Chapter 6

44 4 1
                                    

Nahihilo na ako, hindi dahil sa mga kinakain ko. Kundi dahil sa kaalamang ngayong araw ay kailangang dumalo ang lahat nang prinsesa sa palasyo nang mga Mercedes dahil ika-25 kaarawan na nang prinsipe! Ani nila'y pipili ang prinsipe sa mga kababaihang dadalo. Nais kong dumalo sa handaan, pero ang kaisipang hindi na ako prinsesa ay pumipigil sa akin. Paano ako dadalo doon kung ako ay isa na lamang dukha? Paano na?

Hindi mapakali ang mag-ina dahil lahat nang magagandang damit ay binili sa bayan ngunit wala pa ring nagugustuhang suotin. Nais ni Vicky na si Victoria ang mapili upang mas lalo pang lumawak ang kanilang kapangyarihan at mas dumami pa ang kanilang kayamanan. Hindi makuntento sa nakuha niyang kayamanan sa pamilya ko.

Halos magwala ang mag-ina dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang handaan. Tahimik akong nagpunta sa aking silid dahil natapos ko na ang lahat nang aking gawain. Kinuha ko mula sa loob nang cabinet ang aking hinandang damit, ang damit na isinuot ni ina nang ika-labinwalong taon niya at hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin. Kulay rosas ito na may disenyong paru-paru sa laylayan at labas ang likod. Marami pa ang natitirang damit sa akin ni ina na talagang iningatan ko. Nilaba ko na ito kahapon pati na rin ang sandals niyang kulay puti na may taas na kaya kong ilakad. Ayos na rin ito sa akin. Plano kong pumunta at hindi na magpa-alam sa mag-ina dahil panigurado naman na hindi nila ako papayagan.

"Aia! Bantayan mo ang palasyo at aalis na kami!" rinig kong sigaw ni Vicky sa pintuan kong nakasara.

"Opo mahal na reyna!" sigaw ko pabalik.

Sumilip ako sa pinto upang siguraduhin na naka-alis na sila. Ni-lock ko ang pinto nang kwarto ko at nagsimula nang kumilos. Una ay naligo muna ako at pinatuyo ang buhok. Ang damit na nakasampay ay maingat kong isinuot. Kita ko ang repleksyon ko sa salamin na nasa cabinet, kamukhang kamukha ko si ina. Napangiti ako sa natanto. Umupo ako sa harap nang salamin na nasa aking lamesa at nagsimula nang ayusan ang sarili. Ang buhok kong hanggang bewang ang haba ay itinali ko at ginawang malaking bilog. Ang mga natita namang kolorete sa mukha ni mama ay ginamit ko na. Naglagay rin ako nang kulay rosas na pampakulay sa aking labi dahil maputla ako kung wala nito. Huling nilagay ko ay ang pabango na niregalo sa akin ni ama nung ika-18 kong kaarawan. Kinuha ko ang maliit kong bag na naglalaman nang mga daliri ni Leslie kung sakaling magutom ako at nais kong kumain nang laman nang tao ay makakakain ako, hindi ko na kase mapigilan. Sisipsipin ko na lang ito at ngunguyain na parang kendi kapag walang nakatingin. Nang matapos ako ay sinarado ko lahat nang pinto at nilisan ang palasyo. Sa daan ay naghintay ako ng mga dumadaang kabayo na may hilang kahon na gawa sa kahoy at may upuan sa loob. Dahil alas-otso na nang gabi ngayon at kanina pa nagsimula ang handaan ay halos wala nang dumadaan ngayon dito. Makalipas ang sampung minuto ay may isa ring dumaan at nakasakay na ako.

Dalawampung minuto mula sa palasyo ay narating namin ang palasyo nang mga Mercedes. Mula sa labas ay kita na na napakaraming mga panauhin. Bumaba ako at inabot ang bayad. Inayos ko nag nagusot kong damit at naglakad papasok. Ang mga taong narito ay kapansin-pansin. Halata na nagmula sila sa matataas na pamilya. Nanliit tuloy ako sa aking sarili. Habang naglalakad papasok ay nakayuko ako. Bakit nga ba ako nagpunta dito? Ano bang dahilan? Hindi ko din alam.

Habang naglalakad ay may nagbanggit nang pangalan ko. Napalinga agad ako hanggang sa tumama ang paningin ko sa isang babaeng nakasuot nang kulay asul na bestida. Kasama nito ang isang lalake na seryoso ang mukha ngunit sa tuwing titingin sakanya ang babae ay nanlalambot ito. Nakangiting lumapit sa akin ang babae.

"Aia! Aia, diba? Ito kaseng si Adore, nahiya pang batiin ka. Diba mag kaibigan ang mga ama niyo? Batiin mo naman siya, Adore!"

Napangiti ako sa narinig ko. Lumapit din ako sakanya at binati si Adore at ang kanyang asawa na si Daisy. Natatandaan ko sila lalo na si Adore, madalas kase silang bumisita sa amin noon. Matalik na magkaibigan kase ang ama namin kaya naging kaibigan ko na rin siya. Dumapo ang tingin ko sa tiyan ni Daisy na naka-umbok. Napahawak siya doon dahil nakita ata niya na nakatingin ako dito.

"Kamusta na, Adore? Matagal na rin simula nang huli taong magkita."

"Maayos naman ako, patawad dahil hindi kami nakadalo sa burol ni Uncle Arturo at Auntie Alice. Nagkataon na may laban. Patawad ulit."

Kumirot ang puso ko sa narinig ngunit mabilis din na nahimasmasan. Nag-peke na lang ako nang ngiti dahil masakit pa rin ang pagkamatay nang magulang ko. Iniba ko na lang ang usapan upang hindi na tuluyang maiyak.

"Ilang buwan na?" tukoy ko sa tiyan ni Daisy na nakilala ko noong kasal nila.

"Limang buwan na." sagot niya sabay hawak dito.

"Congrats sa inyo."

"Salamat. Ikaw, kelan ka magkakaroon? Tumatanda ka Aia, hindi bumabata."

Sasagot na sana ako ngunit biglang may isang batang lalake ang tumakbo palapit sa amin at humalik sa tiyan ni Daisy. Humarap ang bata sa akin at nakita kong hawig na hawig ito ni Adore ngunit parang nakita ko rin sakanya ang best friend ko noon, si Eyrin. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita, nasaan na kaya siya?

"Ama, ina! Lumabas po ulit ang kapangyarihan ko! At ang astig nito!"

Sobrang saya nang bata, na mga nasa anim o pitong taong gulang. Humawak siya sa kamay ni Adore na hanggang tuhod niya lang. Tiningala niya ito dahil sa liit niya.

"Ama, nais ko na pong mag-ensayo, please?"

"Magpa-alam ka muna sa ina mo."

Ang saya nilang pagmasdan. Isa silang halimbawa ng isang perpektong pamilya. Minsan ko ring hiniling na sana katulad din ako nila, na nagtataglay nang kapangyarihan ngunit umayaw din dahil sa posibilidad na kahit anong oras ay pwede kang mamatay.

"Sige Aia, balik na kami sa lamesa. May kasama ka ba? Sama kana lang samin."

"Ah huwag na. Kaya ko na, masaya akong makita kayo. Paalam."

"Paalam ka sa tita mo AK."

"Mauna na po kami tita."

Kumaway ako bago sila tuluyang maka-alis. May ngiti na sumilay sa aking labi.

Nais ko rin nang ganoong pamilya, ngunit baka makain ko lang ang magiging anak ko kaya huwag na lang.

The PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon