JEMA
Ilang araw ang nagdaan magmula nang hindi ko sadyang pag amin kay Deanna
Sa tuwing pakiramdam ko ay gusto nyang lumapit ako na din ang kusang lumalayo.
Natatakot akong masaktan sa mga posible nyang gawin o sabihin sa akin.
Masakit man sa akin ay pinipili ko na lang lumayo kahit na gustong gusto ko syang samahan.
Papasok na ako sa eskwelahan ngayon dahil Lunes ngayon at napakaraming kailangang tapusin.
Nadaanan ko si Deanna na papasok sa loob ng banyo. Halo halo ang nararamdaman ko ngunit nangingibabaw ang takot na baka saktan na naman nya ang sarili nya.
Doble ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing gagawin nya iyon. Bakit? Hindi ko din alam.
Nakapagtataka lang dahil hindi man lang sya nag tangkang kausapin o lapitan man lang ako hindi katulad noong mga nakaraang araw na ramdam ko talagang kahit papaano ay sinusubukan nya pa ring kausapin at lapitan ako.
Napaka init ng panahon ngunit hindi sya naka uniporme bagkus ay naka pantalon sya at hindi ko nakita ang pang itaas nya dahil natatakpan ito ng jacket na suot nya.
Pagka lapag ko ng aking bag ay agad na sumulpot sa harapan ko si Luigi
“Jema tulungan mo ako parang awa mo na.” Nabigla ako dahil pugto ang mga mata nito at kaawa awa ang itsura nya ngayon
“Ano bang sinasabi mo, Luigi?!” naiiritang tanong ko dahil ang totoo ay gusto kong iwaglit ang kabang nararamdaman ko.
“Si D-Deanna, Jema.” nagsisimula pa lamang syang magkuwento ay nagulat kami dahil nagsalita ang isang taong kasalukuyan naming pinag uusapan
“Luigi, tama na. Nangyari na ang nangyari. Wala na syang mababago doon.” animo'y isang yelo ang isang to sa kanyang pananalita pa lamang at saka umalis na sa gitna namin ni Luigi at dire diretsyo lamang naupo sa upuan nya
Nagkatinginan naman kami ni Luigi ngunit nag kibit balikat na lamang sya
Naging ganoon kami katahimik hanggang sa nag uwian na. Agad akong nagligpit ng gamit pero binato nya ako ng nakalukot na papel sa loob ng bag ko kaya kunot noo ko syang tinignan
Inilagay lang nya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi, nakuha ko naman ang nais nyang sabihin kaya tumahimik na lamang ako.
Halos sabay kaming tumayo at lumakad ni Deanna at nang makarating kami sa pinto ay agad kong hinawakan ang pulso nya “Bye Deanna, See you tomorrow. I missed you.” Halos pigil hiningang sabi ko at saka hinalikan sya at umalis na.
Nang makauwi ako ng bahay ay wala sa sarili kong hinawakan ang labi kong dumampi sa pisngi ni Deanna.
“Aaaaah! Omg! Hinalikan ko sya hinalikan ko sya!” masaya akong nagtititili nang makapasok ako sa aming bahay.
Nabigla ako dahil nagsalita si Papa “Anak, hinay hinay lang. Kaya pa ba nyan?” seryoso ang mukha nito kung kaya ang ngiti kong napakalapad ay unti unting nawala.
“Pa naman, ano po bang sinasabi mo?” umasta akong para bang wala akong alam sa sinasabi nya
Niyakap nya ako “Nak, alam natin kung ano yung sinasabi ko. Anak hinahayaan ka namin ng mama mo na gawin lahat ng gusto mo at mamuhay ng normal kagaya ng gusto mo dahil ayaw naming isipin mong sinasakal at kinukulong ka namin o nililimitahan ka namin sa mga bagay na gusto mong gawin. Pero anak parang awa mo na, ingatan mo ang sarili mo. Ayoko nang mawalan pa ng isa pang anak at lalong ayokong makitang bumalik na naman sa dati ang mama mo.” pinangaralan ako ni papa kung kaya naiyak ako bigla
“Hindi ko po ipapromise Pa, pero susubukan ko pong maging strong ako pati to.” inilagay ko ang nakayukom kong kamao sa kaliwang dibdib ko.
Katunayan, nang mamatay ang aking isa sa mga ate ay walang mapagsidlan ang sakit na nadarama ng aming pamilya.
Halos araw araw noon ay umiiyak at nangungulila ang aming ina sa pagkawala ng aming ate.
Ni hindi na nga ito kumakain kung minsan at mahigit isang taon bago kami naging maayos, bumalik sa normal.
Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan.
Gabi na noon nang makarinig kami ng ingay na nagmumula sa kwarto ng aming namayapang ate.
“A-anak b-buma-lik kana, p-please.” Natagpuan ko ang mga paa kong naglalakad tungo sa kwartong iyon at doon, tumambad sa dalawang mga mata ko ang humihikbing si Mama.
Malungkot ko itong dinaluhan, niyakap ko ito na para bang sinasabi ng aking yakap na h'wag na syang umiyak at nandito pa ako, kami.
“Jessica a-anak, wag m-mo kaming iiwan ng papa at mga kapatid mo ha? H-Hindi k-ko na kakayanin pag nagkataon.” paputol putol ang boses ni Mama dala ng kanyang matinding pag iyak.
Hindi ako sumagot sa berbal na paraan bagkus, niyakap ko na lamang sya nang napakahigpit.
Ilang minuto pa lamang ang nakaraan ay narinig ko na ang pagbigat ng kanyang hininga hudyat na siya ay tulog na
“Mama ibubulong ko po kay ate na sabihin kay Papa Jesus at Papa God na maging maayos kana.” Bulong ko sa kanyang tenga.
Labing isang buwan na ang nakararaan nang pumanaw ang aking ate ngunit ramdam pa rin namin ang matinding lungkot na idinulot ng iyon sa aming pamilya
At himala ngang pagkagising namin ay nadatnan naming masayang naglalapag ng mga pagkain si Mama sa mesa at ngumingiti na rin ito.
“Anak, bakit pakiramdam ko ay tila umiibig ka na? Pwede mo namang sabihin kay Papa.” mapanuksong ngiti ang nasilayan ko sa kanyang mukha
Napangiti naman ako sa naisip ko. Si Deanna.
“Papa, alam ko naman pong tanggap nyo ang gusto ko. Pasensya na po kung minsan ay natatakot akong sabihin sa inyo pero opo, I feel like I'm starting to fall for someone.” nahihiyang sabi ko sa kanya.
“Anak, kilala ko ba siya?” isang matamis na ngiti at tango lamang ang naisagot ko
“hmm. Tama nga ang naiisip ko, basta anak ha ingatan mo ang sarili mo. Suportado ka namin. Sya nga pala, mauuna na ako't kailangan pa ako sa office” paalam sa akin ni Papa at saka ako marahang hinalikan sa noo.
Batid kong mahina ang puso ko pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip kong huwag subukang magmahal.
Gusto kong subukang magmahal dahil kahit ano pa ang maging kapalit nito ay alam kong magiging sulit ang lahat, lalo na't si Deanna naman ang iniibig ko.
BINABASA MO ANG
INDENTED (GaWong) EDITING
FanfictionDeanna Wong is suffering Clinically Depression, Post Traumatic Stress Disorder and Anxiety because of what she had experience from her dark past. She doesn't trust anyone but what if she meet Jema Galanza-who is very happy with her life. Would ever...