Ang gandang panoorin nang mga mamamayan na sabay-sabay kumukilos at sumusunod sa utos ni ama. Masunurin silang lahat kaya't maayos silang pinapa-sweldo at pinapakain nang aking pamilya. Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko na kahit napapagod na sila, nakangiti pa rin sila dahil alam nila na masusuklian ang lahat nang kanilang pagod. Habang nakatayo ay may naramdaman akong kamay na pumatong sa balikat ko. Tiningala ko kung sino ito, si ama kasama ang aking ina. Pareho silang nakangiti sa akin.
"Kay ganda nilang pagmasdan, hindi ba?"
"Opo, ama. Nararapat lamang na tratuhin natin sila nang maayos."
Lumapit ako kay ama at kay ina. Pareho ko silang niyakap. Sila lang ang kilala ko at hinahangaan ko pagdating sa pamumuno. Eksperto sila at sobrang mabait pa. Mapagmahal din sila sa aming mga nasasakupan at maalalahanin. Lahat na ng mabubuting katangian nang isang pinuno ay nasa kanila na, kaya't swerte ng mga tao na nandito. Pinamumunuan sila nang magagaling kong mga magulang.
"Mahal na mahal niyo po sila, 'no?"
Nakangiting hinarap ako ni ina, "Kung hindi dahil sakanila, wala tayo ngayon sa ating kinatatayuan anak. Isa sila sa mahahalagang bagay na dapat nating ingatan."
Binuhat naman ako ni ama, "Balang araw, ikaw na ang mamamahala sakanila. Kaya mo ba 'yon anak?"
"Basta't nandiyan po kayo nila ina, ama. Kayang kaya ko!"
"Aba! Napaka-swerte ko talaga sayo anak, kami ng ina mo ay mahal na mahal ka."
"Mahal na mahal ko rin po kayo ama."
Naputol ang aming kasiyahan nang ang isang kawal ni ama ay tarantang taranta na nagtungo kung nasaan kami. Lumuhod muna siya bago nagsalita.
"Mahal na hari, sumusugod na naman po ang kabilang bayan. Ang kanilang pinuno ay ubod ng lakas kung kaya't naubos ang aking mga kasamahan."
Ibinaba ako ni ama at inutusan ni ina na dalhin na ako sa kwarto ko. Bago ako mawala doon ay nakita ko pa ang sugat sa hita nang kawal na hindi matigil sa pagdugo. Mula sa kwarto ko na hindi kalayuan sa opisina ni ama ay rinig na rinig ko ang kanilang usapan. Naroon rin si ina na tumutulong sa pagpa-plano.
"Ano pong gagawin natin kamahalan? Sila ay nasa silangan na at sampung kilometro na lang ang layo sa kaharian. Kulang na kulang na ang mga kasamahan ko dahil sa dami nang bilang nila."
"Kung ganoon, kailangan kong tumulong. Ihanda ang mga sandata! Tayo ay lalaban! Walang makakapasok sa aking kaharian!"
"Masusunod po!"
Narinig kong bumukas ang pinto hudyat na umalis na ang kawal. Hihiga na sana ako sa kama ko nang marinig ko ang boses ni ina.
"Mahal ko, tutulong ako. Kulang na tayo sa mga kawal, kailangan may gawin ako."
"Hindi, Alice. Dito ka lang at bantayan mo si Aia. Hindi pwedeng maiwan nang mag-isa ang anak natin at ang buong kaharian."
"Nandiyan sina Soledad, sila na ang bahala sa anak natin."
Matapos ang tinig na iyon ay wala na akong narinig pa. Nagtungo ako sa veranda ng aking kwarto upang makita kung anong nangyayari. Namataan ko ang mga kawal na nagsisipag-handa nang mga sandata, ang iba ay kabayo upang gamitin, at iba pa. Tumutulong na rin ang mga mamamayan sa paghahanda. Bumalik ako sa loob nang kwarto ko upang magpalit. Naglagay ako nang ilang damit sa maliit kong bag at nagsuot nang jacket na may hood. Sasama ako kina ama, gusto kong matuto kung paano makipaglaban.
Dahan-dahan ay binuksan ko ang pinto. Tahimik na mula sa opisina ni ama kaya panigurado ako na nasa ibaba na sila. Dinala ko ang munti kong pana, binigay ito ni ina upang pag-aralan ko. Baka sakali ay magamit ko ito sa pakikipaglaban. Tahimik kong tinahak ang daan pababa. Abala ang mga kasambahay pati sina ama kaya't hindi nila ako nakita na sumakay sa karo sa likod nang kabayo. Ilang saglit pa ay may narinig akong ingay. Tunog nang pumutok na kanyon. Gumalaw ang lupa pati na rin ang karo na kinalalagyan ko. Naaalog ako sa ilalim dahilan nang pagkahilo ko. Dahil naiinitan ay pinili ko munang lumabas. Pagkalabas ko ay nadatnan ko na lamang na nagkakagulo na ang mga tao. Sa higanteng bukana nang aming kaharian ay kita ko mula sa malayo ang pagdating nang mga hindi kilalang tao. May dala-dala silang kanyon na nakahilera paharap sa aming palasyo. Dahil sa kaguluhan ay nasasagi na ako, pinilit kong pumasok sa loob ngunit hindi na ako nakapasok dahil sa dami nang mga tao na tumatakbo kasabay ng kanilang pagsigaw. Tumingin ako sa mga taong nakatayo sa malayo. Lalo na sa kanyon na nakatutok sa direksyon ko at unti-unti ay umapoy at nagpakawala nang isang higanteng bola. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw, kahit gustuhin kong tumakbo upang makailag ay wala. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko upang hinatayin na masabugan. Maya-maya pa ay wala akong naramdaman kaya iminulat ko ang mga mata ko. Pagmulat ko pa lang ay tumambad na sa akin ang katawan ni ina na punong -puno nang dugo. Dali-dali akong tumakbo sakanya upang damayan siya. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang pisnge niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Matapos niyon ay Unti-unti siyang pumikit. Ang kapit niya sa kamay ko ay unti-unti na ring lumuluwag.
"I-Ina? H-Hindi... I-Ina, gumising po kayo! Ina! I-Ina!"
"Aia? Aia? Gising!"
Bumangon ako nang habol habol ang hininga. Mabilis ang paggalaw ng dibdib ko. Ramdam ko rin ang luha na tumulo sa pisnge ko. Tumambad sa akin ang hitsura ni ama na nag-aalala. Mabilis akong yumakap sakanya.
"A-Ama, napanaginipan ko ulit ang nangyari k-kay ina."
Parang kahapon lang ulit nangyari ang mga iyon. Bagong bago pa sa utak ko kahit pa dalawampung taon na ang nakakalipas.
Ang pangyayaring iyon, ay nangyari kay ina nang dahil sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Psycho
Mystery / Thriller[BASED ON THE TRUE STORY OF CINDERELLA] Aia Aloha Bermudez, the orphan. The good, the innocent, an angel. A girl who turns into a psychopath.