"Yaya Aia! Yung pagkain ko!"
Maingat kong ibinuhos ang dugo nang pusang kinatay ko kanina sa pagkain na ipinahain sa akin nang mag-ina. Hinalo ko muna ito at inayos para hindi halata na may halo itong dugo. Binuhat ko ito at maingat na nilagay sa hapag nila. Tinignan muna nila ako at sinuri nang mabuti ang pagkain. Unang tumikim si Vicky na parang tinitimtim ang bawat sabaw na kanyang isinusubo. Nagpunas siya nang kanyang labi at matamis na naka-ngiti at humarap sa akin.
"Ang husay mo talagang magluto,yaya Aia. Mabuti nang ganyan ka, sumusunod sa mga utos."
Tumango ako, "May kailangan pa po ba kayo, reyna Vicky?"
"Yan, ang sarap pakinggan sa iyo. Wala na, makakaalis kana."
Sa pagtalikod ko, napaikot nang todo ang mga mata ko. Mabuti at nakapag-pigil ako at umabot pa ako sa kusina na walang nagagawang masama sa kanilang mag-ina. Naghanda ako nang kanilang palamis at nanghuli nang pusa na alaga ni Victoria para ihalo sa kanilang meryenda. Nang matapos ay inihain ko agad ito sa hapag nila at nagpa-alam na maglilinis na. Pagka-akyat ko sa aking kwarto ay mabilis kong inalis ang mga bakas nang dugo na nakatago sa aking kamay sa pagkatay nang mga pusa. Naupo ako sa harap nang bintana at pinagmasdan ang aming kaharian.
Isang linggo na ang nakalipas mula nang ipabugbog ako ni Vicky, niyurakan niya ang pagkatao ko. Binaboy nila ang pagkababae ko kaya't wala na akong magawa kundi sundin sila. Pinilit kong lumaban, ngunit sadyang napakarami niyang mga bantay na kahit saan ay binabantayan sila. Ginawa nila lahat nang kanilang nais, naging reyna si Vicky, at naging prinsesa naman ni Victoria. Silang dalawa na ngayon ang namumuno sa kaharian na pinangarap kong palaguin at pagandahin. Naikuyom ko ulit ang mga kamay ko at walang ano-ano'y nasuntok ang pader na tila naging luntian na dahil sa mga kulay luntian na nagkalat dahil sa tagal nang hindi nagamit at nalinisan ang kwartong ito. Kwarto kung saan noon ay tambakan lang, ngayon ay kwarto ko na. Sobrang sikip nito na ang tanging laman lang ay pang-isahan na kama at maliit na aparador. May bentilador na nakasabit at may isang maliit na pintuan na sa likod nito'y isang maliit na banyo.
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang nakakarinding tinig nang isip bata na si Victoria. Halos masira na ang pintuan dahil sa lakas nang katok niya. Huminga muna ako nang malalim bago ko siya pinagbuksan.
"Ano pong kailangan niyo mahal na prinsesa?"
"Labhan mo ang lahat nang bestida ko, wala na akong maisuot. At pakidalhan na rin nang makakain ang mga pusa ko."
Tumango ako at umalis na rin siya. Nilinis ko muna ang kwarto ko at bumaba na. Sumasakit na ang buong katawan ko dahil sa dami nang ginagawa ko ngunit hindi ako tumitigil dahil tanging ako lang ang kasambahay dito, dahil gusto nila akong pahirapan. Matapos kong mailaba ang lahat nang damit ni Victoria ay lumabas na ako upang pakainin ang kanyang mga alaga. Habang sila'y pinapakain, natatawa na lang ako.
"Kawawa naman kayo, ni hindi man lang kayo bisitahin nang amo niyo, hindi niya alam na unti-unti na kayong nauubos."
Noon ay halos singkwenta ang mga pusa na ito, ngunit dahil sila ang niluluto ko upang gawing karne at pagkain nang kanilang amo, mga bente na lang sila ngayon. Tanghaling tapat nang mag-pasya na akong maghain nang tanghalian nang mag-ina. Kukuha na sana ako nang isang pusa ngunit napatigil ako dahil may isang pakalat-kalat na aso. Lumapit ako upang tignan ito. Ang kanyang balat ay puno nang sugat, ni wala na nga itong balahibo dahil nahulog na ata kakakamot nito. Napansin ko ring naglalaway-laway siya at kulay pula ang mga mata nito. Ginamit ko ang kaalaman ko sa pangangaso upang mahuli siya. Binitbit ko ang kanyang katawan na duguan at dinala ito sa kusina. Nag-isip muna ako kung anong ulam ang iluluto ko bago ko siya hiniwa. Naisip kong gumawa nang sinigang at adobo dahil marami-rami ang nahiwa kong laman nito. Dahil sa gutom ko ay kinuha ko ang mga mata nito at mabilis na isinubo. Lasap na lasap ko ang dugo nito sa aking kamay na nagawa ko pang sipsipin ito. Napagtanto kong mas masarap pa pala ito kesa sa pusa. Mula nang matuto akong kumain nang pusa, kahit anong hayop ay kinakain ko na rin. Hindi pa ako nakuntento at kinuha ko ang ulo nang aso at sinipsip ang butas na pinagmulan nang kanyang mga mata. Pinunasan ko ang aking bibig at nagpatuloy na sa ginagawa.
May ngiti sa labi, inihanda ko ang mainit-init na sinigang at adobo sa kanilang hapag. Mukhang takam na takam sila nang maamoy pa lang ang usok nito. Pinanood ko silang mukhang gutom na gutom na kainin ang mga niluto ko.
Sige,lasapin niyo ang karne nang baliw na aso.
Tinalikuran ko sila at nagtungo na sa kwarto ko upang linisin ang katawan. Nang matapos ay bumaba ako upang kainin ang tinira kong buntot nang aso at walang kung ano-ano'y mabilis ko itong nilantakan. Dahil sa gutom ko hindi ko na ito niluto at kinain na lang. Naging maingat ako sa pagkain dahil ayoko nang matalsikan nang mga dugo. Hinugasan ko ang aking nguso at lumabas na upang kunin ang mga pinagkainan nang mag-ina.
"Yaya, ipagtimpla mo kami nang juice. Yung strawberry flavor ha?"
Kinuha ko muna ang mga pinggan bago ako nagtimpla nang kanilang inumin. Sakto na ang pinili nilang flavor ay strawberry, pwede kong ihalo ang itinabi kong dugo nang aso kanina. Inamoy ko muna dahil baka mahalata nila. Nang makuntento na ako at lumabas na ako at hinain ito sa harap nila. Ang naunang uminom ay si Victoria, na sarap na sarap. Halos maghugis puso na ang kanyang mga mata.
"Wow! Ang sarap nito yaya Aia! Ang galing mo talaga!"
Tumango ang kanyang ina, "Hmm, masarap nga siya. Pero bakit parang malansa? Ganito ba talaga ito?"
Nagngising-aso ako, "Ganyan lang po talaga iyan, mahal na reyna. Baka po nahaluan nang lansa dahil kakakain niyo lang po."
"Oo nga mommy, malansa nga rin yung panlasa ko eh, pero nangingibabaw ang sarap!"
Nagpa-alam ako doon at mabilis na nagtungo sa kusina. Habang hinuhugasan ang mga pinggan ay natawa na lang ako. Hindi ko maisip na hindi man lang nila matanong kung saan ako kumukuha nang kanilang mga kinakain gayong hindi naman ako pumupunta sa bayan.
Mga hayop, lahat nang kakainin niyo ay ang siyang magdudulot nang pagkamatay niyo.

BINABASA MO ANG
The Psycho
Mystery / Thriller[BASED ON THE TRUE STORY OF CINDERELLA] Aia Aloha Bermudez, the orphan. The good, the innocent, an angel. A girl who turns into a psychopath.