.

Deanns.” nilingon ko ito at nakita kong si Luigi ang dumating

Niyakap nya ako ng napaka higpit, “hmm? I'm listening since we're 14” pabiro nyang sabi kaya bahagya ko itong hinampas

“J-Jema confessed her feelings.” malungkot kong sabi dito

Naramdaman ko ang pagka bigla nya ngunit nang marehistro sa kanyang isipan ang sinabi ko ay nagsalita ito.

“Please be honest with me, do you like her?” diretsyong tanong nito sa akin at iginaya akong maupo sa likod ng kanyang pick up.

“N-no.” tipid kong sabi sa kanya

“I-I, I love her. I know it sounds so fast but I r-really do.” umiiyak na ako sa harap ng taong hindi nagsasawang pakinggan ako at ang mga hinanakit ko sa buhay at sitwasyong meron ako.

Ngumiti naman sya ng tipid sa akin “If you do, why did you ran away? Why dont you take the risk? Why did you chose to left her? Why, Deanna? Whats stopping you to love someone you really love?” sunod sunod ang mga tanong nya kung kaya naging sunod sunod ang pag iling ng aking ulo.

“Ayokong ganito kami. Luigi you know how complicated my life is. Alam mong ayokong madamay ang kahit na sino sa inyong dalawa. Natatakot ako sa mga posibilidad na baka masaktan ko lang sya ng paulit ulit pag nalaman na nya lahat o baka mandiri na sya sa akin at kahit kailan ay hindi na nya ako kausapin pang muli.” ipinahid ko ang luha ko.

“You're limiting yourself. Ang labas, ikaw mismo ang nag stop sa sarili mong sumaya. She's a good catch you know? I can feel that she's sincere. Mahal ka nung tao. Why dont you give it a try? Look, I know its hard but nobody said its a sin to try. Who knows? maybe she will be the reason why para malabasan mo yung sitwasyong meron ka.” paliwanag nito sa akin

“I'm sorry kung hindi bukas ang isip ko sa iba, alam mo naman diba? At kahit nga gustuhin ko hindi pwede. Paano kung isang araw mapatay ko na ang sarili ko? Paano sya? Paano na lang lahat ng expectations nya sa akin? It would be a selfish decision to make her stay tapos ako I dont even have the will to live my life anymore.” Paliwanag ko namang muli.

“Naiintindihan ko pero if you found yourself na gusto mo na o kaya mo ng subukan please tell me para babawi tayo kay Jessica.” Ngumiti ito sa akin at saka pinunasan ang pisngi ko

“Wag ka na ngang umiyak. Hindi na bagay sa isang binibining tulad mo!” pabirong sabi nya at saka ako niyakap na para bang wala nang bukas

“May ibibigay ako sayo.” biglang sabi nya na nagpakunot sa noo ko.

“Igi ah! Pag yan ano, lagot ka sa akin.” pagbabanta ko.

Minsan na nya akong pinagtripan na nagpa iyak sa akin.

“Hindi ah! Teka kunin ko sa harap. Dito ka lang ah!” masayang sabi nito at saka umalis sa pagkaka upo nito.

Nang makabalik sya ay may hawak syang kahon.

Iniabot nya sa akin iyon at saka umupong muli sa tabi ko.

“Ano to?” naguguluhang tanong ko

Tumawa naman sya at saka ako pinisil sa ilong “Aba buksan mo nang malaman mo!” natatawang sabi nya kaya binuksan ko ito.

At halos mapalundag na ako sa sobrang tuwa nang makita ko kung ano ang laman ng kahong iyon.

“Notebook, Planner, unlined papers, journal and pens. Bakit?” tanong ko dito

Ngumiti sya sa akin

“Alam ko namang gustong gusto mong magsulat. Alam mo bang writer si Jema? At noong high school days nya ay nag aral sya sa isang regional science high? Yep, she's that smart.” paliwanag nya sa akin

Napangiti ako. Marami pa akong mga bagay na hindi alam kay Jema.

At kung mabubuhay man akong muli, sana hindi na sa ganitong sitwasyon na kailangan ko pang iwaksi ang nararamdaman ko para sa kanya.

May iniabot pang muli sa akin si Luigi.

“Mga gawa yan ni Jema.” maiksing saad nya

[A/N: beginner pa lang yung taong nagsulat nyan nung mga panahong binigay nya sa akin yan. Ngayon ang galing galing na nya. One time nga, binigyan nya ako ng bond paper tapos ibat ibang design ng pangalan ko. Punong puno yun and I treasured it. Kaya wag nyo din sanang kunin yung picture ng walang credits (JALM)  thank you!]

Napangiti ako sa nakita ko. Tulad ko, hilig din pala nya ang pagandahin ang bawat letra sa alpabeto.

“Hmm? naisip mo na bang bagay nga talaga kayo dahil kahit may mga pagkakaiba kayo ay mas marami kayong pagkakapareho?” mapanuksong ngiti ang ibinigay nya sa akin kaya napailing na lamang ako.

Hindi ko maitatangging naisip ko nga yun. Pero nawala lahat ng tuwa sa aking katawan nang maalala ko ang kalagayang meron ako.

Mahal na mahal ko sya kaya kahit anong mangyari ay gusto ko syang maging masaya kahit pa wala ako. Mahal na mahal ko sya kaya kahit masakit na saktan ko sya ay mas gusto ko iyon kaysa pagsisihan nyang minsan sa buhay nya ay sumugal sya sa isang katulad ko.

Ang bituing akala nyang nagniningning ay syang basurang tinatapon na ng lahat.

[A/N: faaam I'll be busy na :( back to reality hays. Ily all]

INDENTED (GaWong) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon