25

6K 146 9
                                    

JEMA


Tumakbo ako dahil naduwag akong malaman nya kung anong mali.

Natatakot akong pati ako ay makabigat sa nararamdaman nya



Gustong gusto kong sabihin sa kanyang “Walang makakapagpabago sa nararamdaman ko para sayo. Minahal kita kahit pa isa kang estranghero sa akin. Minamahal at patuloy kitang mamahalin kahit ano pang nalaman ko ngayon. You just proved that you are indeed my light in this world full of darkness.Pero natakot ako nang naramdaman kong sobra na ang emosyong nasa puso ko.

Natakot ako na baka hindi ako umabot bukas at sa mga susunod pang araw.


Natakot akong mawala ako ngayon. Hindi ko pa kaya, mahal na mahal ko sya. At ngayon pa ba kung kailan nalaman kong kailangan nga nya ng taong magmamahal at poprotekta sa kanya?

Hindi ko na hahayaang mag isa pa sya, aayusin ko kung ano man ang gulong ginawa ko. Lahat ng puwang na nararamdaman nya ay aking pupunuin ng bawat parte ng aking puso.




Pero hindi ngayon, hindi ngayon na pati ako ay nanghihina. Hindi ngayon na ultimo katawan ko ay bumibigay na.




Agad kong tinawagan si Luigi para sunduin si Deanna, ipinaliwanag ko na sa kanya ang kondisyong meron ako kaya naiintindihan nya.



Napadpad na lamang ako sa isang Simbahan.



Sa dulong pwesto ay lumuhod ako at tumingala sa itaas, hindi sa rebulto kung hindi mismo sa itaas.



Lord, God, hihingi po sana ako ng isang milagro. Kahit isang taon lang, ibigay nyo sa akin ito. Ibigay nyo po ang panahong iyon upang maihanda ko sya sa bawat pagsubok na muli nyong ibibigay sa kanya. Alam ko pong hindi kayo madamot kaya umaasa po akong mapagbibigyan nyo ang hiling ko Lord, God, bigyan nyo po ako ng sapat na lakas upang makayanan kong iwan sya sa tinakda nyong panahon. Lord, God, ipinagpapasalamat kong ibinigay nyo ang buhay na ito sa akin. At kung mauulit man ito, wala akong gustong baguhin. Bawal detalye ng aming kwento ay bahagi ng kasaysayan ng tahimik naming pag irog sa isa't isa.

Dumilat ako at tila ba sumilay ang liwanag, konti lamang iyon dahil sarado nga ang pinaka pintuan ng simbahan.

[A/N: Look at the media po, recently ko lang nakuhanan yan. Inside my room yata closed ang bintana nyan and it's 2-3 in the afternoon kaya ang cute.]

Tumayo ako at lumabas na sa gilid ng simbahan kung saan ako pumasok kanina.



Umuwi ako ng bahay at sinalubong ako ng aking mga magulang.




Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko habang nasa mga bisig nila ako.

Hindi nagtagal ay ipinanhik na nila ako sa kwarto at nagsimula na akong magsalaysay ng mga nangyari.

“Ma, Pa, Deanna is a rape victim. Simula noon hanggang ngayon, the suspects are her own tito and cousin. No one believed her. Hindi lang iyon, she's abused by her own flesh—her dad is beating her up everytime. No one believed her, she have no one by her side.” Huminga ako nang malalim dahil naninikip na naman ang aking dibdib.

“She's also a victim of bullying. All these time she kept her mouth shut dahil wala na sa kanya ang mga nangyayari. Walang wala na sya.” at doon bumagsak na ang mga luhang pinigil ko na kanina.

Niyakap nila ako. Nag bigay ng suhestyon ang aking tatay dahil isa syang pulis ngunit minabuti kong huwag pumayag dahil alam kong ayaw din ni Deanna na palakihin pa ang lahat.

Batid kong mas mahihirapan sya kapag nagkaroon na ng paglilitis ng kaso dahil kailangan nyang alalahanin ang bawat detalye ng mga masasamang alala simula sa kanyang pagkabata.


At isa pa, alam kong ipinagpapasa Diyos na lamang nya ang lahat. Napakabuting tao nya kaya alam ko na ganun ang ginagawa nito.



——

Kinaumagahan ay agad akong nagtungo sa kanilang bahay. Sinundo ko sya doon upang magsabay kami sa pagpasok.


Gulat na gulat ang kanyang mukha nang makita ako doon.


Ngunit tahimik syang sumama sa akin. Tulad nung mga nakaraang punta ko ay matalim pa rin akong tinignan ng mag amang naka dungaw sa amin.



Pero sinuklian ko iyon ng matalim na titig.


Nang makasakay kami sa sasakyan ko ay nagsalita ako. “Deanna, about yesterday... ” pinutol nya ang pagsasalita ko kaya inihinto ko ang sasakyan.

“What are you doing? We'll be late. And about that? I know, you'll call it off. It's okay, let's not talk about it. Let's just pretend that it never happened.” seryosong sabi nito at nag iwas ng tingin.


Tinanggal ko ang seat belt ko saka lumapit sa kanya. Ipinagdikit ko ang mga noo namin matapos kong iharap ang kanyang mukha sa akin.

“Deanna, mahal kita. I'll be very honest with you, my love for you changed.” nakapikit kong bulong sa kanya

Ramdam na ramdam ko ang hininga nya, isama na ang mga luhang umaagos mula sa kanyang napaka misteryosong mata.

“Mas lalo kong napatunayang mahal na mahal na mahal na mahal kita. Mahal kita simula dito.” nakangiting sabi ko at saka pinunasan ang mga luha nya paalis.

[A/N: tandaan nyo yang naka bold and italicized sentence ha!]

Narinig ko ang paghagulgol nya kaya niyakap ko sya ng napaka higpit. “Hindi mo kailangang mag isa, nandito ako. Sasamahan kita kahit na tumigil na ang oras sa pag galaw ng mga kamay nito, kahit na tumigil na ang pag kumpas ng bawat alon sa dagat, kahit na tumigil na ang pagliwanag ng araw sa kalangitan. At kahit na tumigil na ang pagtibok ng puso ko ay patuloy kitang sasamahan at mamahalin.” umiiyak akong nagsasalita habang hinahaplos ang kanyang mukha

“Deanna wag mong isiping tinatanggalan kita ng karapatan pero parang ganun na nga. Tinatanggalan kita ng karapatang humindi sa pagmamahal na dapat matagal mo nang naranasan. Tinatanggalan kita ng karapatang ibaba ang sarili mo dahil pinaparamdam sayo ng ibang tao na hindi ka para sa kahit na sinong mahal mo. Ngunit, tinatanggap ko bawat pangyayari, karanasan, kamalian at hindi kagandahan sayo at sa buhay mo kasi Deanna, mahal kita at wala akong angal sa mga nangyari. May pake ako doon sa mga iyon pero mas may pake ako sa nangyayari ngayon.” nakangiti kong sabi

bb, (baby pala to lol)  pwede naman akong magsalita diba?” tanong nito sa akin


Tumango ako sa kanya at nanatili kami sa ganoong posisyon. Magkadikit ang aming mga noo.


Mahal din kita. Hindi, hindi kita mahal dahil mahal mo ako. Mahal kita dahil mahal kita.” Nang marinig ko iyon ay hindi ko napigilan at naglapat ang aming mga labi.

INDENTED (GaWong) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon