3

9.4K 146 12
                                    

DEANNA

Agad akong tumingin diretsyo sa nanlilisik na mga mata ng aking ama

"Ano na naman ba ang nagawa kong mali ngayon?" hindi ko na napigilang magtanong dahil kahit pala sobrang nasanay na akong namamaltrato ay nakakaramdam pa rin ako ng sakit.

Pisikal, emosyonal at kahit sa mental na aspeto.

"You're a disgrace to this family! You dont deserve my name!" Dinuro duro ako nito kaya napangiti ako ng pagka pait pait.

"Hindi ko rin naman gusto ang pangalan nyo." Diretsyong saad ko at akmang sasampalin nya ako ulit

"Go on! Anong akala mo? Natatakot pa rin ako sa mga pananakit mo? Well to tell you the truth, I no longer feel terried whenever you're around." Mas lalo ko pa syang tinitigan dahil sa tensyong bumabalot sa amin

"Hija!" nagulat ako sa narinig kong boses

Nagsulputan ang mga kamag anak ni Daddy sa harapan ko kahit pa hindi ako handa ay wala akong magagawa.

"Let's catch up while eating, is that okay with you? Oh, I hope you dont mind at all." naka ngiting sabi nito at hinatak ako sa hapag-kainan

Nakita ko ang mga pinsan at iba ko pang mga tiyahin at tiyuhin.

Habang kumakain ay pinag uusapan naman nila ang mga parangal na natatanggap ng kanilang mga anak.

O mas magandang sabihing nagyayabangan pa ang mga ito

"Well my daughter studied in University of the Philippines. Topnotcher." naka ngising sabi ni tita Jen at nagpunas ng labi

"That's nice but did you know, my son studied in Harvard." saad ng isa kong tiyuhin na si Don

"How about you hija?" baling sa akin ng tiyahin kong nasa edad 40s. Si tita Rowena

Napalunok naman ako kahit wala pa akong kinakain. Napatingin na lang din ako sa aking ama.

"Ateneo. Dean's lister. Varsity player of Volleyball team. Best setter." patay malisyang sabi ng aking ama.

Nabalot naman ng katahimikan ang paligid.

"Nga pala pwede bang dumito muna kami?" tanong ng tiyuhin kong si Emil, pinsan ng tatay ko.

Nanlamig ako sa aking narinig.



Matinding kaba at pagpapawis ang nangyayari sa akin. Ayoko nang maulit yun.

"Sure you can. Enjoy your stay." sagot naman ng aking ama.

"No!" napatayo na ako sa upuan ko at masamang tingin ang ipinukol ko sa mag ama.

Sina tito Emil at ang kanyang anak na si Reggie ang maninirahang muli dito

"Anong problema mo? Maupo ka nga! Wag kang bastos!" sigaw sa akin ni Dad pero wala akong pakielam

"Why are you letting those demon stay in our house?" galit kong sigaw.


Sanayan na lang siguro to, hindi naman ako bastos na anak pero pag alam kong nasa tama ang punto ko ay ipaglalaban ko ito ng patayan.


"Dont you miss us, Deans?" Parang asong ulol na naka ngisi sa akin ang pinsan kong si Reggie

Hayop. Yan lang ang laman ng utak ko para sa kanya.

"Walang nakakamiss sa demonyo, Reggie." Matabang kong sabi saka umakyat sa kwarto ko kahit pa rinig na rinig ko ang pagsigaw ng aking ama.


INDENTED (GaWong) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon