JEMA
“Anak you should rest, hindi kita bibigyan ng permiso para pumasok. Bahala ka dyan.” nagbabantang sabi ng aking tita doc na si Ms. Ella De Jesus
Kinailangan kasi akong lagyan ng swero (dextrose) at kabitan ng oxygen sa sobrang hirap ng naramdaman ko.
Ngayon ay pang limang araw na akong nakahilata sa kama ko at nagpapahinga. Biyernes naman na ngayon kung kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw pa nila akong payagang pumasok
“Mrs. and Mr. Galanza hindi bat inabisuhan ko na kayo? Na bawal na kay Marga ang sobrang emosyon at pagod. Anong nangyari at nakalusot pa itong batang to?” naiiling na tanong ng doktor.
“Tita doc, knock knock.” nakangiting baling ko sa kanya
Kumunot naman ang noo nito “Hay nako Marga! Ano ba yan?” naka busangot na ang mukha nito kaya natawa ako
“Knock knock nga tita Doc.” paliwanag ko sa kanya kaya bumuntong hininga sya
"Fine. Who's there?” at sa kauna unahang pagkakataon ay sinakyan nya ang kalokohan ko
“BDO!” maligalig kong sagot. Walang gana akong tinignan ni tita Doc
“BDO who?” tanong nya pabalik
“BDO, we find ways!” natatawang sagot ko.
Bahagyang natawa naman sina Mama at Papa “Yes you find ways blah blah. Kaya tignan mo nangyari sayo!” inirapan lang ako ng Dra. De Jesus
“Tita doc naman eh wag ka na magalit. Malaki na ako. I'm 18 already!” mapagmalaki kong saad
“Yeah! Exactly, basically you're 'just 18' to die. Pwede ka namang mag home school, anak. By that you can still live your life normally.” pangungumbinse nya sa akin
si Dra. De Jesus ay doktor ng aming pamilya, para ko na rin syang tiyahin dahil napakalapit ng loob namin sa kanya. At isa pa, ilang taon lamang ang agwat ko sa kanya.
“Tita, home school? that's not even normal. Tsaka kung mamatay man ako nang maaga at least no regrets because I've lived my life to the fullest, at its best.” pagdidipensa ko
Kung kukunin man ng Diyos ang buhay ko ngayon, wala akong pagsisisihan dahil alam kong nagawa ko ang ilang bagay na gustong gusto ko noon pa man.
“Ay nako ewan ko sayo. Ganyan talaga siguro kapag umiibig na, ano? Pero paalala lang anak, hindi kakayanin nito kapag pinilit mo ng sobra. Hinding hindi. But to contradict what I've said, hindi rin mali ang mag mahal pero sa kondisyon mo, oo. Pag isipan mong mabuti ang sinabi ko. You can love from afar. Yung hindi ka masasaktan. Mauna na ako. Mag ingat ka!” bahagya ako nitong hinalikan sa aking noo at saka nagpaalam na rin sa mga magulang ko.
“Iiwan ka na muna namin saglit anak ha? Nandyan naman si ate Emmy tawagin mo na lamang sya kapag may kailangan ka. Pasensya na nak, may trabaho kasi kami ng Papa mo at pareho kaming hindi na pinayagan mag absent.” malungkot na paumahin nila ni Papa. Hinalikan nila ako sa noo.
Saglit pa ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas sara ng pinto.
Inabot ko ang telepono sa gilid ko at tinawagan si ate Emmy.
Kahit animo'y isang ampalaya yun ay nakakausap ko sya tungkol sa mga bagay bagay lalo na kapag seryoso, sa buhay pag ibig.
“Oh ano na naman ang pag uusapan natin?” walang ganang tanong nito at umupo sa gilid ng kama ko
“Ate Emmy bakit ganun?” malungkot akong nagsimulang nagbahagi
“Anong bakit ganun? Hindi ko alam kung ano yung 'ganun' Jema, magkwento ka na lang kaya para malaman ko na at mag bigay na ako ng payo. Marami pa kasi akong gagawin sa baba tulad na lang ng pag silip sa poging boy doon sa kapit bahay yiee.” mahabang reklamo ni ate Emmy kaya natawa ako sa huling parte ng kanyang pag eeksplina.
“Bakit kung kailan mahal na natin yung tao at handa na tayong isugal lahat ng meron tayo, doon pa hindi pwede?” Unang tanong ko at sunod sunod na kumawala ang mga luhang hindi ko na gusto pang maramdaman
Bahagya syang napalingon sa akin. Pinunasan nya ang mga luha ko “Oh hep! Sabi kwento lang, walang iyakan.” pag bibiro nya kaya natawa ako
“Pero seryoso, baka kaya ganun dahil hindi talaga sila ang nilaan ng Diyos para sa atin.” nagpakawala sya ng malakas na buntong hininga
“Paano ba malalaman kung sila nga yung nilaan para sa atin ng Panginoon?” Pangalawang tanong ko.
Sa tinagal tagal kong nabubuhay ay ramdam ko naman ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa akin, minsan lang ako malungkot at napakabilis lang ng oras na ganun ako.
Ngayon lamang ako naghanap ng sagot sa mga katanungan kung bakit ganito, kung bakit ganyan ang mga bagay bagay.
“Kapag nandyan sya, you feel safe, warm, protected, and cozy. Hindi yung ang daming paru paro sa tiyan mo. Scam yun! Tsaka, kahit anong mangyari sa inyo ay nagmamahalan kayo. Yung ano ba, if your love fails well its not true love.” makahulugan niyang sagot.
“Paano ba magwowork kung hindi pa naman nasimulan?” naguguluhang tanong ko. Pangatlo.
“Edi gumawa ka na ng paraan para simulan mo. Crush mo yung kaibigan mong si Maam Deyna no?” mapanuksong ngiti ang ibinigay nito sa akin kaya napailing na lamang ako
“Paano ba sisimulan kung hindi pa nga nagsisimula nawala na agad sayo?” Pang apat kong tanong
“Napakarami mong tanong Jema. Nakakaloka ka! Alam mo buti pa matulog ka na lang dahil mas kailangan mo yun kaysa ang love life! Tsaka kailangan ko na rin mag haunting ng oms sa labas! Pahinga ng mabuti ha? Hindi mag isip.” bilin nito sa akin bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.
Ginawa ko namang matulog at halos trenta minutos din akong nakatulog bago ko napagpasyahang tawagan ang kaibigan kong si Ria.
Pumunta sya agad sa bahay nang malaman nyang kailangang nakapahinga ako't may swero.
Ilang minuto pa ang lumipas at narinig ko na ang pagbukas sara ng pinto
“Hoy hoy hoy Mareng Jema! Anong pinaggagagawa mo sa buhay mo? Mabuang ako karon dahil sayo, anong matabang ko sayo?” Bungad nito sa akin kaya hinampas ko ito.
“Nag ano, nag confess na ako kay Deanna kaso wala pa ring sagot simula nung niyakap yakap mo sya. Madaming nangyari na hindi ko pwedeng sabihin. Tsaka, tanong lang, paano mo sisimulan ang bagay na tapos na?” mahabang paliwanag ko at saka nag tanong na rin akong muli.
“Bumalik ka sa rason kung bakit gusto mo pa rin itong simulan muli, J. Mag ayos ka ng kinabuhi mo ha!” maikling sagot nito.
May mas masakit pa pala sa hiwalayan. Yung mawala yung bagay na hindi naman naging sayo. Yung natapos na yung isang bagay naman na hindi pa naman nagsimula. Wala nang mas sasakit sa mga bakit at paano kaya.
“J, Tinatago mo ba yung feelings mo o ikaw mismo ang nagtatago kasi hindi pwede?” tanong nito sa akin na naging dahilan ng pagkalunod kong muli sa napakalalim na parte ng aking pag iisip.
BINABASA MO ANG
INDENTED (GaWong) EDITING
FanfictionDeanna Wong is suffering Clinically Depression, Post Traumatic Stress Disorder and Anxiety because of what she had experience from her dark past. She doesn't trust anyone but what if she meet Jema Galanza-who is very happy with her life. Would ever...